CHAPTER 40

8.2K 206 69
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 40

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Nasa maingay at mausok na kalye ako ngayon. Badtrip. Naglalakad ako kasi pinababa ako ng driver ng sinakyan kong taxi dahil wala akong pambayad sa kanya. Nakalimutan ko kasi yung wallet ko sa kwarto dahil sa taranta ko at pag-aalala na rin kay Zeke. Hayayay. Ano na ngayon ang gagawin ko? Tanging ang cellphone ko lang na walang load ang kasangga ko ngayon. Paano ko matutulungan si Zeke? Paano ko malalaman kung nasaan siya?

There are times when I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times when I just want to feel your embrace

In the cold of the night

Biglang tumugtog ang kantang forevermore mula sa isang salon. Hmm, ang sarap damhin ng kanta. Napatingala ako kaya aking namasdan ang kalangitan na kumikinang bunga ng daan-daang bituin. Bumalik sa isipan ko iyong panahon na nakahiga kami ni Zeke sa garden nila, nakatitig sa tahimik na langit, dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Huh. Miss ko na siya, sobra, yung katawan niyang kaysarap yakapin, yung amoy niyang nakakaadik, yung sagad sa buto niyang kasweetan. Naiinis ako sa sarili ko, dahil sa kaartihan ko, tatlong linggo ang nasayang na dapat sana'y ginugol namin ni Zeke sa isa't isa. Sana pinatawad ko siya noon pa. Ang tanga ko, bakit ngayon ko lang nahanap sa puso ko ang pagpapatawad? Bakit ngayon pa kung kailan may banta na sa buhay niya?

'Zeke...' bulong ko sa hangin

And just as I was about to cross the road, nag-ring ang phone ko. Anonymous number.

"Hello..."

"#14 1st Street Hermosa Subdivision Barangay San Francisco"

Anong sinasabi niya?

"Ha? Wait, sino ka ba?"

"Kung gusto mo pa makita si Zeke, pumunta ka sa binanggit kong lugar" siya yata ang kidnapper ni Zeke. Parang pamilyar sakin ang boses niya. Di ko lang lubos maisip ngayon dahil mas nangingibabaw ang pagkataranta ko.

"Zeke! Zeke! Nandyan ka ba?" I screamed, almost hysterical. May ilang taong napapatingin sakin pero wala akong paki

"Babe? Babe! Wag ka pupunta dito! Wag ka pupunta dito please! Sasaktan ka lang ni..p." boses iyon ni Zeke di ako pwedeng magkamali. Naudlot ang sinasabi niya sa di ko malamang dahilan. Narinig ko nalang ang pag-ubo niya "*cough* Babe wag ka *cough* pupunta dito *cough*"

"Zeke! Zeke! Sinasaktan ka ba nila? Please wag niyo saktan si Zeke! Please!" umiiyak at napapamura ako sa daan. Fuck. Ano bang kailangan nila? Bakit nila dinukot si Zeke? Bakit ako ang hinihingi nilang ransom?

"Di namin siya sasaktan kung pupunta ka dito. Bilisan mo, ayaw ng boss namin ng pinaghihintay" binabaan niya na ako ng telepono bago pa ako makasagot

Pinaulit-ulit ko ang boses ng kidnapper sa utak ko. Kilala ko talaga ang boses na yon. Isip. Isip. Isip. Sino ba ang may motibo para kidnapin si Zeke?

Isip.

Isip.

A... Ba... Ka... Da... E... Ga... Ha...

Ha...

Ha.

Tama! Harold! Boses iyon ni Harold, ng kaibigan ni Troy! Sigurado ako!

Tumaginting ang cellphone ko.

----------------------
From: 0916627****

#14 1st Street Hermosa Subdivision Barangay San Francisco
----------------------

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now