CHAPTER 19

5.9K 200 2
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 19

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ng lalaking nakatayo sa front door. Di ko alam ang irereact ko.

Parang kanina lang, pinag-uusapan namin siya ni Gelai, pero ngayon, nandito na siya, matikas na nakatayo at unti-unting humahakbang palapit sa akin.

Siya pala ang sorpresa sakin ni Gelai.

Di ko sure kung slow mo ba ang nangyayari ngayon, basta ang alam ko lang, mabagal ang takbo ng mga pangyayari. Sumilay na rin ang ngiti sa aking labi dahil di ko naman maitatangging masaya akong makita siya...........

Dahil namiss ko siya............

Kahit tatlong oras lang kaming hindi nagkita.

"Hi, Xandro" pagbati niya sa akin

"Hi, Zeke" sagot ko naman

"Wanna dance with me?" sabay lahad ng kanyang kamay

"Baliw. Wala namang tugtog." kinuha ko ang kamay niya at hinila siya. Napaupo siya sa tabi ko

"Bakit ka nga pala nandito? Ang alam ko hindi ka naman imbitado dahil di kayo close ni Gelai." pag-uusisa ko

"Namiss kita eh." maikli niyang sagot na nagpakilig na naman sa akin. Kinurot niya pa ako sa tagiliran.

"Luh. Para namang hindi tayo magkasama kanina sa university" sinubukan kong itago ang kilig na nararamdaman ko sa pagsabi nito.

"Wala eh. Namiss kita agad-agad."

"Asus. Ewan ko sayo."

Nakanganga na ako't nakatapat na sa bibig ko ang tinidor na may spaghetti nang hawakan ni Zeke ang pulsuhan ko.

"Oh bakit?"

"Subuan mo naman ako. Gutom na 'ko eh" pacute nyang sabi kasabay ang paghimas sa tiyan

"Ayoko. Kumuha ka ng pagkain mo don" pagsusungit ko sa kanya at tinuloy ko na ang pagkain

"Ako naman please" nakapout pa rin siya. Konting konti na lang tutukain ko na siya. Joke lang po.

Di na ako nagpakipot pa. Pinaikot-ikot ko ang tinidor sa spaghetti at itinapat ko ito sa bibig niya.

"Say ahh"

"Ugh. Ugh." malaswa niyang pag-ungol

"HUY BALIW KA" nakutusan ko tuloy ang loko.

"Joke lang naman yon. Grabe ka naman makakutos" kunot-noo niyang sabi pero alam kong di naman siya galit. Hinimas ko pa ang ulo niyang nakutusan ko at nanghingi na rin ako ng dispensa.

"Baliw ka talaga Zeke. Nganga ka na dali. Isusubo ko na to sa sarili ko sige ka"

Ngumanga nga siya ng pagkalaki-laki. Litaw tuloy ang mapuputi niyang ngipin na parang kailanman ay hindi nakaligtaang i-toothbrush. Pati ang ngala-ngala niya ay natatanaw ko na rin.

Hinawakan ko ang baba nya at saka ko ipinasok ang tinidor sa bibig niya. Pagkatapos niyang ngumuya ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa akin.

"Sarap!" komento niya habang dinidila-dilaan pa ang labi niya at nakatingin nang mapang-akit. Baliw na talaga siya.

"Oh tama na. Ako naman ang kakain"

Inagaw niya naman ang hawak kong tinidor

"Ako na magsusubo sayo"

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now