Last Chapter:

86 4 2
                                    

Hindi mapigilan ng babae ang mapaluha ng labis at mapahagulhol pa nga matapos maalala sa kanyang isipan ang isang napakalungkot na alaala ng nakaraan matapos niyang makita ang puntod.

"Napakadakila mo, Zidus... Napakadakila ng iyong pagmamahal... How I wish na sana kahit kapiraso lang dun sa pagmamahal na 'yun ay naibalik ko sa iyo... How I wish na sana ay minahal din kita ng buong-buo... I will never ever forget you, Zidus... You will always have a special place in my heart no matter what happen...", ang napapahagulhol na sabi ng babae habang nakaluhod na at niyayakap ang lapida sa puntod.

Sa gitna naman ng tila matinding paghihinagpis na ito ng babae ay biglang may kung sinong tumawag sa pangalan niya. Tila ba isang kung sinong bigla na lamang dumating sa naturang lugar.

"Rita...!", pagtawag ng kung sino sa babae na walang iba kundi si Rita.

Agad ay napalingon si Rita sa tumatawag sa kanya. Tila ba napakapamilyar kasi ng boses nito sa kanyang pagdinig. Sa kanyang paglingon ay hindi nga siya nagkamali. Pero gayunpaman ay tila nagulat parin siya at nakadama ng kakaibang pagkabog ng dibdib.

"E-edwin...!"

Nakangiti ay tumitig si Edwin sa dating kasintahan tapos ay naglakad siya papunta dito. Nang makalapit sa kasintahan ay inilahad niya ang kamay niya dito. Agad namang kinuha ang kamay niya ni Rita at ito ay itinayo niya mula sa pagkakasalampak nito sa puntod. Kapwa nagkatitigan pa ang dalawa sa muli nilang pagkikita.

"Edwin..."

"Rita..."

Sa gitna ng pagtititigan nila ay biglang may kinuha si Edwin mula sa bulsa ng pantalon niya. Isa itong maliit na kahon na pula ang kulay. Ipinakita pa niya ito kay Rita at sa harapan ng dating nobya ay binuksan niya ang kahon. Sa pagbukas niya sa kahon ay tumambad kay Rita ang napakagarang Engagement Ring na may 24-karats diamond sa gitna. Kinuha ito ni Edwin mula sa kahon at dahan-dahang isinuot sa palasingsingang daliri ni Rita.

"Edwin... Anong--...???", takang tanong ni Rita na magsasalita sana pero biglang tinakpan ng dating nobyo ang kanyang bibig.

"Alam kong hindi ito ang tamang lugar. Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon. But I know that this is what he wants. To witness us end up together. To witness us happy together. So I don't want to disappoint him. Ayokong biguin sa sandaling ito ang taong nagbigay sa akin ng panglawang pagkakataon upang mabuhay at magmahal... Ang taong nagbigay sa akin ng panibagong puso upang ialay sa iyo... Ang taong nagbalik sa iyo papunta sa mga bisig ko... Rita... Minsan nang ipinagkait sa atin ng kapalaran at pagkakataon na tayo ay magsama at mag-ibigan... Minsan na tayong nalayo at nawalay sa piling ng isa't isa... At napakasakit nun para sa akin, Rita... Napakasakit... Kaya ngayong may pagkakataon ako upang mapasaakin kang muli... Upang mapatunayan kong muli kung gaano kita kamahal... I will never let this moment pass without asking you this... I Love You, Rita... I Love You very, very, very much.... Will you marry me... Will you be my wife... Will you be my partner in life... Will you be the part of my heart...", ang napakaromantikong pagpo-propose ni Edwin kay Rita sa gitna ng isang napakatahimik na sementeryo.

Hindi naman maintindihan ni Rita, pero tila sabay niyang naririnig na nagpo-propose sa kanya sina Edwin at Zidus. Sandali ay napalingon pa si Rita sa puntod ni Zidus at tila nakita pa niya dun ang namayapang nobyo na nakangiti at tumatango-tango sa kanya na tila ba sinasabing tanggapin niya ang pagpo-propose ng dati niyang nobyo. Naluluha din siyang tumango-tanog sa tila multo ni Zidus na tila ba ang kahuluhgan ay labis na pasasalamat. Matapos nito ay bumaling na si Rita sa dating nobyo na nagpo-propose sa kanya at siya kapwa ngumingiti at lumuluha ay nagsalita siya.

"YES! I DO!"

At buong saya at galak na hinagkan at hinalikan ni Edwin si Rita. At naghalikan ang dalawan ng buong tamis at buong suyo na tila ba damang-dama nila ang pag-ibig sa buong paligid kahit na sila ay nasa sementeryo. Sa ibaba naman ng puntod ni Zidus ay makikita ang pagdapo ng paru-paro. Mapapansin na tila ba nakamasid ang paru-parong ito sa napakaromantikong sandali nina Edwin at Rita.

WAKAS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A True LoveWhere stories live. Discover now