CHAPTER 10

6.9K 218 19
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: Henyoghurt

CHAPTER 10

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko. Nagset ba ako ng alarm kagabi? Parang hindi naman..... Ang natatandaan ko lang ay yung paghatid sakin ni Zeke at ang konting pagsermon sakin ni Papa tapos mabilis akong nakatulog na hindi alintana kung nakapagpalit na ng damit.

Pero bakit parang ang presko na ng suot ko? At bakit hindi pa rin tumitigil sa pagtunog tong lokong cellphone na to?

Hay. Napilitan tuloy akong umupo at mag-inat-inat. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at doon ko lang napagtanto na nakaboxer shorts at sando na lang ako. Pinilit kong isipin kung nagawa ko pa bang magpalit kagabi pero wala talaga akong maalala. Idagdag pa na walang humpay sa pagring ang phone ko kaya hindi talaga ako makapag-balik tanaw ng ayos.

Nilusot ko ang isang kamay ko sa ilalim ng unan para kapain ang phone ko. Nang wala akong nakapa e nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking kama. Itinapon ko pa lahat ng unan at kumot sa sahig para lang mahanap ang pesteng cellphone na walang tigil sa pagtunog pero wala pa rin akong nahagilap. Sinundan ko na lang ang tunog at dinala ako nito sa kama ni Vin.

Wala na ang kakambal ko sa kama niya kaya't mas inilapit ko pa ang tenga ko dito. Itinaas ko ang isang unan at dun ko lang nakumpirma na naroon nga ang cellphone ko. Anong ginagawa ng cellphone ko sa kama ni Vin? Tsk. Weird.

Bigla namang tumigil sa pagring ang bwisit na bagay.

Dala na rin ng inis e inihagis ko ulit yung unan sa phone ko at nagtungo na lang sa banyo para makapag-ayos ng sarili. Nasa kalagitnaan ako ng pagtutoothbrush nang magring na naman ang cellphone ko. Naaburido ako sa tunog kaya lumabas ako ng banyo at kinuha ito. Si Zeke pala, tumatawag.

Nag-isip pa ako ng ilang saglit kung sasagutin ko ba ang tawag o ipagpapatuloy na lang muna ang pagsesepilyo. Nang makapagdesisyon e mabilis kong dinura lahat ng toothpaste sa bibig ko at nagmumog. Nasagot ko ang tawag bago ito tumigil sa pagring

"Hey! Ang tagal mo naman sumagot! I've been calling you a hundred times already!" bungad nya sakin na mataas ang tono

"Good morning and sorry." sabi ko naman apologetically

"Okay. Okay. Asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng bahay niyo. Di na tayo nakapasok sa first class"

Napatingin ako sa wall clock. 9:30 na pala!

"Oh no. Give me ten minutes" mabilis kong sabi at dali-daling binaba ang telepono at naligo

Di na rin ako namili pa ng isusuot. Basta-basta na lang ako kumuha ng damit at madaliang isinuot ito. Palabas na ako ng bahay nang tawagin ako ni Vin

"Oy. Gising ka na pala. Ako nga pala nagbihis sayo kagabi haha" sabi nya. Mukhang maganda ang gising nya at nakangiti ng kay-aga-aga

"Thanks?" di ko kasi alam ang isasagot. Nakakahiya naman na binihisan nya pa ko.

"Anyway, Pinagluto na rin pala kita ng agahan. Kunin ko lang ha...." natataranta syang nagpunta sa kusina pero agad ko syang pinatigil sa gagawin

"Sorry, Vin. Di na ako kakain. Busog pa naman ako eh. I need to go. Late na ako sa klase ko"

Lumungkot ang mukha niya pero bigla ring ngumiti nang may naisip "Ihahatid na kita para mas mabilis ka makarating sa school. Antayin mo ko magbibihis lang ako saglit"

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now