Part 28

853 15 2
                                    

"Oo nga! Hindi ka ba naniniwala sakin ha?! "

:// 

"E parang hindi kapanipaniwala e! "

"Bahala ka dyan ! "

"Uy teka lang! Sige ituloy mo na " sabi ko kahit malapit na kami sa room. Arrgh! gusto ko pang makinig sa kwento nya e. Pero wala e! Nasa room na kami, nakiepal pa si Vince tsk!

"Uy Hinston! hanap ka ni sir! " Sabay pasok ni Vince sa room namin, nasa corridor kasi sya kanina. Pagkalingon ko kay Mhimoi wala na din sya sa gilid ko, sinilip ko sya dun sa room nila, ayon paupo na, Arrgh ! Sayang naman!

://

"Kinokoryente ka no ? " tanong sakin ni Vince, siraulo talaga to. Kala ko naman tawag talaga ko ni Sir, hindi naman pala. 

"Hoy!! "

"Oh ? " nagulat ako bigla kay Vince. Kinakausap nya pala ko

"Sabi ko! Kinokoyente ka noooo ? "

"Anong kinokoryente? "sumandal ako sa upuan

"Sa kanya " Napatingin sya sakin, napatingin naman ako sa kanya

"Ha ? Kinokoryente ? As in koryente ? "

"Tanga mo pre! In love pre! Yung feeling na nakokoryente , HAHA ! "

"Ang corny mo pre! Dun ka nga! " siniko ko sya palayo sakin. 

"Naks, after 5 years na in love ulit si parekoy ah! Mukhang nakamove on ka na nga ha! "

"Pwede ba! " hindi ko namalayan na wala na pala yung prof namin, nagdiscuss ba talaga sya? O hindi lang ako nakinig? Lumabas na ko ng room, totoo kaya yung sinabi ni Mhimoi? Kaibigan nya si Lee min ho ? As in lee min ho ? Yung crush din ng chanak kong kapatid? Yuck! Hindi naman sya gwapo ha? Gumwapo lang dahil nabihisan. Tsk! Kung ako binihisan ng ganun, maspogi pa ko, pusta ko lang. Pagkalabas ng prof. Namin, umalis na din ako. Pagkalabas ko, nakita ko agad si Mhimoi

"Hoy Mhimoi! " bigla namang sumitsit sakin si Vince tapos nang-asar. Hindi ko na sya pinansin. Kakalabas lang din ni Mhimoi ng room nila, sakto.

" Oh ? " Pagtataka nya sakin. Wow! Hindi nya ko sinusungitan ah! 

"Wala lang, wala kayong klase? " sabay kaming bumababa ngayon sa hagdan.

"Wala " sagot nya, ni hindi man lang nya ko nililingon

"Ahh, halata nga. Nga pala, alam mo na ba na college week natin bukas? " bigla naman syang napatingin

" oh ?? "

"Oo, may modeling contest din bukas. Gusto mong sumali? "

"Sige " natuwa naman ako bigla nang pumayag sya. Himala ah! hindi nya ko sinusungitan o hindi man lang sya tumanggi.

"hmm " bigla syang tumingin sakin

"Gusto mong bumili ng mga damit ? " pag-aalok ko sa kanya. Sana pumayag. PLEASE PLEASE!! 

"Sige " 

"Yes !!!!! " Bigla naman syang napalingon sakin. Pagkatapos naming bumaba ng hagdan, dumiretso na kami sa cafeteria, sabay nadin kaming kumain. Hinintay ko muna matapos yung last subject nya tsaka kami mamimili ng mga dadamitin para sa modeling bukas. Bibili din kami para sa photo shoot. Since si Vince ang president ng org namin na maghahandle sa event bukas, pinakeelaman ko yung event  habang hinihintay si Mhimoi. Ginawa kong magkakatambal ang magkakasunod na section. 

"Oh Hinston ? ba't nandito ka pa ? " nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto, nasa org-room kasi ako,  si Vince pala nasa school pa? Kala ko naman nakaalis na sya

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon