Part 39

739 14 2
                                    

" Pabili ngang cartolina! " sigaw ko dun sa tindera

" Ano yon? "

" Cartolina nga! " kainis! Paulit-ulit e!

://

" At ano namang gagawin ng tamad na lalaki sa cartolina ha? " bigla akong napatingin, si Vince lang pala

" At ano namang ginagawa mo ha? Nangistalk ka no? " sabi ko habang inaayos nya yung bonnet nya

" Kapal mo! yung auto ko? Nakakahiya sayo pre ha? " 

" HAHAHA, nasa bahay. Kailangan mo na? " inabot na sakin nung tindera yung cartolina

" Hindi naman " umupo kami dun sa upuan ng tindahan

" Dalawang red horse nga manang na mukhang bebang. " bigla akong siniko ni Vince

" Sira ulo ka talaga! E kung hindi ka pagbilan nyan? Teka, bakit ka nga ba naglalasing ha? babae nanaman? " binuksan ko na yung alak ko atsaka tumungga

" Anong nanaman? Sira ka ba? " sabi ko sa kanya

" Tsk, para namang hindi ko alam na naging suki ka ng red horse nung namomroblema ka kay Afisha " binuksan nya na yung red horse nya

" Ewan ko sayo, tumahimik ka nga! " tinungga ko nanaman yung red horse ko

" Ano bang gagawin mo sa cartolina na yan ha? Teka nga, chippy nga dyan bebang " natawa naman ako sa kanya

" Wala! may isusulat lang ako ! " sagot ko sa tanong nya 

" Wala tapos may isusulat? Lasing ka na pre! " kinuha nya yung chippy dun sa tindera

" Dalawa ho " Nag-abot nanaman ng isang chippy yung tindera. Buti hindi to napipikon samin. Umupo na sya at binuksan yung dalawang chippy 

" Ano bang isusulat mo dyan? " dumampot sya ng chippy nya

" Ewan, yung ginawa ko para kay Mhimoi. " tumungga ulit ako

" Ang labo mo, ewan ko sayo. E ano nanaman bang inimbento mo? Wag mong sabihing gumawa ka nanaman ng seducing entry? "

" Ha? pano mo nalaman? " dumampot naman ako sa chippy nya

" Anak ng tae, e ginawa mo din yan kay Afisha e! tigil tigilan mo na nga yang kahibangan mo pre, nakakahiya ka! "

" Ewan, ang labo ng mga babae, pagnilambing mo kinikilig, pagniligawan mo naman busted! Hay Ewan! Dalawa pa ngang red horse! " binuksan ko na yung red horse ko atsaka tumungga

" E di gagawa ka palang ng seducing entry mo? " tanong nanaman nya pagkatapos tunggain yung red horse nya

" Hindi, isusulat ko lang ulit" 

" bakit? nabasa? "

" Hindi, ilalagay ko lang sa kisame ng kwarto ko " tumungga ulit ako

" Ha? para ka talagang engot! E diba kinokoryente ka na nga sa kanya? Bat gumagawa ka pa nyan? " dumampot nanaman sya ng chippy nya

" Basta pre! tumahimik ka na lang dyan " tumungga nanaman ako

" E wan ko sayo! "

" E ikaw? Hindi mo na binabanggit si Grace ha! Break na ba kayo? " 

" Sira! kami pa rin no! " tumungga naman sya

" Oh? buntis ba daw sya talaga? o bubuntisin mo palang? Hahaha! "

" Tumahimik ka nga!" 

" Pikon! " tinungga ko ulit yung red horse ko

" O bayaran mo yan ha! " tumayo na ko

" Hoy! " inalisan ko na sya.

" Hoy Hinston! Sira ulo ka talaga! Yung auto kotpjganwkqu--- " hindi ko na sya narinig, tinakbuhan ko na. Mahirap na mamaya ako pa pagbayarin e. Tinakot ko na nga lang yung anak ng aling na mukhang bebang na yon para bigyan ako ng cartolina e. Hayy, teka ? May pentel pen ba ko?

' ARF! ARF ! ' tong mga aso nato paepal. Para namang hindi nila ko kilala. Tsk!

" Ilabas mo pera mo. " nagulat ako nang biglang may tumakip ng bibig ko tapos pinulapot yung kamay nya sa leeg ko na may nakatapat na kutsilyo.

" Biro lang! HaHaHa! " bigla nya kong binitawan pero siniko ko sya tsaka humarap sa kanya

" Kalma pre! Ako to, si Bling, remember? " pagkaharap ko sa kanya, nakataas yung dalawa nyang kamay, tapos nung nagpakilala sya, tinanggal nya yung sumbrero nya, sya yung mukhang bakla kanina. Bling pala pangalan nya ha. Ang bakla pwe!

" Sa susunod, wag kang papalupot sakin. Hindi mo ba alam na mabaho ka? " naglakad na ko papasok sa bahay namin. Nasa tapat lang kasi kame.

" Wohh? wag kang pikon pre bir--" 

" Hindi tayo tropa kaya wala kang karapatang makipagbiruan sakin. Ano bang pinunta mo dito ha?! "

" Ako. " biglang lumabas si Mhimoi sa van. Ano namang ginagawa nya at gabing gabi na e lumalabas pa sya tsaka bakit nya kasama yang mukhang paa na yan?

" Akala ko tulog ka na e. Tinetext kita hindi ka naman nagrereply " bigla ko namang kinuha yung cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung may text nga sya

1 message received from +63907#######

" San ka ba nanggaling? " napalingon ako bigla sa kanya. Binulsa ko na yung cellphone ko.

:// end of part :// 

- Girllivingtodfullest

Kala mo may quotes no? Joke HAHA. Sige eto na.

If ever you'll notice something unusual. Think of everything how it was started, because the answer will always be at the first. Sequence will come but don't jump into conclusion. Think of the reason why it happened. That will be your guide- girllivingtodfullest

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon