Previous Page of 2Next Page

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)

spinner.gif

 

"Hoy ! " nilapitan ko si impakta, tapos binulungan ko

 

"Isa pang sabi mo na mahabo hininga ko hahalikan talaga kita" bigla naman syang napatingin sakin at napapikit. Hindi sya naghihintay ng halik, bigla nalang syang natumba at nawalan ng malay

 

 

 

 

"Ho-hoy ! teka teka bilis !! " Nako nayari na! Wala naman akong ginawa ah? binulungan ko lang sya! argG!

 

 

://

 

 

"Bilis pre! " sabi ni Vince sakin, hawak nya yung paanan ni Impakta, hawak ko naman yung ulo nya. Dumiretso kami dito sa clinic ng school namin, nagmamadali kaming pumasok sa pintuan. Binuksan naman ng guard yung pintuan. Pagkapasok, dumiretso agad kami sa mga ward at hiniga sya, bigla namang lumapit samin yung doctor.

 

 

 

 

"Anong nangyari ? " nagulat naman ako kay Vince nang biglang tumakbo palabas

 

"Hoy san ka pupunta?! " langya talaga tong Vince na to!

 

 

" Naiihi na talaga ko pre!! " tumakbo na sya paalis

 

 

 

 

" Ah? bakit po? " tanong ko dun sa Doctor na kaharap ko.

" Sabi ko, anong nangyari sa kanya? Teka, lumabas ka muna. Bibihisan lang sya ng nurse ng 

 

gown. " Lumapit nanaman yung nurse na hawak yung gown

" Ah sige po.. " lumabas na ko. Maya-maya tinawag na ko ni Doc. Nakabihis na ng gown si 

 

Impakta

 

 

[A/n: Para sa mga bata, o sa mga hindi nakakaalam. Ang gown po dyan ay hindi gown na pang party. Yan po ay damit ng mga pasyente sa hospital ]

 

 

"Anong nangyari sa kanya?" napatingin naman ako kay Impakta

 

"Ahh ano po Doc, nahimatay po sya.. " tinignan naman sya ni Doc

 

 

 

"Bakit? Ano ba yung last nyang ginawa? " hinawakan nya yung pulso ni Impakta

 

"Tumae, ay hindi po, ano po doc, ah.. sumali po kasi sya sa basketball namin " ano ba yon? 

 

San galing yung tumae?

 

"Ahh .. May hika ba sya? " aba malay ko, sana meron

 

"Hindi ko po alam e.. " sinuot nya naman sa tenga nya yung stethoscope

 

 

 

"Anak naman oh! Girlfriend mo tapos hindi mo alam kung may hika?! "

 

"Ha? hindi ko po sya girlfriend! "

 

"Oh? Eh bakit nakipaglaro sya ng basketball e kababae nyang tao? " chinecheck pa rin nya si Impakta

 

"Paepal po kasi yan Doc "

 

"Ha? " kumunot bigla yung noo nya

 

 

 

"Ano po kasi, biglang nakisali "

 

"Ahh siguro fan mo sya kaya nakisali "

 

"Ha? " ako naman yung nangunot ng noo

 

 

 

"Nako wag ka ng magkaila kilala kita, ikaw si Hinston Lee, teka nga picture muna tayo .. " kinuha nya yung cellphone nya na nasa bulsa sa harap ng damit nya.

 

 

"Ha? Sige po " Nagpeace sign pa sya. Yung totoo? Doctor ba talaga to? O sya yung pasyente?

 

"Teka asan na ba tayo? " tanong nya, tinignan ko naman si Impakta. Hindi pa din sya nagkakamalay

 

"Maganda sya ah.. Pansinin mo naman kasi kahit minsan para hindi sya nag eeffort ng masyado 

 

" natawa naman ako sa kanya at nakaisip ng kalokohan

 

 

 

"Ahh.. Pinapansin ko naman po yan doc, sa totoo lang, idol nya nga daw ako e. Minsan nga po binuhat nya lahat ng gamit ko, e nakakahiya naman, ako yung lalaki, tapos sya yung nagbubuhat. Alam nyo ba doc, picture pa ng picture yan sakin. Nakikisit in pa sa klase namin " Hahaha ! It's my time impakta!

 

 

 

"Ganon ba? Eh sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo e ang pogi mong bata, teka nga.. Ano bang pangalan nya? " hmmm ano nga ba? Hihihi there's something in my mind

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Impakta po " kinuha naman ni Doc yung listahan ng mga pasyente

 

"Ha? " Nangunot naman yung kilay nya

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Part 11

Who's Reading

Recommended