Part 9

1.5K 24 9
                                    

"Ang baho ? " sabi ko habang nakatingin sa poster ni Lee Min Ho, inamoy ko yung sarili ko

 

"Pwe !" hindi pa pala ko nag sha-shower. Maka shower na nga.

://

Hinston's POV

"San ka galing !? " Sigaw bigla sakin ni Shenak pagkabukas ko ng pinto. Nakacross arms sya at nakataas yung kanang kilay. Feeling matanda talaga to, pasalamat sya overtime si Mama ngayon. Ay teka? ako dapat magpasalamat diba? hihihi ( devil's smile)

"Ikaw !" turo ko sa kanya, poker face naman sya, hindi natakot.

"Bakit ? " Nakacross arms pa din sya at naka chin up, siga ah, nilapitan ko sya

"Bakit mo kinuha yung bag ko ! asan na yon !"

"Eh di binalik ko dun sa court ! " tapos tumalikod na sya at naglakad papalapit sa kusina

"Ano ?!" hinila ko yung balikat nya para tumingin sakin

"Pwede ba kuya ang baho mo wag mo kong hawakan !" inamoy ko naman yung sarili ko, ang baho nga, amoy pawis. Puro pa lupa, nakakainis talaga!

"Bakit hindi ko nakita don ha !" sigaw ko nanaman sa kanya

"E tanga ka e ! kasalanan ko ba yon ?!" sabi nya nang nakanguso tapos tumalikod ulit.

"Ikaw ha ! hindi ka marunong gumalang ! kuya mo ko ! baka bugbugin kita dyan !" panakot ko sa kanya nang nakanguso din

"Che ! ikaw bugbugin ko e !" arrgh ! nakakainis talaga to ! palibhasa hindi ko tototohanin e ! nakakainis, makapasok na nga ng kwarto

"Hep hep ! san ka pupunta? " hinila nya yung damit ko, pinalo ko naman yung kamay nya

"Matutulog !" naglakad na ulit ako papasok sa kwarto ko

"Hoy ! hoy! hoy! " sabay hawak nya ng tagiliran ng bewang nya

"Hindi pa ko kumakain ! lutuan mo ko !" sabay pasok nya sa kusina. Ano pa bang magagawa ko? Kuya nya ko e, tanggapin ang sumpa.

"Hmm! ang sarap .. " sabay dila nya sa labi nya, masiba tong chanak na to!

"Masarap? " tanong ko sa kanya

"hindi. " sabi nya, sira talaga to, kakasabi lang eh

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon