CHAPTER 37.2

4.3K 145 5
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 37.2

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Today's definitely a blast! Di ko inexpect na magiging ganito kaespesyal ang araw na ito para samin ni Zeke. Every moment that passes is too precious, indeed worthy of being treasured.

Ano ang pinaka-nakakaenjoy sa lahat? Edi yung pagsswimming! Jeez, pakiramdam ko isa akong isda na kay tagal nangulila sa tubig. Haha! Up until now, di pa rin ako nagsasawang lumangoy, kahit kanina pa ako kinukulit ni Zeke na umahon na daw ako.

Kung di lang sana sa malakas na ihip ng hangin, di sana'y nasa pool pa rin ako. Tsk. Kasi naman, biglang lumamig ang simoy, pakiramdam ko tuloy may mumung nagmamasid sakin, mag-isa pa man din ako kaya naman nanakbo ako paakyat ng kwarto, trying my very best not to scream kahit mangisay-ngisay na 'ko dahil sa kawalan ng twalyang pangsaklob.

Kumatok ako sa isang pinto, umaasang nasa kabilang parte non ang matikas kong Zekie, pero wala namang sumagot kaya ako'y sumibat na, laglag-balikat.

"Zekie!" tawag ko. Nanatili na lamang ako sa corridor, akap ang sarili, nagugulumihanan kung nasaang silid ang nobyo ko.

Wala pa rin talagang signus na nasa paligid si Zeke, kaya naman humakbang ako ng tatlo, but then napausod ulit nang maulinigan ang pag-tsk ng mga butiki kasunod ang paglagabog sa loob ng kwartong kinakatok ko ilang segundo pa lang ang lumilipas.

"Zekie! Nasaan ka ba?!"

"Nandito ako babe! Fuck ang sakit!" sabi ng instinct ko, nadigrasya raw si Zekie.

I went trembling sa kwartong iyon, 'di ko sure kung dahil nag-aalala ako kay Zeke, o dahil nilalamig ako, o baka naman dahil natatakot pa rin ako sa aswang. Madali kong binuksan ang pinto, at napanganga na lamang ako sa aking namataan

Binabagyo ng kulay pink, red at blue ang malawak na silid. Sa puting tiles na sahig ay nagkalat ang mga talulot ng pulang-pulang rosas. May labing-anim na bondpaper na pinagdikit-dikit sa kaliwang pader, binuo nito ang selfie namin ni Zeke nung nasa tuktok kami ng Wheel of Fate sa Enchanted Kingdom. Dinisenyuhan ang mga natitirang bakanteng espasyo sa pader ng mga construction paper na hugis puso, tinadtad rin ito ng mga kupido at lip marks. Ang kisame naman ay pinuno ng mga lobo na ang bawat pisi ay may nakasabit na scroll. Nasa sentro ng silid ang isang king-sized na kama, takaw-tingin ang malaking puso sa gitna ng kobre-kama nito. May malaking asul na teddy bear pa na nakaupo sa gilid, ang cute at mukhang kaylambot! Ugh sarap yakapin!

Wait, there's more! Sa kanang sulok ng silid ay may maliit na pabilog na mesa na napapagitnaan ng dalawang silya. Nakapatong rito ang isang pumpon ng bulaklak, mga kubyertos at alak. Sa paglanghap ko ng hangin ay sumama papasok ng aking baga ang samyo ng paborito kong mga pagkain.

Napahakbang ako palapit ng kama nang hindi kinukusa, ngunit bago ko pa man maabot ito ay nagitla ako sa mga bisig na biglaang nagkulong sa basa kong katawan

Sa init pa lamang na dulot ng kanyang yakap, pati na rin sa halimuyak niyang nakakaadik, nakilala ko na ang nagmamay-ari ng mga brasong bumabalot sa akin.

"Nagustuhan mo ba baby?" bulong niya pagkapatong ng kanyang baba sa kaliwa kong balikat.

Hindi ko mahanap yung tamang salita na makakapaglarawan ng pagkagusto at sayang nararamdaman ko ngayon, kaya hinarap ko na lang siya't pinagpipisil. Suot ang napakalapad na ngiti, pinanggigilan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Hehe. Ako lahat gumawa nito love... Para sayo." aniya na napabungisngis na rin

"Salamat!" sabay yakap ko sa kanya

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon