CHAPTER 18

5.9K 200 8
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 18

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Hatinggabi na pero tila hindi pa rin nauubos ang mga taong pinapakilala sakin ni Coleen. Tangina. Ngalay na ko sa pakikipagkamay at pagngiti ng pilit sa mga taong to na hadlang sa pagkakaroon namin ng oras ni X. Ugh! Ubos na ang oras ko sa kanila. Gustong gusto ko nang kalasin ang pagkapit ni Coleen sakin pero di ko magawa dahil party niya ito. Langya. Nagsisi akong nagpunta pa ako dito. Nagsisi akong isinama ko pa si X dito e di ko naman pala siya mapaglalaanan ng oras. Ugh!

Pagkatingin ko sa pwesto ni X ay mas lalong nadagdagan ang inis ko sa mundo. Tangina, may lalaking mukhang Australian na kaedaran lang namin na humahawak sa kamay ni X. Putangina. Kumulo ang dugo ko dahil base sa ngiti ng lalaking iyon ay tipo niya si Xandro. Inalis ko ang pagkakahawak ni Coleen sa braso ko at lakad-takbong lumapit sa mesa namin ni X kanina.

"Are you with someone?" rinig kong tanong nung Australiano na kasalukuyang nakaupo sa silyang inokupahan ko kanina. Bastos! Nang-aagaw ng hindi kanya.

"He's actually with me." sabat ko na hinaluan ko ng angas. Ayokong may umaali-aligid kay Xandro eh. Sabay pa silang napatingin sakin. Kinuha ko ang kalapit na silya sa kabilang mesa at ipinwesto ito sa gitna ni X at nung tisoy.

"Really?" base sa tono ng pananalita nito ay hindi siya makapaniwalang ako ang kasama ni Xandro "I thought you are Coleen's boyfriend" sabi nito patuon sa akin

"I'm not." matipid kong sagot tapos hinarap ko si Xandro at nginitian ito. Siniringan niya lang ako pero di ako nagpatinag at inakbayan ko pa siya.

"So, you two are uhm..... lovers?" usisa ni tisoy na pilit pa ring tinatanaw si Xandro kahit hinaharangan ko na ang view.

Napaisip naman ako. Ano ba kami ni Xandro? Uhm... Yeah. Magkaibigan kami....... at uhm..... may unexplained feelings ako para sa kanya............ pero hanggang dun lang yon, walang love na naganap. Kupal. Walang love na naganap kasi hindi naman totoo ang love. Anong lovers ang pinagsasasabi ng gagong 'to?

"We're not." napansin ko namang nalukot ang mukha ni Xandro dahil sa narinig

"Oh i see." reaksyon ni tisoy. Napangiti pa ito ng bahagya.

Agad na akong tumayo bago pa magtanong tungkol sa iba pang bagay itong gunggong na Australianong hilaw na ito. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Xandro at hinila siya palabas ng gusali.

Narinig kong sumigaw pa ng pamamaalam yung tisoy kay Xandro. Di ko na napigilan ang sarili ko na itaas ang gitnang daliri. Kusa itong gumalaw at sumaludo sa lalaking humaharot kay Xandro ko. Tangina kasi. Ang akin ay akin.

Pagkarating namin sa tapat ng kotse ko ay agad kong ipinasok si X sa loob. Nanlalaban pa siya pero mas malakas ako sa kanya kaya wala siyang nagawa. Sumakay na rin ako at pinaharurot ang sasakyan

"Ano bang problema mo ha?!" tanong nito sa mataas na tono

"Ikaw ang problema ko!" bulyaw ko rin pabalik "Sino yung Australianong hilaw na yon?!

"Wala kang pakialam"

"Putangina may pakialam ako!"

"Bakit sino ka ba sa buhay ko ha?!"

"Kaibigan mo ko tanga!"

"Right. Kaibigan lang kita! Kaya wag ka umastang parang selosong boyfriend!"

"Tangina hindi ako nagseselos!" dumidiin na ang kapit ko sa manibela

"E bakit ka galit na galit kay Tim?!"

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon