Kabanata 08

28K 376 41
                                    

"Manuod ka kasi!" sabi niya sa'kin.

"Ito na nga, ano pa bang gusto mo?" Sira tuktok nito. Nanunuod na nga e.

"Natutulog ka kasi e!" Anak ng siopao. Mukha ba akong natutulog?!

"Hindi nga ako natutulog. Ano bang problema mo?!" sagot ko sakanya. Nakakainis. Porke ba nakahoods, natutulog na agad? Hindi ba puwedeng hinihintay lang siyang matakot at giniginaw lang? :D

"IKAW!" Itinigil ko yung The Conjuring.

"Ano nanaman? Ayan na nga, sinamahan na kita manuod. Ano pa bang gusto mo?!" Nakakainis. Epal niya ah.

Hinila niya ako papunta sa tabi niya. >___<

Manunuod na nga lang The Conjuring, masisilaw pa ako. Hindi na masaya ang madaling araw ko. Nasira na lahat ng plano ko. Nakakabanas. -____-

Bahala na nga siya sa buhay niya.

Now I know kung bakit tinawag na Hide and Clap yun.
Maganda yung tunog ng piano. Hihihi. :))

Nakatutok ako sa screen ng TV ng may nagsusumiksik sa braso ko.

"Ayan ka nanaman. Wala namang lalabas na kung ano. Yung mukha mo lang naman yung nakakatakot." Pang-iinsulto ko sakanya sabay tawa.

Inalis niya yung ulo niya sa balikat ko na nakatingin sa gilid kanina pa. "Nakakainsulto ka na ah." sabi niya. Anong gusto niya, hindi?

"Ako pa 'tong nakakainsulto? Kanina ka pa nga nagsusumiksik sa braso ko." sabi ko. Hindi niya ako sinagot dahil nakabali ang atensyon niya sa pinapanuod namin. Kaya niya naman palang manuod ng mag-isa, bakit kailangan ko pa siyang samahan. Aish.

Tumayo ako para lumabas ng kwarto.

"O..Oy san ka pupunta?" nauutal niyang tanong.

"Kukuha lang ng tubig." sagot ko sakanya.

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now