Chapter 15:

56 2 0
                                    

Kinaumagahan, labis na nagulat si Rita nang makita niya ang biglang pagdating ng nobyong si Zidus sa ICU room kung saan niya buong tiyagang binabantayan ang halos naghihingalo nang si Edwin.

"Z-idus...!", gulat na wika ni Rita matapos makita ang nobyo.

Nakangiti ay nagsalita si Zidus na para bang hindi apektado kahit na nakita ang nobya na labis na inaalala at pinapahalagahan ang dati nitong nobyo.

"Maari ba kitang ayaing mag-date?", kaswal na tanong ni Zidus sa nobya.

"Ngayon na?!", gulat na ganting tanong ni Rita sa nobya.

"Oo sana...", mahinang tugon ni Zidus na tila nag-aalangan sa magiging sagot na pasya ng nobya.

"Pero kasi Zidus--....", si Rita na tila nag-aalangan sa pag-aaya ng kanyang nobyo na sila ay mag-date.

Bigla naman ay hinawakan ni Zidus ang kamay ng nobya at ito ay agad niyang hinila palabas sa ICU room.

"Zidus...????"

"Promise, Rita. Ibabalik din kita agad!", nakangiting sabi ni Zidus sa nobya sabay kindat dito.

"Ibabalik din kita agad sa kanya..."

Mula sa Medical City ay nagtungo ang magkasintahan sa Luneta kung saan ay isa sa mga pinakapaboritong lugar ni Rita at kung saan sila huling nag-date ng dating nobyong si Edwin. Labis pa ngang nagtaka si Rita nang mabatid na dito pala sa lugar na ito sila pupunta.

"Zidus...???"

"Ang ganda ng araw ngayon. Ang sarap sigurong mamasyal at mag-picnic dito. Tara, Rita! Maglaro tayo dito na parang mga bata! Taya! Habulin mo 'ko!", si Zidus na umaarteng parang isang bata habang hinihikayat si Rita na sila ay maghabulan at maglaro sa naturang lugar.

Dala ng kasiglahan ni Zidus at pagpupursige na mapasaya ang tila napakalungkot at halos walang buhay na si Rita ay naging masigla na rin siya at nagsimulang makipaghabulan at makipaglaro sa nobyo. Mistulang mga batang paslit ay nagtabuhan at naghabulan ang magkasintahan sa paligid ng Luneta. Nang mapagod na ay tumambay muna sila sa Chinese Garden at dito ay nagpicnic sila. Kapwa pa sila nakahiga habang magkaakbay sa isang madamong lugar dito. Habang nakahiga sila ay pinagmamasdan nila ang kay ganda at bughaw na bughaw na kalangitan. Labis pa silang naaaliw habang nakikta nila ang pagliliparan ng tila mga naglalarong ibon sa kalangitan.

"Masaya kaya sa langit? Sana "OO"! Para di naman ako mabato doon kapag napunta na 'ko dun. Hehehe!!!", pagbibirong sabi ni Zidus sa nobya.

"At bakit mo naman naiisip ang ganyan?! Bata ka pa ano! Matagal pa bago ka mapunta dun! Marami ka pang masasayang bagay na mararanasan dito sa buhay na ito! Marami pa tayong mararanasan na dalawa!", nakangiti namang sabi ni Rita habang hinahaplos-haplos ang guwapong mukha ni Zidus.

"Ansarap namang pakinggan nun! Tayong dalawa! Para tuloy gustong mabuhay ng magpasawalang hanggan dito sa mundo habang alam kung may isang ikaw na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin dito!", ang maromantiko namang sabi ni Zidus kay Rita.

"Zidus..."

"Rita..."

Kapwa nagtitigan ang dalawa na maya-maya lang ay nauwi na sa paghahalikan. Labis na dinadama ni Zidus ang sandaling ito na napakalapit nila sa isa't isa ng kanyang nobya. Para bang gusto niyang maalala sa buong isipan niya ang bawat bahagi ng nobya pati na rin ang mga kay tatamis nitong halik. Naluluha pa nga siya habang dinadama ang sandaling ito.

"Pagdating ko sa langit... Pag nandun na 'ko... Makikita pa kaya kita... Makakasama... Makakahalikan ng ganito..."

Nang lumamig na ang simoy ng hangin ay naisipan ng magkasintahan na muling maglaro sa paligid ng Luneta. Sa pagkakataong ito ay magkasama silang nagpalipad ng saranggola sa malaking field na Quirino Grand Stand. Habang nagpapalipad ng saranggola ay mapapansin na tila aliw na aliw sila habang pinagmamasdan ang pinapalipad nilang saranggola na nagmimistulang mga ibong nagliliwaliw sa kalangitan.

A True LoveWhere stories live. Discover now