Chapter 1:

230 3 0
                                    

Sina Edwin at Rita ay may limang taon na ring magkasintahan. Sa limang taon nilang relasyon ay masasabing hindi naging madali ang kanilang mga pinagdaanan. Hindi na nila mabilang kung ilang beses silang nag-away at nagkatampuhan sa limang taong ito. Kadalasan ay si Edwin ang may kasalanan. Ito ay dahil sa ilang beses nang lihim na pakikipag-ugnay ni Edwin sa kung sinu-sinong mga babae.

Ang iba ay mga one night stand lang at ang iba ay relasyon din talaga na tumagal ng may ilang buwan din. Di kataka-taka ang ganito dahil si Edwin ay may itsura at may katawan. Tipong modelong hunk ang dating at tindig niya kung kaya naman maraming babae ang nabibighani sa kanya. Si Rita naman ay maganda rin at seksi. Pero siya ay may pagka-sinaunang babae na lagi lamang nasa bahay at hindi mahilig sa mga paggimik-gimik. Bagay na marahil ay kinaiinisan sa kanya ni Edwin na tila ang paggimik at ang paglabas-labas ang buhay. Pero ang isang bagay na labis na kinaliligayahan ni Edwin sa nobya ay pagiging martir nito na tila ba kahit na ilang beses pa siya magkamali ay patuloy parin siya nitong pinapatawad.

Isang Sabado ay nahuli naman ni Rita ang nobyong si Edwin sa isang pamosong motel sa Cubao. Kinatok niya ng kinatok ang kuwarto kung saan nag-check in si Edwin at ang kinakalantari nitong babae. Nang buksan ni Edwin ang pinto ay naka-brief lang siya at sa likuran niya ay naroon ang hubad na babae na tanging ang puting kumot lamang ang nakatabing sa buong katawan. Halos manlumo si Rita sa nakita at sa galit niya ay nasampal niya ng anong lakas at anong lutong si Edwin.

"Hayop ka! Hayop ka! Hayop ka!", ang paulit-ulit na sigaw ni Rita habang pinagsasasampal si Edwin.

"Rita, let me explain! Please!", ang pagmamakaawang sabi naman ni Edwin habang siya ay pinagsasasampal ni Rita.

Nang mapagod na si Rita sa pagsampal sa nobyo ay nagtatakbo siya palayo dito. Si Edwin naman ay pilit tinawag ang nobya.

"Rita! Rita! Rita!!!", pasigaw na pagtawag ni Edwin sa nobya.

Normal na ang eksenang ito sa limang taong relasyon ng magkasintahan. Palagi na lamang na nahuhuli ni Rita ang nobyong si Edwin sa kandungan ng ibang babae. Magagalit ng husto si Rita at isusumpa ang nobyo na tila ba sila ay hindi na magkakabati pa't magkakabalikan. Pero pagkaraan lamang ng isang araw ay makikita si Edwin sa may kuwarto ni Rita. Nakaluhod sa harapan ng nobya habang may dalang bulaklak na tila ba isang manliligaw na desperadong mapasagot ang kanyang pinakamamahal na babae. Hindi maintindihan ni Rita, pero kapag nagmakaawa na sa kanya ang nobyo, kapag nakita na niya ang mala-tuta nitong mga mata habang nagmamakaawa at kapag narinig na niya ang mga mala-fairytale na pangako nito ng tunay na pag-ibig ay agad niya itong patatawarin and the next thing she knows ay bati na naman sila na para bang hindi niya nakita kagabi ang nobyo sa kandungan ng ibang babae.

Matapos ang eksena sa motel ay naisipan ni Edwin na uminom muna sa paborito niyong puntaha na bar upang mag-relax. Habang umiinom ay tila binubuo na niya sa kanyang isipan ang mga sasabihin niya kinabukasan kapag humingi na siya ng tawad sa nobya. Kahit ano at kahit paano niya sabihin ang sasabihin ay tila confident siya na muli siyang patatawarin ng nobya. Maraming beses na niya itong napatunayan at tila sa limang taon nilang relasyon ay huling-huli na niya ang mga kiliti at kahinaan ni Rita. Ang nangyari kanina ay isa lamang sa mga normal nang pag-aaway nila bilang magkasintahan.

"It will pass!", nakangiti pang nasasabi ni Edwin habang umiinom ng scotch.

Sa gitna ng pag-inom ni Edwin ay bigla siyang may nakatabing isang lalaking tila balisang-balisa at pagkalungkot-lungkot.

"Do you mind if I join you?", tanong pa ng lalaki sa kanya.

"Sure. Feel free. Problema sa syota?", usisa naman ni Edwin sa lalaki.

"It's more than that! Alam mo ba 'yung feeling na kung kailan mo nakita kung gaano kahalaga sa iyo ang isang tao ay saka naman siya biglang mawawala sa iyo? It's so heartbreaking that you just wanted to die.", ang lalaki na tila balisang-balisa talaga.

"Kuh! Babalik din iyon, pare! Believe me! Girls! They're just too emotional and said words they didn't mean to that make it seems that they will totally leave you. But give them a day or two and they will find themselves in our arms again. Konting suyo lang 'yan, pare. Alam mo naman ang mga babae! Ang gusto nila ay iyong sinusuyo sila. Believe me, pare. She will be backed before you know it.", ang tila pagpapayo ni Edwin sa balisang lalaki.

"Hindi mo naiintindihan, pare. Kahit na ano pa na gawin ko ay hindi na siya babalik kahit na kailan dahil patay na siya! Patay na siya, pare! Alam mo kung ano ang masakit?! Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal! Ngayon na wala na siya! Dating nandito pa siya wala akong ginawa kundi ang lokohin siya at saktan! Ipagpalit sa kung kani-kaninong babae! Pagkamukhang tanga! Pagmukhaing bobo! Pero patuloy parin siyang bumabalik-balik sa akin! Patuloy parin niya 'kong minamahal! Pinapatawad kahit na ilang beses pang magkamali! Kahit na ilang beses ko pa siyang masaktan! Kahit na ilang beses ko pa siyang lokohin at gaguhin! Inisip ko na hindi naman siya mawawala e! Na patuloy naman siyang magiging tanga, hibang at martir para sa akin! Pero kahapon lang, pare! Kahapon lang ay nahuli na naman niya akong nasa kandungan ng ibang babae sa mismong bahay pa namin! Galit na galit siya sa akin, pare! Nagtatatakbo siya at nagmumumura! Pinilit ko siyang habulin! Magpaliwanag sa kanya! Humingi ng tawad for nth time! Pero sa pagtakbo niya palayo sa akin ay nasagasaan siya ng 10-wheeler truck! And that's it, pare! Sa ganon lang natapos ang lahat! And now! And now...! She's gone..!", ang tila pahagulhol na pagkukuwento ng lalaki na pagkatapos ng mala-MMK na pagkukuwento ay napalupasay pa sa lupa na parang isang batang nagmamaktol.

Halos mawindang si Edwin sa nakita. Hindi niya maunawaan pero parang nakikita niya ang sarili niya sa lalaki. Tila ba sa pakiwari niya ay siya ang humahagulhol at naglulupasay sa sahig at ito ay dahil sa nobya niyang si Rita. At bigla na lamang ay tumulo ang mga luha niya ng hindi niya namamalayan.

"Rita..."

A True LoveWhere stories live. Discover now