Chapter 10:

66 3 1
                                    

Nang ikaapat na taon nilang magkasintahan ay sumagi na sa isip ni Zidus ang salitang "Kasal". Hindi niya alam kung sumasagi na rin sa isipan ng nobya ang ganito, pero para sa kanya ay tila napapanahon na ang bagay na ito sa relasyon nilang tila habang tumatagal ay lalong nagiging matamis. Naisip niya na isa sa mga araw na paparating ay magpo-propose na siya sa nobya. Paulit-ulit niya pa ngang iniisip kung paano siya magpo-propose dito. Sa isip niya ay dapat maging espesyal ang napakaimportanteng sandaling ito sa kanilang relasyon. 'Yung tipong hindi nila pareho malilimutan habang nabubuhay sila. 'Yung tipong sa tuwing maaalala nila ang sandaling ito ay mapapangiti sila at kikiligin. Sa pag-iisip ni Zidus kung paano gagawing napakaespesyal ang sandali ng pagpo-propose niya kay Rita ay bigla niyang naalala ang minsang naikuwento sa kanya ng nobya. Minsan kasing nasabi ni Rita sa kanya na ang gusto nitong venue ng marriage proposal ay sa simbahan. Gusto daw nitong maging napakasagrado ng pagpo-propose dito ng minamahal nitong lalaki. Dahil sa naalala ay tila nagkaroon ng ideya si Zidus sa gagawing pagpopropose kay Rita.

Ang plano ni Zidus ay aayain niya ang nobya sa simbahan isang tanghali upang dito ay mag-propose. Sa pagdating ng araw na iyon ay areglado na at nakaposte na ang lahat ng madadatnan nila sa simbahan. May mga choir at orchestra dito na magsisilbing background ng gagawin niyang pagpo-propose. Ang kantang "Ikaw" na paboritong kanta ni Rita ang kakantahin ng choir at tutugtugin ng orchestra sa sandali ng pagpo-propose sa nobya ni Zidus. Nakahanda na rin ang sari-saring mga floral decorationg sa buong paligid ng simbahan na unti-unting magbubukahan habang sila ay papalapit sa altar kung saan gagawin ni Zidus ang pagpo-propose sa nobya. Naiisip palang ito ni Zidus ay kinikilig na siya at labis na naliligayahan. Sa isipan niya ay tiyak na magmimistulang isang eksena sa romantic film ang tagpong ito.

Ilang linggo ding pinaghandaan ni Zidus ang nakatakdang araw ng pagpo-propose niya. Sa bawat araw na lumilipas ay tila labis siyang nae-excite. Na tila ba sa pakiwari niya ay parang napakatagal ng paglipas ng bawat oras. Na parang ang ilang linggo ay ilang daang taong paghihintay ng isang tunay na nagmamahal. At isang Sabado nga matapos ang may ilang linggong paghahanda ay dumating din ang pinakahihintay na araw ni Zidus na para sa kanya ay "The moment of TRUTH!"

Mahangin ang hapon ng Sabadong iyon ng gagawing pagpo-propose ni Zidus kay Rita. Nakahanda na ang lahat sa simbahan pagdating nila katulad ng kanyang plano. Tulad ng pangarap ni Rita na pagkakasalan nitong simbahan kapag ito ay ikinasal ay sa Antipolo Cathedral niya dinala ang nobya upang mag-propose. Katulad ng nasa plano ay biglang nagbukahan ang mga magagarang floral decoration sa simbahan habang sila ay papalapit sa altar. Nang makalapit na sila sa altar ay biglang may tumugtog na orchestra at nagsimulang kumunta ang mga choir ng kantang "Ikaw" na paboritong kanta ni Rita.

"Zidus...! What's this...???", ang gulat na gulat na tanong ni Rita sa nobyo.

Sa isipan ni Zidus ay eto na ang sandali. Dahan-dahan ay kinuha niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang itinatago niyang na naglalaman ng 24k diamond na Engagement Ring. Pero nang ganap na niyang makuha ang kahon ng wedding ring mula sa bulsa ng pantalon niya ay nangyari ang hindi inaasahan... Mula sa kung saan ay bigla na lamang sumulpot ang dating nobyo ni Rita na si Edwin na may katagalang panahon ding hindi nagpakita dito.

"E-edwin...!!!", ang gulat na gulat pang nasabi ni Rita matapos makita ang dating nobyo.

Si Edwin din ay puno ng pagkagulat matapos makita ang dating nobya.

"R-ita...! A-no ginagawa mo dito...???", gulat na tanong ni Edwin sa dating nobya.

Naiinis ay napatingin si Rita sa nobyong si Zidus.

"Kaya mo ba 'ko dinala dito para ipakita sa akin ang gagong ito, ha?! Well! Thank you! You really surprise me!!!", ang galit na galit na baling ni Rita sa nobyo.

Inis na inis ay nagtatakbo si Rita palayo sa simbahan. Si Zidus naman ay naiwang napapatanga na tila hindi mapaniwalaan na sa ganito mauuwi ang plano niyang napakaespesyal na wedding proposal para sa nobya. Si Edwin naman ay naiwan ding napapatanga at tila ba litong-lito sa mga nangyayari. Ang tanging pakay lamang niya kasi sa pagpunta sa simbahan ay upang magdasal katulad ng nakaugalian na niyang gawin mula nung malaman niyang tila bilang na ang araw niya. Pero sa pagpunta niya sa simbahan ng Sabadong ito ay hindi niya inaashang muli niyang makikita dito ang dating nobyang tila matagal na niyang ibinaon sa limot.

Sa pagtakbo ni Rita palayo sa simbahan ay napunta siya sa isang liblib na lugar. Doon ay umiyak siya ng umiyak.

"Okay na ang lahat! Masaya na uli ako! Nagagawa ko na uling ngumiti! Nagmamahal na uli ako! Pero bakit kailangang muli kaming magkatagpo?! Bakit kailangang makita ko pa siyang muli?! At ngayon ay eto... Bumalik na muli ang lahat-lahat ng mga sakit na matagal na panahon nang nabaon sa pagkalimot sa kaibuturan ng puso ko...! Bakit kailangang mangyari ang ganito?! Bakit...???"

At patuloy na nag-iiyak ng nag-iiyak si Rita habang dinadama ang muling pagbalik ng akala niya'y napawi nang mga sakit sa dibdib niya. Para bang sa pakiwari niya ay muli na namang nanariwa ang mga sugat sa puso niya na inakala niya dating mga peklat na lamang mula sa nakaraan...

A True LoveWhere stories live. Discover now