Chapter 3:

105 4 2
                                    

Sa isang magarang unit sa may Prestige Tower ang opisinang pinapasukan ni Edwin. Siya ay nagtatrabaho dito bilang Senior Architect. Malaki ang bilib sa kanya ng kumpanya dahil sa husay niyang mag-disenyo ng mga gusali at bahay. Ilang malalaking real estate company din ang hinahawakan at pinagseserbisyuhan niya. Nang Lunes ng umagang ito ay nasa kanyang magarang executive desk si Edwin

at abala sa paggawa ng blueprint ng magiging disenyo ng tila isang magarang condominium. Mapapansin na ngingiti-ngiti pa siya habang ginagawa ang blueprint. Tila ba siya ay inspiradong-inspirado.

"What a feeling! I feels like the luckiest man in the world! Mula ngayon ay magbabago na 'ko. I will love her with all honesty! I will love her until the end of eternity!", ang nabubulong pa ni Edwin habang patuloy na napapangiti.

Bigla ay napatingin si Edwin sa larawan nila ni Rita na nasa ibabaw lang ng kanyang executive desk. Lalong lumaki ang ngiti sa mga labi niya habang tinitignan ang naturang larawan. Tila ba bigla siyang naging mapangarap at pinangarap niya ang kanilang pag-iisang dibdib ng nobya. Bagay na dati ay ayaw na ayaw niyang isipin dahil hindi niya alam dati kung paano magseryoso sa isang relasyon. Pero ngayon ay tila nasasabik na siya at naaatat na makasal sa nobya. Tila ba nakakarinig pa nga siya ng mga wedding bells sa paligid kahit na napakatahimik ng lugar na kinalalagyan niya. Pero ang tila napakatamis na pangarap niya ay biglang naabala ng isang kakaibang pakiramdam. Para bang naramdaman niya na bigla na lamang nanikip ang dibdib niya. Para bang may kung anong puwersa sa loob ng puso niya ang unti-unting pumipiga dito. Palakas ng palakas ang pagpiga hanggang sa tuluyan na siyang hindi makahinga. At bago pa niya mamalayan ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

Nang muling magkamalay si Edwin ay nakita niya ang sarili niya sa isang magarang clinic ng kanilang family doctor na si Dr. Arcadio Montenegro.

"Ah, Doc! Ano po ba ang nangyari? Para po kasing bigla na lang nanikip ang dibdib ko kanina at pagkatapos ay bigla na akong nawalan ng malay. Ang akala ko nga po ay mamamatay na ko e. May sakit po ba ako? Is there something wrong with me, Doc?", ang nag-aaalalang pag-uusisa ni Edwin kay Dr. Montenegro.

Bigla naman ay napatitig ng buong lungkot si Dr. Montenegro kay Edwin.

"Kailan ka huling nagpatingin sa Cardiologist, hijo?", malungkot na natanong ni Dr. Montenegro kay Edwin.

"A-e hindi ko na po matandaan e.", si Edwin na tila hindi malinaw ang takbo ng isipan dahil sa pag-aalala at pagkalito.

Muli ay tumitig ng napakalungkot na pagtitig si Dr. Montenegro kay Edwin. Parang lalo namang kinabahan si Edwin nang makita niya ang malulungkot na mga pagtitig sa kanya ni Dr. Montenegro.

"Doc, ano po ba talaga ang problema? Ano po ba talaga ang sakit ko?", ang kinakabahan na at nababahalang tanong ni Edwin kay Dr. Montenegro.

Marahan at halos walang lakas na humawak si Dr. Montenegro sa balikat ni Edwin.

"I'm sorry to say, hijo. After a series of examination we have done to you, we have found out that you have an end-stage heart failure. There's no other cure for this illness but a heart transplant. But as of now, we cannot find yet a suitable donor for you. I don't how long we can wait or how long you could last while waiting for the right donor...", si Dr. Montenegro na napapaluha pa habang inihahayag kay Edwin ang isang napakasama at napakasaklap na balita.

Bigla naman ay napaluha si Edwin at siya ay labis na nanlumo. "So what's my chances of survival, Doc?", ang naluluhang tanong ni Edwin kay Dr. Montenegro.

At minsan pa ay tumitig ng punung-puno ng kalungkutang titig si Dr. Montenegro kay Edwin.

"Almost zero..."

A True LoveWhere stories live. Discover now