CHAPTER 27

5.3K 186 30
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 27

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Tameme. Malayo ang tingin. Malalim ang iniisip. Buong araw ganyan si baby ko. Ayoko mang isipin ay alam ko naman kung sino ang tumatakbo sa utak niya. Malabong ako yon, kasi kahit anong pagpapapansin na ang ginawa ko ay hindi niya pa rin ako nakita, kahit anong klase ng pagpapatawa ang gawin ko ay hindi pa rin lumalabas ang ngiti niyang bumihag sa puso ko.

Natapos ang araw na nasa tabi ko nga si Xandro pero hindi ko naman naramdaman ang presensya niya. Para lang akong may kasamang multo at may kausap na hangin. Nagpresinta pa akong ihatid siya pauwi pero tinanggihan niya ang alok ko. Dire-diretso niya lang na tinahak ang daan palabas ng university. Wala man lang "i love you", "see you tomorrow, baby", "mag-iingat ka sa pagmamaneho ng motor", o kahit simpleng "bye" lang sapat na sana. Pakiramdam ko tuloy ito na talaga yon, makikipaghiwalay na siya sakin, naghahanap na lang siya ng tamang tyempo para sabihing hindi niya talaga ako mahal at di sinasadyang naibaling niya sakin ang pag-ibig niya kay Troy. Tangina, para akong convicted drug pusher sa Saudi Arabia na naghihintay na lang ng oras ng pagbitay.

Pauwi na sana ako sa amin pero nang mapadaan ako sa kanto nila baby ay nakita ko siyang naglalakad. May kung-anong bumulong sakin na sundan ko daw si Xandro, kaya iyon ang ginawa ko. Napangiti ako nang makita kong lumiko siya sa playground kung saan naging kami. Naisip ko baka magrereminisce lang siya ng moments don. Aalalahanin niya lang kung paano ako nagtapat ng pag-ibig ko sa kanya.

Hindi na muna ako tumuloy sa playground. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa isang tindahan at uminom ng softdrinks. Hinayaan ko munang magka-alone time si babes ko. Nang eksaktong 7:20 na ay muli ko nang pinaandar ang motor at ihininto ito sa may di kalayuan sa playground.

Iginala ko ang aking mata sa paligid. Madilim na at wala nang tao. Tanging hampas ng hangin at huni ng mga ibon na lang ang maririnig. Siningkit ko ang mata ko para mas maaninagan ko kung may tao pa sa malayo. Humakbang ako ng kaunti at dun ko na nakitang may dalawang taong nasa madilim na parte ng playground, naghahalikan. Sigurado akong si Xandro yung isa, kasi kita ko yung backpack niya na nasa katabi nilang upuan.

Tangina. Ang sakit. Tila pinupunit ang puso ko. Walang pakundangang nagbagsakan ang luha ko. Mabilis akong sumakay sa motor ko at tahimik na nilisan ang lugar.

Putangina. Ang sakit sakit naman makitang may kahalikang iba ang mahal ko. Sigurado akong si Troy yon. Tama nga ang nasa isip ko na higit ang pagmamahal ni Xandro sa bestfriend niya na tipong kaya niyang iwanan lahat ng pinagsamahan namin para sa Troy na yon.

Gusto kong magalit. Gusto kong manakit. Gusto ko na lang mamatay. Iiwan na 'ko ni Xandro. Hindi ko kaya. Ikamamatay ko.

Pinaharurot ko ang motor. Tangina. Wala akong pake sa mga nagsisigawang tao at sa mga nagsisipulang pulis. Nasasaktan ako, yun lang ang alam ko. Wala ng mapaglagyan itong sakit sa kalooban ko kaya inilalabas ko sa pamamagitan ng mabilis na pagmamaneho.

Galit ata ang tadhana sa akin. Ito na siguro ang ganti niya sa lahat ng kawalang-hiyaang ginawa ko, sa lahat ng pagpapaasa, panggagamit at pananakit ko sa mga babaeng nagmahal sa'kin.

Pati ang mundo ay galit na rin sakin, dahil di siya nakisama sa gusto ko. Gusto ko nang mamatay, pero eto ako, matiwasay na nakauwi at nasa garahe na ng bahay namin.

Sinipa ko ang motor ko. Ibinalibat ko ang backpack ko sa yerong pinto at nakalikha ito ng napakalakas na ingay. Gusto kong ilabas lahat ng galit ko, lahat ng sakit dito sa dibdib ko. Di kasi sapat ang pagsigaw ko at tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko para maibsan itong nararamdaman ko.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now