Chapter 7:

71 2 0
                                    

Mula nga nung magkilala sina Zidus at Rita ay hindi na humiwalay pa ang huli sa una. Madalas ay dumadalaw si Zidus sa bahay nila Rita upang umakyat ng ligaw sa dalaga. May dala-dala pa nga siyang bulaklak at tsokolate tuwing dadalaw siya kila Rita. Isang tipikal at gasgas na gasgas nang gawain ng mga manliligaw pero tila epektib parin sa paningin ni Rita na tila labis na naliligayahan sa ginagawang ito ni Zidus. Sa hindi maintindihang bagay ni Rita ay tila ba magaan ang loob niya kay Zidus kumpara sa mga ibang lumiligaw sa kanya at sa mga ibang inirereto sa kanya ng kanyang Ate Dianne. Tila ba para sa kanya ay may kung anong kakaiba sa binatang ito na hindi niya maipaliwanag. Totoong napakaguwapong lalaki ni Zidus at isang pamosong modelo sa mga beauty products, pero bukod sa mga katangiang ito ni Zidus ay tila may kakaibang nakikita si Rita sa lalaking ito na hindi niya maipaliwanag. Para bang may malaking misteryo kay Zidus na labis na nagpapagalak sa kanya at nagpapalukso sa puso niya tuiwng ito ay makikita niya.

Si Zidus din ay hindi lubusang maunawaan kung bakit nga ba parang biglang-bigla ay nahulog siya ng ganun kay Rita. Tila ba sa pakiwari niya ay may kung anong kakaiba kay Rita na hindi niya nakita sa mga babaeng inirereto sa kanya dati. Tila ba sa unang

na nagkakilala sila ay nahulog na kaagad ang loob niya dito at nabihag na ng dalagang ito ang dati ay makasarili niyang puso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ba halos araw-araw ay pumunta siya sa bahay nila Rita at may dala-dala pang bulaklak at tsokolate. Dati-rati ay baduy na baduy para sa kanya ang ganitong gawain, pero ngayon ay tila may kung anong nagtutulak sa kanya para gawin ang ganito. Tila ba sa pakiramdam niya ay hindi magiging kumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakapunta kila Rita at hindi niya ito nabigyan ng bulaklak at tsokolate. Para bang ang ganitong gawain ay naging ritwal na at naging kasama na sa pang araw-araw na takbo ng buhay niya. Hindi niya alam pero sa isang araw na hindi niya makita si Rita ay tila ba ang lungkot-lungkot ng pakiramdam niya na para bang may malaking nawala sa buhay niya. Nung una ay hindi niya maamin sa sarili niya na siya nga ay umiibig na. Pero sa katagalan ay natanggap niya rin ito.

Isang araw ay naisipang kausapin ni Zidus ang kaibigang si David tungkol sa nararamdaman niya para kay Rita.

"Pare, matanong kita. Ano bang bagay ang makakapagpasaya kay Rita?", bigla ay natanong ni Zidus sa kaibigan nung minsang magkasama sila.

Halos masamid naman si David sa pagkabigla at tila hindi mapaniwalaan ang narinig.

"Si Rita, pare?! 'Yung kapatid ni Dianne???", ang hindi makapaniwalang tanong nni David kay Zidus.

"A-e...oo, pare... E... mukhang tinamaan ako e... Di ko nga alam kung ano gagawin ko para mapasagot ko siya e. Di naman kasi ako natutong manligaw kahit minsan e.", ang nahihiyang pag-amin ni Zidus kay David.

"Wow! Wow! Wow! It's miracle! Ladies and gentlemen! It's a big miracle! Si Benzilidus Policarpio na pinakamakasariling tao sa mundo ay umiibig na ngayon! Walanghiya! E si Rita lang pala ang makakapagpabago sa makasarili mong puso e!", ang di makapaniwalang kantiyaw at sigaw ni David kay Zidus.

"E... Tinamaan e... Hehehe...", ang nahihiya-hiya pang sabi ni Zidus kay David.

"Don't worry, pare! Ako bahala sa iyo! Tutulungan kita kay Rita!", masayang sabi ni David kay Zidus.

"Sabi mo 'yan ha! Ilalakad mo 'ko kay Rita ha!", pagkumpirmang tanong ni Zidus sa kaibigan.

"Uu! Gusto mo itakbo pa kita e!", nakatawa namang tugon ni David kay Zidus.

"Loko!"

"Uy! In love na siya! Uy! Uy!"

At masayang nagharutan ang magkaibigan na parang mga bata.

Samantala, nang mga sandaling ito ay kasalukuyang kausap ni Rita ang ateng si Dianne habang sila ay nasa isang coffee shop sa may Greenhills.

"Ate, ano ang tingin mo kay Zidus?", bigla ay natanong ni Rita sa ate.

"Kay Zidus? 'Yung kaibigan ni David???", gulat na tanong ni Dianne sa kapatid.

"Oo, ate! 'Yung madalas dumalaw-dalaw dito.", pagkumpirma ni Rita sa ate.

"Aba at dumadalaw pala dito si Zidus! Hmm... Bago 'yun ha! In fairness, cute siya at malakas ang appeal! Type mo ano?!", ang tila kantiyaw ni Dianne sa kapatid.

"A-e... Oo... Siguro... Ewan ko... Basta ang alam ko masaya ako kapag nakikita ko siya. Kapag dumadalaw siya sa akin at may dalang bulaklak at tsokolate. Kapag ngumingiti siya ng napakatamis. Kapag tinititigan niya ng mga mapupungay niyang mata ang mga mata ko ng buong sinseridad. Kapag pinipisil-pisil niya ang mga palad ko na para bang ito ay pinaglalaruan niya. Kapag inaalalayan niya ako sa bawat kilos ko na para bang ako ay isang babasaging kristal na dapat laging ingatan. He's so cute! He's so sweet! He's so lovely! Ay... Ewan ko ba... Basta ganun...", paliwanag at pagkukuwento ni Rita sa ate.

"If you feel that you really like him then go for it! You deserve to be happy and in love again, sis!", ang tila paghihikayat ni Dianne sa kapatid na sumubok magmahal uli.

"Ewan ko, ate... Pero parang natatakot na 'kong magmahal uli... Para bang na-phobia na 'ko sa ginawa sa akin ni Edwin!", si Rita na tila nagdadalawang-isip pa na sumubok magmahal uli.

"Come on, sis! Forget about it! It's the past already! Hindi naman lahat ng lalaki katulad ng gagong Edwin na 'yan e! Give yourself a chance to be happy again! You deserve it!", si Dianne na patuloy na hinihikayat ang kapatid na muling magmahal.

"Sana nga, ate! Sana nga ay malimutan ko na si Edwin! Para magawa kong papasukin sa puso ko ang kumakatok na damdamin ko para kay Zidus..."

Sandaling natahimik ang magkapatid at kapwa sila napatingin sa kawalan...

A True LoveWhere stories live. Discover now