CHAPTER 34

4.4K 160 16
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 34

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Tirik na tirik ang araw. Cut na ang klase, student's day kuno. Naglalakad na kami ni Zeke papunta sa parking area. Wala naman na kaming business sa school kaya pupunta na lang kami ng mall. Ayaw pa namin umuwi pareho, we want to spend the day with each other.

"Sweetheart, nagtext si Mom. Lalabas daw kaming buong pamilya" balita niya sakin pagkatapos tignan ang text sa phone niya. Nalungkot ako, mukhang hindi matutuloy ang malling namin "Hey babe! Cheer up! Pwede ka naman sumama samin eh"

"Hindi na. Matutulog na lang ako sa bahay. Medyo masakit rin kasi ang ulo ko" pagdadahilan ko. Ayaw ko naman kasi makaabala sa family bonding nila. Next time na lang siguro kami magddate ni Zeke.

"Really? Masakit pala ulo mo, hindi mo man lang sinasabi sakin" niyakap niya ko tapos hinalikan sa noo, heto na naman ang pagiging sobrang caring niya "Ihahatid na kita sa inyo"

Sinuotan niya ko ng helmet, inalalayan pasakay at siya rin mismo ang nagyakap ng mga braso ko sa katawan niya.

"Kapit ka lang baby ko ha. Pag masyado na matulin ang pagmamaneho ko o kaya nahihilo ka na, kurutin mo lang ako. Okay ba yon?"

"Okay po"

Nakayakap lang ako sa kanya sa buong biyahe. Pinatong ko rin ang ulo ko sa likod niya. Moderate lang talaga ang pagpapatakbo niya, iniingatan na hindi ako mahilo.

Parang sasaglit lang e nasa bahay na kami.

"Oh, Xandro. Zeke. Akala ko ba gagabihin kayo dahil may pupuntahan pa kayo?" usisa ni Mama. Naunahan ako ni Zeke sumagot.

"Masakit daw ulo ni Xandro, Tita, kaya hinatid ko na siya para makapagpahinga."

"Ahh."

"Akyat na kami, Ma" paalam ko

Tahimik sa bahay. Parang si Mama nga lang ang tao. Uminom muna ko ng tubig bago umakyat sa taas. Sinundan naman ako ni Zeke.

"Oy, bakit nandito ka pa? Di ba may family gathering pa kayo?"

"Pwede naman siguro ako malate don, baby. Samahan na muna kita hanggang makatulog." ngumiti siya ng malawak tapos yumakap sa beywang ko. Naglalakad kaming paganon nang magbukas ang pinto ng kwarto ko noon.

Napatigil kami ni Zeke. Lumabas ng kwarto si Vin, nakapang-alis, either papasok sa school o maglalakwatsa. Bakas pa ang ilang pasa sa mukha niya. Ito ang unang beses na nakita ko siya mula nung umuwi ako last Sunday.

Hinawi agad ako ni Zeke palikod. Hindi ako tumitingin sa mata ni Vin, kasi naaalala ko yung titig niya sa akin nung nakaraang gabi. Yumuko na lang ako.

"Kamusta?" si Vin yan. Hindi nagsasalita si Zeke, siguro ginagamit niya na naman ngayon ang matatalim niyang titig para palayuin si Vin "Wow, ang over-protective ni boyfie ah"

Ilang segundo pa ng katahimikan bago ako nakarinig ng paghakbang. Gumilid ako at tinakpan na naman ako ni Zeke

"Xandro...." tinangka akong hawakan ni Vin pero hinablot ni Zeke ang kamay niya

"Wag na wag mong hahawakan si Xandro" mahina, kalmado pero mariin ang pagkakasabi ni Zeke. Humarap siya sakin "Punta ka na sa kwarto mo babe?"

Tumango ako. Hindi na ko lumingon pa hanggang sa makapasok ng kwarto. Nahiga agad ako sa kama, initsa na lang sa kung saan ang gamit-pampasok. Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now