Part 49

724 9 0
                                    

" Mukhang masarap ah! " 

" Syempre naman. " nilagyan nya na ng sauce yung noodles atsaka hinalo.

://

" Ah! " pinanganga nya ko at sinubuan ng pasta

" Ahhh. " binuka ko naman yung bibig ko sabay nginuya yung pasta.

" Wow! anong pangalan ko? " sabi ko 

" Huh? ...... Uh! Hahaha! "  

" Haha! sarap nito ha! " nagtawanan nanaman kami, late nyang nagets yung punto ko. At least nagets nya

*ting!

" Oh luto na pizza mo, hoy ano ba! " tinakpan ko na ulit yung ilong nya, maaamoy nya kasi yung cheese, nilagay ko yung pizza sa metallic plate na may takipan, doon kasi namin nilalagay yung pizza para mapanatiling mainit kung hindi pa kakainin. Ipinasok ko na ulit yung isa pang dough. This time wala namang cheese, para sa kanya kasi yon. hiniwalay ko para naman may makain sya.

" Akala ko hiniwalay mo yung dough dahil ayaw mo e. " sabi nya habang tinatanggal yung panyo sa mukha nya.

" Pwede ba yon? " lumapit na ko sa kanya at umupo sa lamesa. Kumuha na naman sya ng mga plato at inayos sa mismong lamesa para sa kainan. Ako naman kinuha yung mga kalderong pinaglutuan nya, nilagay ko sa lababo.

" Ano pa bang kulang? " tanong nya habang tinatanggal yung tali sa buhok nya at tinatanggal yung Apron sa bewang nya.

" Amm, wala na. Teka, ako may kulang pa din ba? " 

" Huh? E yung pizza lang naman ginawa mo e " sabi nya ng nakanguso 

" Ha? oo nga, pero may kulang sakin .. Ikaw .. "

katahimikan //

*ting!

Arg! bwisit tong microwave na to, panira. Kinamot ko yung ulo ko habang lumalapit don sa microwave. Hay nako naman, sayang segway ko. Nilabas ko na yung pizza.

" Umupo ka dyan sa pinakadulo, ilalagay ko natong pizza na maraming cheese sa lamesa. " umurong naman sya, pinatong ko na yung pizza na walang cheese sa lamesa,  tapos binuksan ko na yung metallic plate. Inaayos ko na kasi yung lamesa para makakain na kami

" Uh! " nagulat ako sa kanya. Tinakpan nya bigla yung ilong nya.

" Bakit? " pinasok ko ulit yung pizza na may cheese.

" Wung iza mu nakakamoy " 

" Ano? tanggalin mo yang kamay mo ah! " 

" Nakakamoy wung iza mu! Angerjic ango dyan! " tinuro nya yung pizza. Ah nagets ko na, tinakpan ko na yung pizza. Lumapit ako sa kanya at pinaypayan sya ng kamay ko para mawala yung amoy ng cheese, siningot ko yung buong kitchen para malaman kung may amoy cheese pa.

" Ayan wala na. " tinanggal nya na yung kamay nya. At unti-unting huminga.

" Aray! " hinampas nya ko bigla sa balikat. Sakit ng hampas nya, napalakas talaga e.

" E ikaw naman kasi! Alam mo namang nakaaircon kayo! Malamang mabilis kumalat yung amoy! " 

" Sorry na, okay? Sorry? " sabi ko habang hinihimas yung balikat ko

" How's your pizza? " nagulat kami nang pumasok si Afisha.

" Done, but there's a problem. "  

" What is it Hinston? " 

" As what i've said before, Mhimoi is allergic to cheese, maybe you can have your pizza in living room, if that's alright?" lumapit ako kay Afisha

" Uh? ... fine, yes that's alright." 

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon