CHAPTER 12

6.7K 216 16
                                    

Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 12

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Nakatihaya ako sa kama. Nag-iisip kung ano ang gagawin. Hindi kasi umaayon sa plano ko ang mga nangyayari. Hindi ko na tuloy alam kung saan patungo itong mga ginagawa ko.

Kanina, nakita ko kung paano masaktan si Xandro. Umiiyak na lang sya basta basta. Tahimik nyang dinaramdam lahat ng sakit. Magmumukmok na lang siya at kakalimutan na lahat ng bagay sa paligid. Ang pinakamalala nyang ginawa ay yung ihampas nang paulit-ulit ang ulo nya sa study table ko.

Aaminin ko, nasaktan ako para sa kanya. Hindi ko gusto na nakikita sya sa ganoong kalagayan. May kirot sakin na makita syang ganon. At merong nagtutulak sakin na yakapin sya at pagaanin ang loob niya. Kaya nga hindi na ako pumasok sa mga klase ko para samahan sya at nang hindi niya madamang nag-iisa lang sya.

Marahil tunay na kaibigan na talaga ang tingin ko kay Xandro. Napakabuti nya naman kasi talaga. Maaasahan sya at handang tumulong nang walang inaasahang kapalit. Handa syang makinig at maging sandalan ng mga kaibigan niya. Marunong syang makisama at makisakay sa mga biro. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit aayawan nung Troy na yon si Xandro. Baliw na yang Troy na yan

At siguro, baliw na rin ako, dahil kahit nakikita ko lahat ng mabuting katangian ni Xandro, patuloy pa rin ang plano ko sa kanya. It's all because Zeke gets what Zeke wants. I want a car and a condo so I shall continue playing cards with Xandro, but I think I can no longer do that. Nakokonsensya na ako.

Okay. Ititigil ko na ang planong pagpapa-ibig kay Xandro para lang makopyahan ko sya at maging dean's lister ako. Tama na. Tigil na. Kung gusto ko talagang magkaroon ng kotse at condo, makaisip ako ng ibang paraan para makamit ko ito. Hindi ko kailangang paglaruan si Xandro

Tuloy pa rin ang pagpapatutor ko sa kanya. Ang galing niya kasi magturo eh, talagang natututo ako. Then, mag-aaral na lang ako nang ayos para BOOM, DL na ako. Sounds like a better plan, right?

Right.

Araw ng Sabado ngayon kaya tamad na tamad ako bumangon. Gusto ko sanang matulog na lang buong araw. Wala naman akong gagawin kaya malamang magkukulong na lang talaga ako dito sa kwarto. Mas gusto ko na to kaysa makita ko ang pagmumukha ng magaling kong nanay at ng bastardo niya.

Kaya lang, may kung sinuman na kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tss. Sinigawan ko na lang sya na pumasok at nagtalukbong ako ng unan. Narinig kong nagbukas ang pinto at maglakad ang kung sinuman palapit sa akin.

Hinintay ko sya magsalita. Isa, dalawa, tatlong minuto ang lumipas pero nanatiling tahimik sa kwarto ko. Parang kilala ko na kung sino to. Si Topher, the bastard.

Inalis ko ang pagkakatakip ng unan at kunot noo syang binulyawan.

"HOY BASTARDO KUNG DI KA MAGSASALIT.......... X?"

Si Xandro pala yung pumasok. Nagulat sya nang sinigawan ko sya kaya napatayo sya mula sa pagkakaupo sa kama ko

"X, ikaw pala yan...... uhmm...... sorry" paghingi ko ng paumanhin sa inasal ko

"Ah... Eh.. Okay lang."

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Ano palang ipinunta mo dito?"

"Gusto ko lang to ibigay sayo. Thank you sa pagdamay sakin kahapon." nakangiti niyang iniabot sakin ang isang paper bag. May laman itong chocolates

"Oh, pano mo nalamang mahilig ako sa chocolates? Stalker ka ha"

"Nasabi kasi sakin ni Tita Czarina na mahilig ka daw dyan. Padala yan ng Tito ko from US."

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now