Part 69

568 7 0
                                    

" Sige, ikamusta mo nalang ako sa magiging asawa ko " nginitian naman nya ko. Natawa naman ako

" Sige, brother in law " nag-appear kami at umalis ko para umuwi.

://

Umalis na ko bago pa magising si Mhimoi. Masmaigi nga munang hindi muna ako magpakita sa kanya. Pumunta na ko palapit sa auto ko at sumakay. Buti naman ayos na samin ni Drake ang lahat. Si Mhimoi nalang ang problema ko. Inistart ko na yung auto ko at pinaandar. Nagulat naman ako nang biglang tumawag si Vince.

" Oh? " sabi ko

" Pre si Tita sinugod sa D.M. Hospital! Asan ka ba?! " natatarantang sabi ni Vince

" Ano?! Teka, pauwi na ko. Asan si Shena? " binilisan ko lalo ang pagdadrive ko. Arrg! Ano ba talagang gusto Mong mangyari ha? Bakit pinaparusahan mo ko ng ganito? Ano bang nagawa ko Sayo?! Anong gusto Mo?! Makita akong nahihirapan?!

" Pre si Shena, umiiyak. Hindi ko sya makausap ng maayos. Tinext ka daw nya kanina pa. Hindi ka daw sumasagot " maingay sa lugar ni Vince. Para syang tumatakbo na nagmamadali. Masnataranta tuloy ako. Binilisan ko pa ng binilisan. Binaba ko na yung cellphone ko at tinignan ang text ni Shena kanina. Mahirap mag drive ng nagtetext, pero pinilit ko pa rin.

Wag mo muna syang puntahan may nangyari kay Mama.

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Kanina pa nya to text. Ibig sabihin, kanina pa may nangyari kay Mama?! Ano ba Hinston! Bakit hindi mo binasa ha! Arggg!!!!!!

" HOY! " sigaw sakin ng Traffic Enforcer. Hindi ko sya pinansin. Binilisan ko ng binilisan hanggang sa nakarating na ko ng Dr. Morgan's Hospital.

" Mia Lee? " nagmamadaling tanong ko sa nurse

" Vip #7 Emergency room" agad naman akong tumakbo. Binilisan ko ng binilisan.

" Shena! " Nakita ko kaagad si Shena na akap akap si Grace. Si Vince naman tuliro. Nilapitan ko sila.

" Kuya.. kuyaha.. " niyakap agad ako ni Shena. Nakakaawa sya. Parang awa Mo na, tama na. Wala na kaming Tatay, wag Mo namang hayaang mawala ang kaisa-isang magulang namin. Please lang.

" Kuya si Mama.. Kuya.. " tumingala sakin si Shena, punong puno ng luha ang mga mata nya. Naaawa ako sa kanya, hindi ko sya kayang tignan. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon