CHAPTER 8

6.8K 208 9
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: Henyoghurt

CHAPTER 8
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Pumikit-pikit muna ako ng ilang beses at nagkusot ng mata bago luminaw ang paningin ko. At saka lang rumehistro sa aking utak na wala ako sa aking kwarto at may nakapulupot pang bisig sa aking katawan. Agad naman akong napabalikwas at tinignan kung sino ito

Hay! Nakalimutan kong nandito pa rin pala ako kila Zeke.

Ano bang ginagawa nya dito? Well, yeah, bahay nila to, pero supposedly, wala dapat sya dito sa kwartong ito. Nasa guest's room kaya ako. Nandoon dapat sya sa kwarto nya. Hay! Makulit talaga itong mokong na to!

Kung tititigan mo sya ngayon, talagang masasabi mong napakaamo nya. Payapa at maaliwalas ang mukha nya. Parang di sya isang madaya at malibog na lalaki.

Grabe sya kagabi. Yeah kagabi. WAIT. AYOKO NA NGA PALA BALIKAN YUNG NANGYARI KAGABI! Kainis naman kasi tong si Zeke grabe mang-goodtime, landiin ba naman ako?!! At lumabas ba naman ng banyo na twalya lang ang tapis?! Aba'y loko. Naalala ko tuloy yung katawan nyang yummy. Oh did i say yummy? Yuk. Basta broad ang shoulders nya at malaki ang biceps at maputi ang katawan at may 6-pack abs sya at ang bango nya. Ganon. Well, yeah, yummy nga sya.

Napangiti naman ako dahil sa mga naiisip ko

Bigla naman syang dumilat kaya nakita nya akong nakatitig sa kanya at nakangiti. Ngumiti rin ito at bumangon na mula sa pagkakahiga

"Good morning!" masiglang pagsalubong nya sa umaga habang nag-uunat-unat. Humikab pa muna sya bago nagpatuloy "Hay! Ang baho ng hininga ko ah"

Tumawa naman ako dahil ang weirdo nya. Napatingin tuloy sya sakin at saka sumimangot.

"Makatawa naman 'to kala mo hindi mabaho ang hininga nya pagkagaling sa tulog" nagpout pa ang loko

"Luh. Wala naman akong sinabing ganyan ah. Sige na. Magtoothbrush ka na nga"

Ayun, lumabas na sya ng guest's room. Ako naman, pumasok sa banyo para makapaghilamos at makapagtoothbrush na rin. Buti nga may sabon, toothpaste at bagong toothbrush na doon kaya di na ako namroblema pa

Nang makaramdam na ako ng gutom, napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto. Tinungo ko ang kusina at naabutan ko dun ang isang lalaki na nag-aagahan. Siya ata yung Kuya ni Zeke.

"Hi?" nag-aalangang pagbati ko habang nilalagyan nya ng peanut butter yung hawak nyang tinapay. Napatigil tuloy sya sa kanyang ginagawa at ngumiti ito sa akin

"Oh, hi there! I suppose you are Zeke's classmate. Come here. Upo ka dito sa tabi ko, sabayan mo ko mag-almusal" malugod naman akong sumunod dito at iniabot nya sakin yung pinalamanan nyang tinapay. Sinabihan nya rin yung isang katulong na ipagtimpla ako ng kape.

"So..... Gaano na kayo katagal magkaclose nung kapatid ko? Buti natatagalan mo ang pagkamaloko nung gunggong na yon noh" tanong nya sakin nang matapos nyang lagyan ng palaman ang kakainin nyang tinapay

"Uhm, honestly, less than 16 hours ko pa lang syang kaclose. At tama yang sinabi mong maloko talaga yung kapatid mo. Kung ano anong kalokohan ang sinasabi eh hahah" pareho naman kaming tumawa

"Naku. Ako na ang humihingi ng sorry sa kung anumang kalokohang ginagawa o sinasabi nya sayo. Pagpasensyahan mo na lang. Sadyang mapagbiro yon eh, pero mabait yon promise"

"Tingin ko nga" nasabi ko na lang dahil di ko pa naman masasabi sa ngayon kung totoo nga bang mabait si Zeke o hindi. Well, ilang hours ko pa lang sya nakikilala eh.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now