Chapter 13:

54 2 0
                                    

Ilang araw pa ang lumipas ay tila mas lalo pang naging gulung-gulo ang isipan ni Rita. Tila ba hindi na mawala pa sa puso't isipan niya ang dating nobyong si Edwin. Tila ba paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sandali ng muli nilang pagkikita nito. Tila ba paulit-ulit na kumakabog sa kaibuturan ng puso niya ang damdamin niya para sa dating nobyo na muli na namang nagising mula sa matagal na pagkakahimlay. Patuloy na ginugulo si Rita ng damdamin niya para kay Edwin kaya isang araw ay tila hindi na niya nakayanan pang mapigilan ang damdaming ito. At isang Sabado ng hapon ay nakita na lamang niya ang sarili niya na papunta sa Antipolo Cathedral kung saan niya muling nakita ang dating nobyo.

Pagdating niya sa naturang simbahan ay nadatnan niya ang dating nobyong si Edwin na nagdadasal sa may harapan ng altar. Taimtim na taimtim ang pagdarasal nito at tila naluluha pa. Parang labis namang nalungkot si Rita matapos makita sa ganitong ayos ang dating nobyo. Lalo niyang nabatid na may pagtingin parin talaga siya sa dating nobyo. Isang pagtingin na hindi kayang patayin kahit pa ng paglipas ng maraming panahon at kahit ng pinakamatinding galit at pagkamuhi. Nang matapos sa tila napakataimtim na pagdarasal ni Edwin ay pinahid pa niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya at siya ay napabuntung-hininga ng malalim. Tapos ay tumayo siya at tumalikod na sa altar. Sa pagtalikod niya sa altar at sa pagbaling sa may palabas ng simbahan ay labis siyang nagulat nang makita niya si Rita na nakatitig sa kanya at lumuluha.

"R-rita... A-anong ginagawa mo..."

"Bakit, Edwin...?! Bakit mo 'ko nakuhang iwanan at saktan ng labis?! Gamit lang ba talaga na pagkatapos pagsawaan ay ibabasura na ang tingin mo sa akin?! Ganon lang ba, Edwin?! Ganon lang ba talaga ako sa iyo?!"

Sandali ay napatingala si Edwin na tila nagpipigil ng napipintong pagtulo ng kanyang mga luha. Tapos ay muli siyang napabuntung-hininga.

"Tulad ng sinabi ko sa iyo noog maghiwalay tayo, Rita! Ako ay isang babaerong walang puso! Kaya OO! Ganon lang ang tingin ko sa iyo! Isang gamit! Isang gamit na dapat ko nang ibasura matapos kong pagsawaan! Ginamit lang kita, Rita! Pinagsawaan! At ngayong sawa na 'ko sa iyo ay wala ka nang halaga pa sa akin! Kaya lumayas ka na sa harap ko at huwag ka nang magpapakita pa sa akin kahit na kailan!"

Nangangalit ay sinampal ng napakalakas at napakalutong ni Rita ang dating nobyo.

"Napakahayop mo talaga! Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-aksaya ng pagpunta dito! Hindi ko alam kung bakit ako patuloy na nagpapakatanga sa iyo gayung meron namang isang taong tunay na nagmamahal sa akin! Pero ngayon ay nagising na 'ko sa katotohanan! Ngayon ay alam ko na isang malaking katangahan lang ang mahalin ka at magpakabaliw sa iyo! Dahil ang isang katulad mo ay hindi dapat mahalin at pahalagahan ng kahit sino! Paalam na, Edwin! And this time it's for good!"

Pagkasabi ni Rita nito ay nangangalit siyang umirap at naglakad palayo sa dating nobyo. Si Edwin naman ay lungkot na lungkot at walang patid ang pagluha habang pinagmamasdan ang unti-unting paglalakad palayo sa kanya ng dating nobya. Tunay ngang labis siyang nalungkot nung dating masaksihan niya ang ganitong eksena na napapanood niya ang unti-unting paglayo sa kanya ng kanyang pinakamamahal pero wala siyang anumang magawa. Pero tila mas matindi ang lungkot at sakit na nadarama niya ngayon habang muling nasasaksihan ang eksenang ito. Ang eksena na unti-unti na namang lumalayo sa kanya ang kanyang pinakamamahal pero wala na naman siyang anumang magawa para mapigil ito sa paglayo sa kanya. Siguro dahil sa pagkakataong ito ay batid niyang marahil ay ito na ang huli nilang pagkikita. Na ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ang kanyang pinakamamahal. Bigla ay nakadama siya ng paninikip ng dibdib habang nadarama ang napakatinding sakit at pagdurusa. Para bang ang pakiramdam niya ay pinipiga ng matindi ang puso niya at unti-unting nauubos ang paghinga niya. Bigla rin ay nanlabo ang paningin niya at naging malabo sa paningin niya ang papalayong si Rita.

"R-ita...", ang sabi pa ni Edwin habang pilit inaabot ng mga kamay niya ang papalayong si Rita sa tila papatapos na niyang sandali.

Bigla ay nabulabog ang lahat sa simbahan matapos masaksihan ang pagkawala ng malay ni Edwin. Nagsigawan pa nga ang iba at mabilis na tumakbo palapit sa walang malay na si Edwin.

"Ay! 'Yung mama! Hinimatay!", sigawan ng mga tao sa simbahan matapos masaksihan ang pagkawala ng malay ni Edwin.

Dahil dito ay biglang napalingon ang papalabas na sana sa simbahan na si Rita at siya ay labis na nagulat matapos makita ang dating nobyo sa halos patay na nitong kalagayan.

"Edwin..."

Patakbo ay nagtungo siya sa kinalalagyan ng dating nobyo at anong higpit niya itong niyakap.

"Edwin... Edwin..."

Mula sa Antipolo Cathedral kung saan nawalan ng malay si Edwin ay dinala siya sa Medical City sa may Ortigas. Dahil tila malala ang lagay niya ay sa ICU room sa naturang ospital siya inilagay. Sa loob ng ICU room ay makikita si Rita na kausap ang isa sa mga doktor sa naturang ospital.

"Sa tingin ko ay hindi na siya magtatagal, hija. Malalang-malala na ang kundisyon ng puso niya. Tila hindi na nito kaya pang mag-function. The only miracle that can save him is if we ever find some heart donor that will replace his malfunction heart. But as of now, we still don't have a potential donor and we are really running out of time.", malungkot at tila nag-aalalang pahayag ng doktor kay Rita.

Nang makaalis ang doktor ay lungkot na lungkot at walang patid ang pag-iyak na hinaplos-haplos ni Rita ang poging mukha ng dating nobyo.

"Bakit, Edwin...??? Bakit mo inilihim sa akin ang kalagayan mo? Bakit hindi mo 'ko hinayaan na damayan ka at tulungan ka sa suliraning kinakaharap mo? Alam mo ba na kung kaya ko lang ay ibibigay ko sa iyo maging ang sarili kong puso para mabuhay ka lang. Kasi... Mahal na mahal parin kita, Edwin! Mahal na mahal parin kita...", ang naluluhang sabi ni Rita habang hinahaplos-haplos ang mukha ni Edwin.

At malungkot na malungkot ay niyakap ng mahigpit na mahigpit ni Rita ang halos naghihingalo nang si Edwin. Tila ba pilit niyang dinadama ang bawat kabuuan ng dating nobyo sa tila mga huling sandali na maari niya itong mayakap at madama. Lingid naman sa kaalaman ni Rita, habang ipinapadama niya sa dating nobyo ang labis-labis niyang pagmamahal dito ay lihim pala siyang pinagmamasdan ng nobyo niyang si Zidus. Makikita ang labis-labis na pagluha ni Zidus habang nakikita siya na tila nasa kandungan ng ibang lalaki...

A True LoveWhere stories live. Discover now