Chapter 9:

77 3 0
                                    

Masasabi ni Rita na pinakamasayang yugto na yata ng buhay niya ang pagiging magkasintahan nila ni Zidus. Ito ay dahil napaka-genleman at napakasarap kasama ni Zidus. Sa halos buong pagsasama nila ay lagi silang may napagkukuwentuhan at kapwa sila natatawa kahit sa mga walang kuwentang bagay lang. Sa buong panahon din ng pagsasama nila ay napakamapag-alaga sa kanya ng nobyong si Zidus. Kahit minsan ay tila hindi siya hinahayaang mapagod nito. Kapag napapansin nito na siya ay nakakaramdam na ng pagod kapag sila ay naglalakad ay agad siya nitong binubuhat kahit na gaano pa siya kabigat dala ng minsan ay sobrang dami ng nakain nila. Kahit minsan din ay hindi siya nito pinag-aantay sa lahat ng mga date nila. Palagi na lang ay mas maaga ito ng dalawang oras upang masiguradong hindi niya ito mauunahan sa lugar na pagkikitaan nila. Palagi din ay pinaghihimay pa siya nito ng pagkain kapag may buto o may tinik ang pagkaing kinakain nila. Tila lahat din ng paborito niyang bagay, gamit, o pagkain ay ibinibigay nito sa kanya ng walang pagdadalawang-isip kahit na gaano pa kamahal ang mga ito o di kaya ay sadyang mahirap makuha. Tila ba sa pakiwari niya ay halos perpektong nobyo na si Zidus na siyang papangarapin ng sinumang babaeng gustong makaranas na magmahal, pero anong suwerte niya dahil siya ang minamahal ng perpektong nobyong ito.

Si Zidus naman ay labis na nagulat sa laki ng kanyang ipinagbago. Di niya lubusang maisip kung paanong mula sa pagiging makasarili ay naging isa siyang taong tila gagawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Tila ba sa bawat sandali ay gusto niyang ipakita at ipadama sa nobyang si Rita kung gaano niya ito kamahal. Tila ba kung posible lang ay gusto niyang maging perpektong nobyo para sa nobya. Tila ba kung puwede lang mangyari ay nais niyang protektahan ang nobya sa bawat kalungkutang dito ay paparating. Na hindi na niya aalisin pa ang mga ngiti nito sa labi. Tila ba ang naging bago niyang misyon sa buhay maliban sa mahalin ng labis ang sarili ay ang laging paligayahin at pangitiin ang nobya kahit pa sa mga maliliit lang at walang kuwentang mga bagay na makakapagpasaya dito. Sa isip niya ay totoo marahil ang kasabihan na ang taong natutong magmahal sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinibigay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.

Sa halos perpektong relasyong meron ang magkasintahan ay tila wala na silang mahihiling pa kundi sana ay huwag nang matapos pa ang napakagandang bagay na ito na pinagsasaluhan nila. Na sana ay manatili na lang silang ganito kapamapagmahal sa isa't isa kahit na tumatanda na silang hukluban. Para bang ang relasyon nila ay isang bagay na ite-treasure nila pareho sa habang panahon. Isang araw ay dumating ang relasyon nila sa napakainit na sandali. Nasa condo unit sila ni Zidus noon at masuyong naghahalikan. Tila ba ipinapadama nila sa isa't isa ang init ng kanilang pagmamahal. Sa gitna ng sandaling ito ay labis na nagulat si Zidus nang biglang magtanggal ng saplot sa harap niya si Rita.

"Rita???", ang gulat na gulat na natanong ni Zidus kay Rita.

"Touch me, Zidus... I want you to touch me...", si Rita na tila horny na.

Pero napapailing na nagsalita si Zidus.

"Mali ito, Rita... Di pa tayo kasal...", si Zidus na tila nag-aalangan sa gustong mangyari ni Rita.

"Pero di na 'ko birhen, Zidus. Kaya okay lang. And besides, I really love you. So please touch me...", si Rita na tila horny na talaga.

Pero muli ay napapailing na nagsalita si Zidus.

"Pero mali parin, Rita... Hindi ito ang habol ko sa iyo. May tamang panahon para dito. 'Yun ay sa gabi ng ating honeymoon. Hindi ba mas masarap na gawin iyon ng dalawang taong nagmamahalan kapag may basbas na sila ng Diyos? Hindi mas masarap sa gabi ng ating kasal ay puno tayo ng pananabik habang ginagawa ang bagay na iyon? Na mistula tayong mga bata na noon palang nagsisimulang matutong magsalita at mamulat sa mundo... I love you, Rita... At wala akong gagawin na ikakadumi ng ating relasyon. Because I see you as a white cloth. So white that no one can paint it red but love...", paliwanag at tila pangangaral ni Zidus kay Rita.

Parang labis namang naantig si Rita sa sinabing ito ni Zidus. Siya ay biglang napaluha at napayakap ng anong higpit sa nobyo.

"O Zidus...! You're really a perfect lover! I don't know what goodness I have done for God to give me someone like you...! I love you, Zidus...", si Rita na puno ng kaantigan ang puso.

"I love you too, Rita... I love you more than anything in this world..."

At muli ay naghalikan ang magkasintahan ng anong suyo. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na paghahalikan na dala ng mainit at maalab na damdamin kundi ng sobra-sobra at tila puro at sagradong pag-ibig...

A True LoveWhere stories live. Discover now