CHAPTER 33

4.4K 151 10
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 33

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Di ko alam kung tama ang desisyon ko na iwan si Xandro ko at yung Troy na yon para mag-usap. Kinakabahan ako. Heto na naman yung pakiramdam na aagawin ni Troy si X.

Hinga ng malalim. Tanggalin ang mga negativity. Tiwala lang kay Xandro, Zeke. Mahal ka nun.

Hay! Sinimulan ko na lang kainin ang chocolate cake ko. Wala na kasing kanin at ulam. Baka inubos na ng mga katulong. Hmmp. Inubusan nila kami ng baby ko.

Maya-maya, may yumakap sakin mula sa likod. Saulado ko na ang amoy niya. Ang bango-bango. Napangiti ako ng kusa. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang paghikbi niya.

Binaba ko ang hawak kong tinidor at hinarap ko siya, nanatili ang pagkakayakap niya sakin. Tinapik ko ang hita ko para paupuin siya don. Sinunod niya naman. Hinawi ko ang ilang buhok na tumatakip sa kanyang mata.

"Oh bakit umiiyak ang sweetie ko? Niaway ka ba ni Troy?" gustong-gusto ko yung ganito, bine-baby ang labidabs ko. Ang cute cute niya kasi, parang baby na ang sarap-sarap panggigilan at halik-halikan.

Nakaramdam na naman ako ng pagkainis kay Troy. Gagong yon, nagkausap lang sila saglit ni baby ko nagawa niya na agad itong paiyakin.

Umiling siya bilang tugon tapos binaon ang mukha niya sa leeg ko. Nakiliti ako ng bahagya.

"Eh bakit naman umiiyak ang lovie ko kung di naman pala siya niaway ni Troy?"

"Sinaktan ko siya" pabulong lang ang pagkakasabi niya.

"Ay, bad ang baby Xandro ko ha. Ano namang ginawa ni baby ko kay Troy? Sinuntok niya ba?"

Umiling lang siya ulit.

"Eh ano?"

"Sinabihan ko siyang itigil na ang pagmamahal sakin"

Gusto kong maging masaya, kasi ibig sabihin ng ginawang iyon ni Xandro na ako ang pinili niyang mahalin at ako ang gusto niyang magmahal sa kanya. Pero parang may kumirot sa puso ko, nasaktan ako para kay Troy. Kahit naman kasi mainit ang dugo ko sa kanya, kapatid ko pa rin siya, at may parte sa puso ko na nagdidikta na hindi niya deserve ang masaktan ng ganito.

Alam kong masakit yung hindi ka piliin ng taong pinili mong mahalin.

****

Three days nang nakatira sa bahay naming mga Kennedy si baby ko. Ang saya-saya ng feeling ko. Para na kasi kaming magka-live-in, sa iisang bahay nakatira, sa iisang kama natutulog. Buong araw ko siya kasama, nayayakap at nahahalikan, at halos hindi ko na ialis ang tingin ko sa kanya.

Sabi nga ng mga kaklase namin, nagiging magkahawig na raw kami dahil di na kami naghihiwalay.

Pumasok na kami sa univ ng araw na ito. Natatambakan na kasi kami ng mga na-miss na lessons. Buti na lang matalino si baby ko kaya mabilis siyang nakakahabol sa discussions. At since hindi naman ako brainy, nganga ako, magpapaturo na lang ako kay lovie bago ang nalalapit na finals.

"Kanina ka pa nakatitig sakin, Zekie. Ang creepy na" puna ni Xandro habang sinusulat niya ang kung anumang sinusulat ng professor namin sa Humanities. Alam niya palang nakatitig ako sa kanya kanina pa.

"Ang cute cute mo kasi baby ko. Natetempt akong kurutin at halikan at yakapin ka."

"Hmmp, pinipigilan pa ang sarili, ayaw nalang gawin" tumigil siya sa ginagawa, nilingon ako sabay kindat, tapos bumalik rin siya sa pagsusulat.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now