CHAPTER 36

4.5K 156 14
                                    

Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 36

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

"Please. Tigilan mo na ko"

"Hindi. Mahal mo ko, Zeke. Alalahanin mo naman oh! Niyaya mo pa nga ko ng sex di ba?! Hindi ka bakla, Zeke! Hindi pwede!"

Parang tangang gumagawa ng eskandalo si Coleen sa pathway. Hawak niya ang braso ko habang nagmamakaawa. Di ko naman siya magawang takasan kasi nasa kanya ang phone ko. Baka nagtext na si baby at hinahanap na ko. Naku! Lagot ako, baka isipin niya kinatatamaran ko ang pagrereply sa kanya.

Ugh! Nasstress na ko dito kay Coleen. Ilang beses ko na ipinapaliwanag sa kanyang si Xandro ang mahal ko pero bakit ba hindi niya iyon maintindihan? Naknangpucha naman oh.

"How many times do I have to tell you na hindi kita mahal? As in never! Ever! Si Xandro lang ang nag-iisang mahal ko. Lust lang ang naramdaman ko para sayo, at DATI pa yon. Tapos na yon, wala na kong nararamdaman ngayon para sayo kahit maski katiting na libog." mahina lang ang pagkakasabi ko non. May mga estudyante na kasing nakikiusyoso sa usapan namin ni Coleen.

"No! Hindi totoo yan! Ginayuma ka lang nung Xandrong yon." hinawakan niya ko sa pisngi at sapilitang iniharap sa kanya. Uy, ang ganda ng pagka-brown ng mata niya "Tumingin ka sakin. Straight ka, Zeke. Straight ka."

Para na talaga siyang timang, hmmp, isang magandang timang. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at dumistansya ako sa kanya.

"Girl, di tayo talo. Pareho tayong girlaloo. Lumayo ka nga sakin, allergic ako sa foundation mo" ani ko sa matinis na boses na sinabayan ng pagkembot. Haha! Ito na lang ang naiisip kong paraan para layuan ako ni Coleen, pag nakita niyang baklang-bakla na ko, matturn-off siya sakin tapos kusa siyang lalayo. Hooray!

"Ang sagwa! Ano ba yan!" nagtakip siya ng mata "Ang gwapo-gwapo mo pero baklang-bakla ka naman gumalaw!" nakatingin pa siya sakin na kala mo e diring-diri. Napangiti ako, mukhang effective ang pag-astang beki ko.

Akala ko lalayuan niya na ko pero napanganga na lang ako sa sunod niyang sinabi.

"... pero alam ko may pag-asa ka pa. Wag kang mag-alala, ako ang bahalang gumising sa natutulog mong pagkalalaki."

Napafacepalm na lang ako. Coleen is hopeless.

****

"Zekie, saan ka ba nanggaling? Sabi mo bibili ka lang ng sandwich ko..." tanong sakin ni X pagkakapasok ko ng classroom. Humahangos pa ko non, inikot ko kasi ang buong university para lang iligaw si Coleen matapos kong i-snatch ang sarili kong cellphone sa kamay niya.

"Sorry baby. Medyo natraffic lang ako sa daan" sagot ko matter-of-factly. Isa naman talaga kasing malaking hadlang itong si Coleen e, papunta palang ako ng canteen, hinarang na ko. Di tuloy ako nakabili ng ham and egg sandwich para sa tila naglilihi kong sweetheart.

"Traffic?" nagugulumihanan niyang pag-uulit. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang, sabay langhap ng sariwa niyang amoy.

"Kwento ko na lang sayo mamaya pag nasa bahay na tayo at tinututor mo na ko"

"Hmmm. Okay" aniya na nadala ata sa paglambing ko.

Natapos ng mabilis ang lambingan time nang pumasok ang isang matandang babae bitbit ang isang bundle ng papel. Magsisimula na ang final exam namin sa humanities. Nag-sign-of-the-cross muna ako bago magtungo sa aking upuan.

Sana mataas ang makuha kong score para maging dean's lister ako't magka-condo na kami ng baby ko. :))))

****

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now