CHAPTER 26

5.2K 176 9
                                    

Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 26

---------------------------------------------------------
Troy's POV
---------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Namalayan ko na lang na pataob akong nakahiga sa kama ko, pinipigilan ang pagtulo ng mga luhang makakapaglarawan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba nagkaganito ang lahat? As I know, everything's perfect seven months ago. Nagbago lang ang takbo ng mga pangyayari nang biglang sumulpot yang Zeus na yan at nagpakilalang tatay ko. Kasalanan niya 'to. Kasalanan ng buong pamilya niya kung bakit wala na si Xandro sakin ngayon.

Kinapa ko sa likurang bulsa ng pantalon ko ang cellphone kong basag na ang screen. Ilang beses ko na kasi itong naibato dahil sa sakit na nararamdaman ko. Agad kong binuksan ang gallery kong puno ng litrato ni Bogs. Di ko napigilang gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Iba talaga 'to si Bogs. Siya lang ang nakakapagpangiti sa akin kahit sobra akong nalulungkot. Siya lang ang kayang pumawi ng lahat ng sakit dito sa puso ko.

Naghihingalo na itong cellphone ko kaya napagdesisyunan kong ilipat na lahat ng files sa laptop. Uhm... Hindi pala lahat. Yung mga may kinalaman lang kay Xandro. Siya lang naman kasi ang mahalaga sa buhay ko. Nag-iisa lang siya.

Di sinasadyang nabuksan ko ang isang file. Yung sulat na ginawa ko para kay Xandro nung umalis ako papuntang America. Naaalala ko pa, maluha-luha ako nung tina-type ko ito. Akala ko kasi matatagalan ako sa America. Akala ko matagal kong hindi makikita si Xandro.

Nabasa niya na kaya ito? Ang alam ko inipit ko itong sulat sa librong ibinigay ko sa kanya. Hmmm. Tingin ko di niya pa nababasa. Puro textbook kasi ang binabasa non. Di niya hilig ang mga romantic novels. Ang baliw ko talaga. Alam ko namang di siya nagbabasa ng ganoong libro pero binigyan ko pa rin siya.

Dear Alessandro Keith Tejano,

Hey Bogs! Smile ka muna bago mo basahin ito. Haha. Uy, ngingiti na yan. Ayie ayie! Sige ka kapag di ka ngumiti, kikilitiin kita. Smile na. Ayan na ko. Malapit na ang kamay ko sa beywang mo. Boom! Yun oh ngumiti na siya!

Ako ang napangiti nang mabasa ko ito. Ang baliw ko talaga. Baliw na baliw kay Xandro.

Bogs, may sasabihin akong sikreto sayo. Ilang taon ko na itong nililihim. Pero di rin naman ito gaanong katago, kasi sinigurado kong napapadama ko sayo ang lihim ko kahit di ito bigkasin ng bibig ko.

Dama mo ba? Dama mo ba ang kiliting nararamdaman ko sa tuwing nagkakadikit ang mga balat natin? Dama mo ba sa bawat kilos ko na iba ang pakikitungo ko sayo? Dama mo ba sa bawat titig ko na may espesyal na pagtingin ako para sayo?

Kung hindi, edi fail pala ako. Nakaka-sad naman. :(

Kung oo, gusto ko lang kumpirmahin na totoo ang lahat ng iyon.

Mahal kita, Bogs. Higit pa sa pagiging bestfriend. Wow! Nasabi ko na rin sa wakas! Oo, mahal kita Xandro! Mahal na mahal!

Wala akong eksaktong petsa kung kailan nagsimula itong kakaibang damdamin ko para sayo. Basta napagtanto ko na lang isang araw na mahal na kita. Nasa classroom tayo non. First Year Highschool. Imbis na makinig ako kay Ma'am Apolonio, sayo ako nakatingin. Pinagmasdan ko ang bawat galaw mo, kung paano ka magsulat, kung paano bumuka ng kaunti ang bibig mo habang nakatanghod kay Ma'am, kung paano magdikit ang mga kilay mo kapag mali ang grammar ni Ma'am, kung paano sumisibol ang ngiti sa labi mo kapag nakikita mong pinupunasan ng mga kaklase natin ang parte ng katawan nila na natalsikan ng laway ni Ma'am. At nagustuhan ko lahat ng galaw mong 'yon, minahal ko lahat ng iyon. From that day on, you unconsciously made me fall for you every single day.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now