CHAPTER 29

5.5K 157 15
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 29

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Dalawang oras na pala ang lumipas na naglalampungan kami ni baby ko sa higanteng cupcake. Akala ko ten minutes pa lang. Yan pala yung sinasabi nila na kapag yung taong mahal mo ang kasama mo, nakakalimutan mo na ang oras at aakalain mo pang sobrang sandali pa lang kayo nagkakasama kahit sobrang tagal na.

Ibang klaseng galak talaga ang hatid ng pag-ibig sating mga tao. Hindi lang yung basta masaya ka kasi natatawa ka sa mga bagay, kundi natutuwa ka at nanggagaling ang pakiramdam na iyon sa puso mo. Ito ang nararamdaman ko ngayon, na tipong kahit maliit na galaw lang ni Xandro ko, ibang kiliti at ligaya na ang hatid sakin.

Naalala ko tuloy yung panahon na galit ako sa mundo. "Walang love, lust meron", yan pa ang motto ko non. Naiinis kasi ako kapag naririnig ko ang salitang pag-ibig, kasi sa tuwing dumadaan ito sa tenga ko e may kung anong kumikirot sa puso ko. Pag naririnig ko ang love, nalulungkot ako at mas lalo kong narerealize na ang lungkot ng buhay ko, kasi i have no one, walang nagmamahal sakin.

Mabuti na lang dumating si Xandro sa buhay ko at binago niya ko sa hindi ko malamang paraan.

"Huy! Nagde-daydream ka na naman dyan baby boy" pagputol ni X sa mga iniisip ko sabay pahid ng icing ng cupcake sa pisngi ko. Kanina pa siya ganyan, pahid nang pahid ng icing sa kung saan-saang parte ng mukha ko. Hindi ko naman magawang gantihan siya, kasi ayokong may tumatakip sa maamo niyang mukha, at gusto ko labi ko lang ang dumidikit sa makipot niyang labi at fluffy na pisngi.

Humiga siya sa hita ko tapos humarap siya sakin. Nilaro-laro niya ang laylayan ng t-shirt ko. Di niya ata alam na ang awkward ng ganitong posisyon.

"Zeke...."

"Y-yes baby?"

"May tatanong sana ako...."

"Ano naman yon?"

"K-Kamusta na kayo ni Troy?" may kirot na namang hatid yon sakin. Bakit kasi naisip niya pa si Troy? Bakit ba pati sa weeksary e nakikihati pa rin yang Troy na yan? "Sorry, dapat pala hindi ko na tinanong....."

"It's okay baby. Uhm... Di pa kami nag-uusap e. Di ko pa siya nakakausap mula nung nakilala ko siya sa restaurant" ayaw ko man ng topic, napilitan pa rin akong sagutin siya. Feeling ko naman walang ibang motibo si baby sa pagtatanong niya na iyon, bukod sa gusto niyang malaman ang estado ng pagiging magkapatid namin sa ama nung Troy na yon.

"Ahhhh"

"E-ehh kayo, kamusta?" wala sa sarili kong naitanong. Naalala ko na naman na naghalikan sila sa playground. Shit. Ako ang nag-ungkat ng paksang ito kaya i must endure the pain.

"Nag-usap kami kahapon....."

"Ahhh, anong pinag-usapan niyo?"

"Uhm... tungkol sa pagpunta niya ng America, kung bakit siya umalis, kung bakit siya bumalik..." nakatingin siya ng deretso sa mata ko kaya alam kong totoo ang sinasabi niya. Ayaw ko na alamin pa ng mas malalim kung ano ang sinabi ni Troy kay X. Tingin ko naman wala akong kinalaman don.

"Ahhhh. Y-Yun lang ginawa niyo?" medyo natigilan siya tapos bumangon siya at naupo sa tabi ko. Sumagot siya nang hindi nakatingin sakin.

"Oo........ yun lang."

Nagsinugaling siya. Nasaktan ako. Bakit niya kailangan maglihim?

Zeke, weeksary nyo. Wag sirain ang gabi....

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now