Chapter 16:

61 2 0
                                    

Lingid sa kaalaman ni Rita, hindi totoong umalis na sa ospital si Zidus nang sila ay maghiwalay. Pinaandar lang ni Zidus ng konti ang oto paalis sa lobby ng ospital upang siya ay mag-park sa parking area. Mula sa parking area ay nagtungo siya sa isa sa mga Operation Room ng ospital. Dito ay nadatnan niya si Dr. Perez kasama ang ilang mga doktor at sa di kalayuan ay makikita si Edwin na nakaratay sa operating bed.

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo, Zidus? May panahon pa para magbago ang isip!", si Dr. Perez na umaasa paring magbabago ang isip ng kababata sa pinaplano nitong gawin.

Umiiling ay nagsalita si Zidus.

"Sigurado na 'ko, Mond. Ito talaga ang gusto kong gawin. Para kay Rita... Para sa ikaliligaya niya...", si Zidus na tila desidido na sa gagawin.

Tila labis namang nalungkot si Dr. Perez sa naging pasya ng kababata. Napatingala pa nga siya na tila pilit pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Okay. If that's your final decision.", ang nasabi na lang ni Dr. Perez sa halos basag na tono ng boses.

Sandali naman ay lumapit si Zidus sa nakaratay na si Edwin at mula sa bulsa ng pantalon niya ay kinuha niya ang kahon na naglalaman ng Engagement Ring na ibibigay niya sana sa nobyang si Rita. Naluluha at nanginginig pa ang mga kamay ay isinuot niya ito sa palasingsingang daliri ni Edwin.

"Ako naman ang hihiling sa iyo ngayon, pare... Ibigay mo ito sa kanya pag galing mo... Ibigay mo ito sa babaeng gusto nating pakasalan...", ang naluluhang bulong ni Zidus sa walang malay at halos naghihingalo nang si Edwin.

Maya-maya pa ay lumapit na si Dr. Perez kay Zidus.

"It's time!", malungkot at naluluha nang wika ni Dr. Perez sa kababata.

Agad ay humiga si Zidus sa isang operating bed na ilang daliri lang ang layo sa operating bed na kinalalagyan ni Edwin. Sa paghiga ni Zidus dito ay pinalibutan siya ni Dr. Perez at ng mga kasamahan nitong doktor. Bigla ay tinurukan ni Dr. Perez si Zidus ng ineksiyon na may lamang tila pampatulog habang siya ay naluluha pa. Nadama ni Zidus na unti-unti siyang inaantok matapos maturukan ng ineksiyon. Habang nadarama niya ang ganito ay naluluha pa siyang napatingin sa walang malay na si Edwin.

"Pakiusap, pare... Ingatan mo siya... Mahalin mo siya ng buong puso... Hangga't maari ay huwag na huwag mo siyang sasaktan at papaluhain... Ibinabalik ko na siya sa iyo... Sana ay maging maligaya kayo...", ang naluluhang pahayag ni Zidus kay Edwin habang tila papawala na ang kanyang malay.

Nang tuluyang madama ang antok ay ipinikit ni Zidus ang kanyang mga mata at habang nakapikit ang kanyang mga mata ay tila may kung ano siyang naalala. Nagbalik ang isipan niya sa eksena kung saan siya ay Grade 1 palang at halos wala pang muang sa mundo. Dahil makulit siya noon at magulo ay siya ang naisipang tawagin ng titser niyang si Mrs. Uligan nang may kung ano itong itanong sa buong klase.

"Class, do you know the meaning of True Love? How about you, Mr. Policarpio? Do you know what is True Loe?", tanong sa buong klase at kay Zidus ni Mrs. Uligan.

"A-e hindi po, ma'am e! Hindi ko po alam ang ibig sabihin ng True Love. Ni hindi ko po alam kung ano ang ibig sabihin ng LOVE.", sagot ni Zidus sa tanong ni Mrs. Uligan.

"Well, class! A True Love is when you are willing to sacrifice everything for someone very special to you. That is the meaning of the word "True Love". SACRIFICE!", pahayag ni Mrs. Uligan sa buong klase.

Natatawa lang si Zidus noon habang pinapakinggan ito. Naisip pa nga niya na weirdo at baduy ang kanilang titser dahil sa mga pinagsasabi nito. Pero sa mga sandaling ito ay tila nagkaroon ng kahulugan kay Zidus ang lesson nila noon. Ang mga sinabi ni Mrs. Uligan tungkol sa True Love na noon ay tinatawanan niya lang.

"Now I know the real meaning of A True Love... SACRIFICE! And you are my one and only True Love, Rita... I love you... I...LOVE...YOU..."

At tuluyan na ngang nawalan ng malay at ulirat si Zidus. Isang pagkawala ng malay na tila wala nang paggising pang muli...

A True LoveWhere stories live. Discover now