Part 72

769 11 3
                                    

" Kapag nakakakita ka ng stars. Kung ano ang unang kuminang, nandon lang ako " mashinigpitan nya naman ang pagyakap nya. Napaluha na din ako.  Ikaw na ang bahala sa kanya LORD. Handa na ko.

://

" Before the operation, we will be checking first the patient's ability. Your operation will be at twelve in the afternoon " Sabi ni Dr. Saywaan. Lahat kami nandito sa room ni Mama. Si Mhimoi katabi ko, si Shena at Drake naman ang magkatabi. Binabantayan naman ni Grace sa pagtulog si Vince, nakaunan si Vince sa hita ni Grace. Nine o'clock palang ng umaga. Ilang oras nalang pala akong mamamalagi dito. Susulitin ko na.

" Kayo ba? Anong mamimiss nyo sakin? " interisadong tanong ko sa kanila. Tinititigan lang naman nila ko.

" Ako yung mabaho mong hininga " pabirong sabi ni Mhimoi. Nagtawanan naman kaming lahat. Pero naging seryoso din.

" Relax okay? Una-una lang talaga yan. Malay nyo bukas si Vince naman " nagtawanan na naman kaming lahat.

" Silly " sabi ni Grace. Napatingin naman kaming lahat nang magising si Mama. Sa wakas, dumilat din sya. Lumapit agad kami ni Shena kay Mama.

" Mommy? " kumaway-kaway si Shena sa mukha ni Mama. Unti-unti namang minumulat ni Mama ang mga mata nya.

" Ma? Ayos ka lang ba? " sabi ko. Nangunot naman ang kilay ni Mama.

" Wag kang mag-alala. Lalabas kana bukas Ma " masayang sabi ko.

" Tub..tubig... " hirap na sabi ni Mama. Agad naman akong nagsalin sa baso nya na nakalagay sa side table nya. Dahan-dahan syang ibinangon ni Shena at dahan-dahan ko namang nilapit ang baso ni Mama.

" Anong nangyari? Nasaan ako? " mahinang tanong ni Mama.

" Nasa hospital ka Ma. Ayos ka na ba? " sagot ko.

" Ahhh.. Sige, tara.. uwi na tayo " mahinang sabi ni Mama. Napangiti naman ako.

" Sige Ma, malapit ka ng umuwi. Hintay lang tayo ha? May gusto ka bang kainin? " sabi ko naman. Tahimik naman ang lahat.

" Wala.. teka.. ba't ba ko nandito? " tanong na naman ni Mama. Halatang mahina pa ang katawan nya. Pinipilit nya lang na magmukha syang malakas sa paningin namin.

" Ano kasi Ma..."

" Sabihin mo sakin ang totoo Hinston. Hindi kita pinalaking sinungaling " diretsahang sabi ni Mama. Sige, sasabihin ko na. Para naman kahit sa huling araw ko, hindi ako magsisinungaling sa kanya.

" Ma, ano kasi. May sakit ka daw sa puso. Pero Ma pagaling ka na daw sabi ni Doc. " nilisikan naman ako ng mata ni Mama.

" Ahh.. Totoo nga ang sinabi ni Doc. Eric " mahina parin ang tono ng boses nya.

" Anong sabi ni Doc. Ma? " umupo naman ako sa higaan nya.

" Matagal na'kong nagpapacheck up sa kanya. Sabi nya, masyado na daw delikado ang sakit ko. Hindi ko masabi sa inyo dahil ayaw kong malungkot kayo. Pero ganon talaga, lahat ng bagay may hangganan.. " napaluha naman kami ni Shena sa sinabi ni Mama.

" Hindi Ma.. hindi ka mamamatay. May donor kana. Nakahanap na ko ng magdodonate sa'yo Ma.." mahinahon naman syang ngumiti.

" Hindi na Hinston. Hindi natin alam kung sino yang donor na yan. Isa pa, kapag kinuha mo ang puso nya. Hindi na sya mabubuhay. Gusto mo bang maging murderer ako? " mahina at mahinahon parin ang pagsasalita ni Mama. Napaluha nanaman ako.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon