Chapter 8:

67 2 0
                                    

Isang gabi, labis na nagulat si Rita nang bigla siyang ayain ng Ate Dianne niya sa Luneta. Nung una ayaw pa niyang sumama, pero dahil sa pamimilit at pangungulit ay napapayag din siyang sumama ng kanyang ate. Pagdating nila sa Luneta ay labis pang nagtataka si Rita dahil tila walang katao-tao sa naturang lugar at tila madilim na madilim ang buong paligid. Labis na nagulat si Rita nang bigla na lang may lumabas na spotlight mula sa kung saan at sila ng Ate Dianne niya ay tinapatan pa nito. Sinusundan pa nga sila nito sa bawat paglalakad nila. Bagamat nawe-weirduhan sa mga nangyayari ay sumunod lang si Rita sa kanyang ate habang siya ay inaakay nito. Ilang sandali pa ng kanilang paglalakad ay nakarating sila sa Quirino Grand Stand. Madilim sa naturang lugar nang makarating sila dito, pero mula sa kung saan ay may lumabas na namang isang spotlight at inilawan ng spotlight na ito ang may kalakihang stadium sa Quirino Grand Stand. Sa pag-ilaw ng spotlight sa stadium ay lumitaw dito ang isang lalaking nakasuot ng tuxedo at may dalang bulaklak ang kanang kamay at tsokolate naman ang hawak ng kaliwang kamay nito. Nung una ay hindi maaninaw ni Rita kung sino ang lalaking ito na parang isang multong bigla na lamang sumulpot mula sa kadiliman ng lugar. Inakala pa nga niya na baka ito ang napapabalitang multo na pagala-gala sa Luneta at Intramuros tuwing gabi. Pero habang lumalapit sa kinalalagyan nila ang lalaking naiilawan ng spotlight ay tila lumilinaw sa paningin niya ang mukha nito at nang sapat na ang lapit nito upang makita niya ng maigi ang mukha nito ay labis siyang nagulat...

"Z-idus...!!!", ang gulat na gulat na nasabi ni Rita matapos mabatid na si Zidus pala ang lalaking naiilawan ng spotlight.

Nakangiti ay lumapit si Zidus kay Rita at iniabot sa dalaga ang dala niyang bulaklak at tsokolate. Masaya naman itong tinanggap at kinuha ni Rita.

"A-no ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito, Zidus?", takang tanong ni Rita sa binata.

Nakangiti ay hinawakan ni Zidus ang magkabilang balikat ni Rita at iginawi niya ang puwesto at pagkakatingin ng dalaga sa parteng malapit sa dagat.

"Tumingin ka doon sa may dagat, Rita!", nakangiti pang sabi ni Rita kay Zidus.

Tumingin naman ng maigi si Rita sa may dagat at dito ay labis siyang nagulat sa kanyang nakita. Bigla niya kasing nakita sa mga kaulapan ang salitang "I Love You, Rita". Naiilawan ito ng kulay pulang spotlight na hugis-puso pa ang hugis. Parang labis namang naantig si Rita sa nakitang ito. Hindi niya namamalayan ay napapaluha na pala siya sa tindi ng pagkaantig. Si Zidus naman ay biglang tumitig ng makahulugang titig kay Rita.

"I love you, Rita... Hindi ko alam kung paano nagsimula. Hindi ko alam kung bakit. Pero ito ang tunay kong nararamdaman para sa iyo. Mahal na mahal kita, Rita...", ang bigla ay pagpapahayag ni Zidus ng damdamin niya para kay Rita.

Parang hindi naman malaman ni Rita ang magiging reaksiyon at masasabi sa ipinahayag na ito sa kanya ni Zidus. Siya ay nakatitig lang ng matagal sa binata na para bang bigla na lamang nawala sa sariling huwisyo. Naalimpungatan lang siya nang biglang may itanong sa kanya si Zidus.

"Mahal mo rin ba 'ko, Rita? May aasahan din ba ako sa iyo?", ang bigla ay seryosong tanong ni Zidus kay Rita.

"Kasi Zidus... Kuwan... Kasi....", si Rita na hindi parin alam kung ano ang sasabihin.

Nang makita ang pagkataranta at pagkagulo sa mga mata ni Rita ay nakangiting hinaplos-haplos ni Zidus ang magandang mukha ng dalaga.

"Okay lang kung hindi ka pa makakasagot ngayon, Rita. Okay lang din kung hindi ang sagot mo. Pero sana... Sana ay huwag mo 'kong pagkaitan ng pagkakataon na mahalin kita. Na ipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Kahit na ba hindi ito masuklian. Ang gusto ko lang ay maipakita at maipadama ko sa iyo ang pag-ibig ko.", ang punung-puno ng pagmamahal at romansa na pahayag ni Zidus kay Rita.

Naluluha namang hinahaplos-haplos din ni Rita ang poging mukha ni Zidus.

"But the answer is YES! Mahal din kita, Zidus...!", ang buong romantikong pagtanggap naman ni Rita ng pag-ibig na iniaalay ni Zidus para sa kanya.

"Yes! Yes! Yes!", ang tuwang-tuwang sigaw ni Zidus habang umiikot-ikot at buhat-buhat si Rita.

Matapos ang labis na pagsasaya ni Zidus sa pagsagot sa kanya ni Rita ay nagkatitigan sila ng dalaga at nagkahalikan. At bigla na lang ay naglabasan ang mga tao sa paligid at ang mga ito ay nagpalakpakan pa habang pinapanood ang napakaromantikong eksena ng bagong magkasintahan...

A True LoveWhere stories live. Discover now