CHAPTER 16

5.6K 194 20
                                    

Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 16

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Hay! Ang daya-daya talaga nito ni Ma'am Igu. Sabi niya, by pair daw ang pagpeperform. So, that basically means that the grade of one is the grade of the other. E ano tong pauso niyang 100 ang grade ni Zeke samantalang 58 lang ako?!!!!

Hustisya naman oh. Naghirap rin ako dito.

"Ma'am, bakit 58 lang ang grade ko?" kalmadong tanong ko sa kanya habang nag-iimpake na para makaalis ang huling pares na nagsayaw. Nasa likod ko si Zeke na handang suntukin si Ma'am Igu pag nagkataong hindi niya baguhin ang marka ko.

"Mister Tejano, tatlong beses kang nagkamali sa pagcha-cha-cha. Every wrong step is equal to a deduction of 15 points. Pasalamat ka nga at dinagdagan ko pa ng tatlo ang grade mo. Hiyang-hiya naman kasi ako sayo eh."

"Ma'am mawalang galang na pero ang pagkakatanda ko, ang sabi mo bago magsimula ang performance ng unang pares e 'every wrong step is equal to a deduction of 3 points'. Oh, ba't naging 15 na ngayon?" medyo napapataas na ang boses ko at alam kong anytime soon ay mag-aalburoto na ako. Tinapik ni Zeke ang balikat ko. Akala niya siguro mapapakalma niya ako dahil sa ginawa niyang iyon

But yeah, kumalma nga ako ng konti. Konting-konti lang naman.

Tinaasan lang ako ng kilay ni malditang instructor at lumabas na siya ng hall yakap-yakap ang record book niyang kinamumuhian ko. Agad ko siyang sinundan.

"Ma'am naman oh. Dapat the grade of one is the grade of the other. Kung ayaw niyong baguhin yung grade ko, yung kay Zeke nalang ang baguhin niyo. Pareho kaming 58."

"Wag mong kwestyunin ang paraan ko ng pagbibigay ng marka, Mister Tejano. Isa pang reklamo mo ipapa-guidance na kita." pagbabanta niya sakin na hindi ko pinansin

"Ma'am naman oh" pangungulit ko na may halong lambing. Tinangka ko pang hawakan ang braso niya pero umilag siya "Bakit ba kasi 58 lang ang grade ko?"

"Di ba ang sabi ko, gawing creative ang performance. E hindi ka naman nagsayaw ng modern dance eh. Nag-ala-poste ka lang sa gitna tapos sinayawan ka lang ni Zeke. Malandi ka." pabulong niya lang sinabi yung huli pero rinig na rinig ko pa rin.

Nagseselos siguro sya dahil nagtwerk at nagdougie si Zeke sa tabi ko. Gusto niyo ba ikwento ko pa yung tungkol dun? Ihhhh

Okay.

Flashback:

Araw ng Martes, may klase ako mula 9:30 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. Nang matapos na lahat ng klaseng iyon e pumunta ulit ako sa mansyon nila Zeke dahil magpapractice daw kami. Nauna na siyang umuwi sa kanila dahil maaga ang labas niya. Di ko kasi siya kaklase sa huling subject.

"X!" bungad sa akin ni Zeke habang nagtatakbo siya palapit sakin at saka yumakap. Wala syang suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang pang-ibaba niya. Ang nakakapagtaka ay may suot syang apron. Nakikiuso ata at ginagaya si Yaya Dub.

Napatagal ang yakap nya kaya tumikhim na ako. Agad naman syang kumalas at umayos ng sarili

"So, bakit ka naka-apron? Nagluluto ka?" tumango lang sya at bumungisngis "Ng ano?"

"Ng paborito mong spaghetti"

"Wow naman. Thanks!"

Isinama niya ako sa kusina at pinaupo sa isang silya. Pinanood ko lang sya habang hinahalo niya ang spaghetti sauce.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now