Part 70

563 8 0
                                    

" Pano mo ko mapapatahimik----

" TAMA NAAAAAA! ! TUMAHIMIK KA! ! " Nanlaki naman ang mga mata nya. Naririndi na ko. Sunod-sunod lahat ng pangyayari. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang lahat. Sadya bang mapaglaro ang tadhana o wala talagang pakialam ang Diyos sa amin.

://

*tok tok*

Nagkatinginan naman kami ni Shena nang may kumatok. Inirapan nya naman ako kaya ako na ang nagbukas ng pintuan. Pagkabukas ko, nakita ko kaagad si Drake.

" Kamusta si Tita? " tanong nya.

" Ayos naman " pumasok na sya. Hinanap ko si Mhimoi pero wala sya

" Don't worry. Tinawagan ko na si Mrs. Cooper. Everything will be alright Shena " niyakap naman nya si Shena. Iniwan ko muna sila, ako naman nagpahangin sa labas.

" Carefull " sabi ng kasing edad ko. Maganda sya at maputi. Inaalalayan nya yung kasama nya. Pasyente din dito. Nakagown kasi. Naglakad-lakad ako para masmakalanghap ako ng hangin. Masyado akong nastress ngayong araw na to. Bigla ko namang nakita si Bling, napalingon naman sya. Kinausap nya naman ako.

" Nakikiramay ako pre " bigla naman nag-init ang ulo ko. Sinapak ko sya bigla. SInapak ng sinapak. Napahiga sya sa lupa pero tinadyakan ko pa sya

" Anong sabi mo?! Sira ulo ka ha! Anong nakikiramay! Sino ang patay ha?! " sinipa ko uli sya

" Teka, kalma. Tama na. Uhrmp " dumura sya ng may kasamang dugo. Nagsalita nanaman sya.

" Nabalitaan ko kasing malala na daw ang sakit ng Mama mo. Akala ko naman, ngayon sya namatay. " nagdilim nanaman ang paningin ko sa kanya. Kinuha ko yung bato para isapok sa ulo nya pero bigla naman akong inawat ni Mhimoi.

" Hinston! " napalingon naman ako sa kanya.

" Ano ba?! Gusto mo ba talagang makulong ha! " kinuha nya yung hawak kong bato at inihagis.

" Anong ginagawa mo dito? " sabi ko.

" Bakit? Ikaw ba may-ari ng Hospital na to?! " pagsusungit nya.

" Kung wala ka ng sasabihin, umalis kana. Isama mo yang Bling na yan. Baka mapatay ko pa. " tinalikuran ko na sya

" Pwede ba! Wag ka ngang umarte na parang wala kang atraso sakin! " sigaw naman nya sakin.

" Anong gusto mong gawin ko? Magmakaawa ako sa'yo? Lumuhod ako? Ha?! " sigaw ko naman sa kanya. Pagod na pagod na ko. Gusto ko ng magpahinga. Masyado na kong naiimbyerna sa lahat ng nangyayari. Naglakad na ko palayo sa kanila. Sana pala hindi nalang ako lumabas. Pumasok na uli ako sa room ni Mama. Kinakausap parin naman ni Drake si Shena.

" Si Doc. Eric ba pupunta dito? Hindi ko sya macontact " sabi ko kay Drake

" Hindi ko alam. Kinausap ko si Mrs. Cooper, sabi nya on the way na daw sya. Don't worry, kilala si Mrs. Cooper bilang isang magaling na doctor para sa mga pasyenteng  may sakit sa puso. " hindi ko naman sya inimikan. Humiga muna ako sa couch at pumikit. Kailangan kong magpahinga. Para naman magkaroon ako ng lakas.

://

" She needs the transplant as soon as possible " nagising naman ako nang may narinig akong mga boses. Si Mrs. Cooper nandito na pala. Bumangon naman ako.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon