Part 58

643 7 1
                                    

Tumayo na si Mhimoi at naglakad papalabas ng pintuan. Kinuha ko naman yung gamit ko at lumabas na din ng pinto. Nagsilabasan nadin sila Vince, Grace, Afisha at Shenak. Umupo muna kami sa table, sa labas ng mga kwarto na hinahati ng napakalaking pintuan. Nang nasa lupa na yung eroplano. Tsaka naman kami lumabas. Kinagulat ko naman nang nakita ko si Bling. Inalalayan nya si Mhimoi sa pagbaba ng hagdan. Nakababa na kaming lahat. Grabe, ang ganda. Ang ganda ng Paradasmith. Sobra

 ://

" San tayo? " tanong ni Vince. Napapaligiran kami ng dagat at mga bundok. Makikita mo yung mga puno na nagkikislapan dahil sa sinag ng araw. Maraming bunga. Hindi ko lang sila maidentify dahil ang layo nila. Naglakad na kami papunta kung saan. Nakita na namin yung mga guard na naka sunglass. Marami sila. Napakaprivate ng lugar nato. Yung tipong confidential lahat ng nandito. Sinuot na ni Afisha yung sunglass nya, ganun din lahat ng babae. Ang suot ko lang e short at sando. Malay ko ba na ganito pala kaganda dito. Ganun din si Vince. Yung mga bababae naman nakashorts. Nakasombrero at nakasalamin. Dala dala namin yung mga gamit namin. Si Bling naman katabi lang si Mhimoi. Akala ko nasa Paradasmith na kami sa sobrang ganda. Lintek, nasa entrance palang pala kami. Kinuha ng mga guards yung bags namin. May binigay si Bling na hindi ko alam. Nagbubulungan sila ni Mhimoi. Nasa right side ako ni Mhimoi. Si Bling naman yung nasa left side nya. Katabi ko si Vince, katabi naman ni Vince si Grace, tapos si Shenak at sa dulo naman si Afisha, sabay sabay na kaming naglalakad ngayon. Garden ang una naming nasilayan. Yuon kasi ang unang pang akit dito sa Paradasmith, napansin ko lang naman. Mabango at makikita mo yung mga Koi Fish. Relaxing dito. 

" Eto na ba yon?! " napatingin naman kaming lahat kay Shenak. Baliw talaga to.

" Hindi, susunduin lang natin si Drake. Gusto nya daw kasing sumama. " Mahinahon na sabi ni Mhimoi. Tinitigan ko naman yung kapatid kong chanak. Ayun namula. Natahimik at parang walang narinig. Ganyan siguro talaga yung mga babae. Para lang hindi mahalatang kinikilig, masbubutihin nalang na walang reaksyon. Nag-usap nanaman sila Bling at Mhimoi. Patuloy parin kami sa paglalakad. Ang ganda ng mga bulaklak. May kulay Pink, Violet, Yellow, Blue at Red. May orange pa at white. May mga butterfly na nagliliitan at nagkukumpulan. Napapaligiran na kami ngayon ng mga puno. Since nasa labas yung dagat kanina, wala na kong natatanaw na dagat ngayon. Mga puno nalang at yung bawat puno e may maliit na bahay. Tree House kung baga. Kahit ang liliit nila, mukhang bilyon yung pagpapagawa sa kanila. Ang ganda nila. Parang limang daang karpentero yung gumawa sa sobrang ganda at hirap. 

" Oh pre dahan dahan, baka matunaw. " napatingin naman ako sa kanya. Si Bling, e kung sipain ko kaya to? Halata bang nagagandahan ako, oang ganda dito, at aminado naman akong napapatingin ako. Pero halata bang nalulula ako sa kanila? Mayaman din naman kami! Baka gusto nyang bilhin ko sya? Hindi ko sya pinansin. Nginitian nya ko pero wala akong pake sa kanya.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon