Part 31

811 13 0
                                    

"Gusto mo ba talagang patunayan ko? "

"Oo "

://

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya, nakatitig lang sya, nakatingin lang ako sa mga mata nya, tinititigan nya din ako. Sinimulan ko ng ipikit yung mga mata ko at idikit ang mga labi kong uhaw na uhaw na sa mga halik nya. Kinakabahan ako

" Hahaha! " bigla kong napadilat. 

" Ahahaha! " napaatras ako sa tawa nya. What the!! Nakakahiya !! Bwisit ka Hinston! Ang manyak mo kasi! Ayan tuloy napahiya ka nanaman! Argg!!

" May nakakatawa ba ha?! " sabi ko ng nakanguso at dahan dahang umatras para makaupo sa kabilang upuan.

" BWAHAHA! Tatawa ba ko kung walang nakakatawa huh?! Ahahaha! Ang tanga mo talaga! Ahaha! " tawa sya ng tawa. Palakpak ng palakpak. Bwisit tong ferris wheel na to! Ang bagal bumaba!

" Oh ano? Gusto mo ng bumaba? Ahahaha! " ArrGG! Hindi ako makapagsalita! Wala kong masabi! Nakakainis sya! Akala ko pa naman e... WALA!

" Naiimagine mo ba yung itsura mo kanina? AHAHAHA!! " pang-aasar pa nya

" Tumahimik ka nga!! " sabi ko ng pasigaw

" Ahahaha! Ahahaha! "

" Nakakainis kana ha! Isa! " hindi pa rin sya tumitigil

" Dalawa! Ahahaha! "

" Ah ganon! " nilapit ko ulit yung mukha ko sa kanya.

" Gusto mo bang patahimikain kita gamit ang bibig ko?! "

" Oh ano pipikit ka nanaman? AHAHAHA! AHAHA! "

" Bwisit ka! " umupo na ulit ako sa tabi nya pero sa pinakadulo ng upuan, maya-maya itinigil nya na yung tawa nya. Nasa pinakataas na kami. Tinititigan nya yung dagat. Ang ganda. Yung mga yate ang nagsisilbing ilaw kasama na ang mga kotseng nag-aandaran. Maya-maya nagsalita nanaman nya.

" Hindi na kita sinusungitan dahil meron ako "

" Ha? e meron din kaya ako! " tapos lumingon sya sakin

" Ang bobo mo talaga! Nagkakamens ba ang mga lalaki ha?! " nag cross arms nanaman sya

" Ay yun ba yon? kala ko katam " bigla naman syang nagtaka

" Katam? "

" Ang bobo mo talaga! " pangbawi ko tapos bigla nya kong sinimangutan.

" Ay! Ahehe. Joke lang " ang duga talaga! Pagbabae nang-api okay lang, paglalaki. Parang hindi daw lalaki. Hindi pinag-iisipan yung sinasabi, tapos pagpogi nang-asar, cute daw. Pag mabaet. Ang kapal ng mukha. Hayy nako, buti nalang ...

" Hoy ano yung katam!? " bigla akong napatingin sa kanya 

" Katamaran! yung tipong, tinatamad kang mang-away, magsungit , mang-asar! Basta ganon! "

"Ah! siguro may katam ka din sa pagtotooth brush no! " nagulat ako bigla

" Ang sama mo ha! Bakit ha? Mabaho ba talaga hininga ko? " 

" Oo! "

"Nakakainis ka talaga! " sabi ko ng sobrang nahihiya. Hindi naaman mabaho hininga ko ha? 

" Nagtatanong tanong ka tapos hindi ka maniniwala! " sigaw nya. Loko talaga to!

" Seryoso? " sabi ko

" Oo nga! "

" So ibig sabihin kaya ka nahimatay non dahil talaga sa hininga ko? " 

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon