Chapter 4:

101 2 0
                                    

Isang flowershop sa may Cubao ang mina-manage ni Rita. Pagka-graduate niya palang ng kolehiyo ay itinaguyod na niya ang negosyong ito. Ito ay dahil sa siya ay likas na mahilig sa mga bulaklak mula pa nung kanyang pagkabata. Nang hapong ito ay makikita si Rita na nagkukuwenta ng mga kita at gastos ng kumpanya. Napapailing pa siya habang nagkukuwenta na tila ba disappointed sa mga lumalabas sa kuwenta niya.

"Hay! Ang liit naman ng kinita ng flowershop sa buwan na ito! Tila yata tuwing Todos Los Santos lang at Valentine's Day lumalakas ang negosyong tulad nito.", ang naiinis na nasasabi ni Rita habang nagkukuwenta.

Sa gitna ng tila nakakainis na pagkukuwentang ito ni Rita ay bigla siyang nagulat nang may biglang may kung sinong kumalabit sa kanya. Nang lumingon siya upang tignan kung sino ang kumalabit sa kanya ay labis siyang nagulat nang mabatid niyang ito ay si Edwin na pusturang-pustura ang ayos. Nabatid ni Rita na lalo tuloy pumogi at kumisig ang nobyo sa suot nitong kulay puting long sleeve at kulay itim na slack pants. Tila ba nagmukhang Tom Cruise ang pogi at hunky niyang nobyo dahil sa porma nito.

"E-edwin...! Ano ginagawa mo dito? Hindi may dinner meeting ka pa mamayang 8:00 pm?", takang tanong ni Rita sa nobyo habang sa sarili ay nakakadama ng sobrang pagkakilig habang patuloy na nakikita kung gaano kakisig ang nobyo ngayon.

"Kinansela ko na!", nakangiting tugon ni Edwin.

"Hah! Bakit?! Hindi ba importante iyon?! Hindi ba 'yun ang biggest client niyo?!", ang gulat na gulat at halos hindi makapaniwalang tanong ni Rita kay Edwin.

Bigla naman ay nakangiting yumakap si Edwin sa nobya.

"Gusto lang kasi kitang makasama at maka-date ngayong gabi. Puwede ka ba ngayon?", ang tila paglalambing ni Edwin sa nobya.

"Atsus! Ano naman bang bola yan?! Ano ba nakain mo at naggaganyan ka ha?!", pabirong kantiyaw naman ni Rita sa nobyo.

At bigla ay tumitig ng seryoso at makahulugang titig si Edwin sa nobya.

"Pero seryoso talaga ako! Gusto talaga kitang makasama ngayong gabi!", si Edwin na  punung-puno ng sinseridad ang mga mata habang nagsasalita.

Sa hindi naman maunwaang bagay ay biglang nakadama ng matinding pagkaantig si Rita sa mga sinabing ito ni Edwin. Bigla ay niyakap niya ng mahigpit ang nobyo na tila ba dinadama niya ang init ng pagmamahal nito sa kanya.

"Edwin...", si Rita na tila antig na antig kay Edwin.

"Rita...", si Edwin na punung-puno ng pagmamahal ang puso para sa nobya.

Matapos ang maromantiko at madramang eksena sa pagitan ng magkasintahan ay biglang may naisipang itanong si Rita kay Edwin.

"E saan naman tayo magde-date?", bigla ay tanong ni Rita kay Edwin.

"Saan ba ang pinakagusto mong lugar na maka-date ang taong mahal mo?", ganting tanong naman sa kasintahan ng ngingiti-ngiti pang si Edwin.

A True LoveWhere stories live. Discover now