Part 59

641 9 0
                                    

" Just trust Shena " Sumandal na sya at sinuot yung eyeglass nya na nakasabit sa gitna ng sando nya

://

Shena's POV

" Ang cheap naman ng eroplano nyo! " sabi ko kay Drake habang sinisipsip ng juice. 

" Ha? bakit, ano bang style yung gusto mo? " hay nako.. ang boring nyang kausap. Bakit nga ba kasi nakatabi ko tong Drake na to? Bakit pa kasi sumama to? 

" Gusto ko ng personalize " hindi naman maipinta yung mukha nya sa sobrang gulat.

" Oh? Panong personalize, yung mukha mo? O yung pangalan mo? " 

" Parehas " may kanya kanyang usapan yung mga tao dito, si Ate Afisha na seryosong nakikipag-usap kay kuya, si Mhimoi naman kay Bling, tapos si Ate Grace at kuya Vince na magkaakbay. Napatingin nalang naman ako sa bintana. Halos wala na kong makitang bahay sa sobrang taas namin

" Ano namang kulay? " bigla akong napatingin sa kanya. Seryoso ba sya?

" Huh? bakit? Gagawan mo ko? "

" Oo, bakit ayaw mo? " Kung makapagsalita naman to parang pera nya yung pinanggagastos nya. Hindi ko sya inimikan.

" Kung akala mo nagbibiro ako, hindi ako nagbibiro. Kung sa tingin mo pera ng magulang ko yung gagastusin ko, pwes tama ka. E wala pa kaya kong trabaho, ARAY!" binatukan ko sya

" E ang yabang mo tapos wala ka naman palang sariling pera! " dinambahan ko ulit sya

" WAG! E kasi naman, ang arte mo e! "

" E sino ba kasing nagsabing bilhan mo ko ha! E sinabi ko lang naman na ang cheap ng eroplano nyo! "

" Edi sana yung eroplano nyo yung ginamit nyo!" 

" Kung gugustuhin kong bilhin ka, mabibili kita! Ang yabang mo! O sige tara baba tayo! Ano? Papasakayin kita sa eroplano na mismo yung Daddy ko yung gumawa! " tumayo naman ako

" E asan ba yung Daddy mo? " natahimik naman ako sa kanya. Napaupo at napadungaw nanaman sa bintana

" Sorry, ikaw kasi e! " tinignan ko sya ng masama

" Wag mo na nga kong kausapin! Bakit ba kasi sumama kapa?! " 

" Kala ko ba wag na kong kausapin? Bat mo ko tinatanong? "

" Tinetesting ko lang kung matalino ka! Kitamo? Sumagot ka. tsk tsk tsk " sinuot ko yung jacket ko tsaka zinipper yung hood hanggang sa mukha ko. Wala na kong nakikita.

" HOY? " di ko sya pinansin

" Sorry na nga kasi! " wala pa rin akong imik

" Di ko na uulitin " wala akong pake.

" Please? pansinin mo na ko ? " wala akong naririnig.

" Shenalyn? " napadilat naman ako ng mata. Wala lang, ipinikit ko ulit.

" Okay, I'm gonna tell you a secret " hindi ko parin tinanggal yung hood ko. Nakikinig lang ako sa kanya

" There's a girl when I was in elementary, I got in trouble. And that girl helped me. " so? Hindi pa rin ako umiimik. Anong akala nya? Magseselos ako? pwe!

" That time, I don't know the name of that girl, but I'm sure that I'm still living because of her, and I wanted to find that girl, I want you to help me to get back that girl, please? Shenalyn? " binuksan  ko yung zipper ng hood ko sabay tingin sa kanya

" Please? " maamong sabi nya kasabay ng malamig na impresyon ng mukha nya.

" Do you think I know that girl? " inenglish ko din. Kala nya sya lang marunong ha! Trinain ata ako ni Mama no!

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon