CHAPTER 37.1

4.8K 154 32
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 37.1

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Hindi ako dalaw-dalawin ng antok. Pasirko-sirko lang ako sa kama pero hindi ko talaga mapilit ang sarili ko na tunguhin ang dream land. Oo na, dahil ito sa nag-uumapaw na excitement sa katawan ko. Excited ako sa magiging selebrasyon ng monthsary namin ni Zeke. Enebe...

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para titigan ang kakisigan ng lalaki na nagsisilbing wallpaper ko. Hihi. Ang gwapo niya talaga. Grabe! I can't believe na isang tulad niya ang magmamahal sakin, gosh! Napakaperfect niya sa pisikal na aspekto, kahit hindi siya madalas mag-gym, napakayummy niya pa rin. Errr. Hihi. Not so naughty Xandro...

Hindi na talaga ako mapakali. There's something inside me na gustong kumawala at tanging si Zeke lang ang makakapagpalaya non. I feel like a vampire na nananabik sa dugo at aroma ng isang Zac Hale Kennedy. Gusto ko na siyang dukutin palabas ng cellphone ko. Nababaliw na ko. Ganito ba talaga pag monthsary? Mababaliw ka sa sobrang saya?

Tsk.

With those thoughts in my mind, bigla na lamang nag-ring ang alarm clock ko. 6:00 am na? For real? Hinawi ko ang kurtina para makita ang papasikat na araw. Yes! Umaga na talaga! Nagmamadali akong nagtungo sa banyo at hinilod ang sarili ng maigi.

After less than twenty minutes, lumabas na ako ng banyo. Malunod-lunod na kasi ako sa balde-baldeng tubig na ibinubuhos ko sa aking sarili para lamang masigurong walang matitirang sabon o shampoo na nakadikit sakin. Then, sinimulan ko na ang pagbibihis, hanggang sa isuot ko na ang rosas kong polo na isang araw kong binabad sa Downy Passion at siyam na beses kong pinasadahan ng plantsa. Pagharap ko sa salamin, nabigla ako. Shocks! May maliit na gusot sa laylayan ng polo! Dapat talaga sinagad ko na sa sampu ang paghahagod nito kagabi...

Okay, enough of perfectionism. Naglagay na ako ng Gatsby sa kamay at ikinalat ito sa aking mga palad. Ugh! Madikit pala ito, di ako ininform ni Austin (sa kanya ko kasi ito hiningi). Tsk. Wala sa sarili ko itong hinagod sa buhok ko, pataas nang pataas hanggang sa pag-ala poste ng meralco na ang bawat hibla. God knows na ginawa ko ang lahat para lagyan ng estilo ang buhok ko, pero dahil sadyang malupit ang buhay, nanigas na lang ang buhok ko na sabog-sabog pa't kanya kanya ng pinatutunguhang direksyon.

Habang dinadama ko ang aking pagkadismaya sa sarili, hinubad ko lahat ng suot ko para sana maligo ng isa pang ulit. Jackpot naman na nagbukas ang pinto. Nanlalaki ang mata akong napaharap sa kung-sino mang may sa demonyong hindi ata alam ang salitang privacy, only to see an angel staring lovingly at me, though he has that wide cocky smile.

"Hey baby! Good morning!" bati niya na ang kaswal lang. Para akong hindi nakahubad sa harapan niya. Naglakad siya patungo sa kama ko.

"G-Good morning?" bati ko rin pabalik habang natataranta kong ibinabalot ang aking katawan sa malaking twalya.

"Oh! Wag ka muna magbihis baby! Nag-eenjoy pa ako sa tanawin eh" aniya na hindi ko malaman kung seryoso o nagbibiro. Errr.

Dahil hiyang-hiya na ako, nagtatakbo ako sa banyo at tinuon ang buong atensyon sa pagkukundisyon ng tila nakuryente kong buhok. Nang okay na't bagsak na ulit ang mga ito, humugot ako ng malalim na hininga bago buksan ang pinto. Si Zeke, nakahiga na sa kama ko, nakaunan sa mga braso niya, nakasando lang kaya litaw ang biceps.

Uhm, ngayon ko lang narealize na mainit pala sa kwartong ito...

"Come here lovie!" paanyaya niya na nang-aakit yata ang tingin. Pinaunlakan ko naman, ewan kung bakit.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon