CHAPTER 31

4.1K 153 15
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 31

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Nakakaiyak naman. Bakit ngayon niya lang sinabi sakin?

"Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo ha. Alam ko kasi pag nalaman mong aalis na ko, sasama ka pa sa paghatid sakin sa airport tapos dito ka pa hahagulgol. Ayaw ko nun. Baka di na ko sumama sa parents ko pag nakita kitang umiiyak. Haha. Uy, Xandro, wag ka nga umiyak dyan. Kainis ka naman eh. Haha. Basta mag-iingat ka palagi Xandro ha. Tuwing may gagawin kang desisyon, lagi mong pipiliin yung choice na magiging masaya ka. Friends pa rin tayo kahit magkalayo na tayo ha. Mamimiss kita...... Paano ba yan, sasakay na ko ng eroplano, bababa ko na tong telepono. Hanggang sa muli, Alessandro Keith Tejano."

Panay ang kusot ko sa ilong at mata ko. Wala akong dalang panyo kaya sa damit ko nalang pinupunas ang luha at uhog ko.

"Mamimiss rin kita, Gelai. Babalik ka ng Pilipinas ha."

Bago pa makasagot si Gelai, namatay na ang cellphone ko. Deadbat na.

Pinunasan ko ang bumabagsak ko pang luha at humarap ako sa bintana. Nasa taxi pa lang ako. Pauwi. Malapit na ko sa bahay.

Nagwalk-out ako kanina kila Zeke. Akala ko kasi talaga may relasyon sila ni Gelai, yun pala wala naman. Naexplain na sakin ni Gelai lahat. Sabi niya, kaya daw sila nag-usap ni Zeke kasi kinuntyaba nya ito na wag ipaalam sakin na aalis siya. Yun pala yung nililihim ni Zeke, akala ko naman kung ano na.....

Pagkarating ko sa bahay, patay na lahat ng ilaw. Nakasara na ang front door at nakakandado na rin ang gate.

"Ma! Pa!" sigaw ko pero walang senyales na narinig nila 'ko. Umakyat na lang ako ng gate at sa front door na ko nangalampag.

"Ma! Drei! Austin!" parang hindi talaga nila ko naririnig, o baka walang tao sa bahay.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may magpatong ng kamay sa balikat ko. Humagalpak naman sa kakatawa si Vin nang makita ang reaksyon ko.

"Vin! Ano ba yan! Bakit ka nanggugulat????" pasigaw kong tanong sabay hampas sa braso niya. Di pa rin siya tumitigil sa kakatawa.

"HAHAHAHAHA NAKAKATAWA YUNG REAKSYON MO XANDRO HAHAHAH EPIC!" kung umasta siya ay parang close na ulit kami. Ang bipolar talaga nitong kakambal ko, kahapon kasi ay sobrang badtrip ito at maghapong salubong ang kilay. Walang kinausap maski isa sa pamilya namin.

Tawa lang siya ng tawa. Nang mapansin kong may hawak siyang susi ay agad ko itong inagaw. Ipinasok ko ito sa door knob at nagbukas na ang pinto.

"Hay nako baliw ka na Vin." puna ko sa kanya kasi hanggang makarating kami sa kwarto ay tumatawa pa rin siya. Yumuyuko-yuko pa at humahawak sa tiyan.

"HAHAHA XANDRO EPIC TALAGA E"

Pinagmasdan ko siya habang tumatawa sa kama niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan kasaya. Nag-uumapaw ang tuwa niya kaya sobra itong nakakahawa. Kung alam ko lang na sa simpleng gulat na ekspresyon ko e magiging ganito na ang sayang idudulot sa kanya, edi sana matagal ko na vinideohan ang sarili ko na gulat na gulat para mapapanood ko ito sa kanya sa tuwing nakabusangot siya na tila binagsakan ng higanteng meteorite.

"Hoy, bakit ganyan ka makatingin?" maangas niyang tanong. Tumigil na siya sa pagtawa at bumalik na ang Vin na seryoso.

"Wala. Ang saya-saya mo kasi"

"Syempre kasama kita e." Di ko alam kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang yon. Di ko na inisip masyado.

"Asan sila Mama? Bakit parang walang katao-tao dito sa bahay? Imposible namang tulog na sila. Alas nwebe pa lang...." inilayo ko na ang topic kasi nawiweirduhan ako sa tinging ibinibigay ni Vin.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now