Chapter 14:

48 3 0
                                    

Nang sumunod na araw ay makikita si Zidus na nasa pamunuan ng ospital kung saan kasalukuyang naka-confined si Edwin. Dito ay kausap niya ang Head Cardiologist ng ospital na si Dr. Raymundo Perez. Lingid sa kaalaman ng marami ay may malaking pagkakautang sa pamilya ni Zidus si Dr. Perez. Noong batang paslit pa ito ay pinulot ito mula sa kalye at kinupkop ng gma magulang ni Zidus. Dahil may angking talino ay pinag-aral ito sa ibang bansa ng ama ni Zidus na si Don Aldus. At ngayon nga ay isa nang matagumpay na manggagamot at espesyalista si Dr. Perez na dati ay isa lamang batang pulubi, lahat ng ito ay dahil sa tulong at pagmamagandang loob sa kanya ng mga magulang ni Zidus. Kaya naman naipangako sa sarili ng doktor na kahit na ano pa ang hilingin sa kanya ng pamilya Policarpio ay agad niyang pagbibigyan kahit na gaano pa ito kahirap at kaimposible. Nang araw ngang ito ay tila maniningil na si Zidus kay sa Dr. Perez ng pagkakautang nito sa kanyang pamilya.

"Naloloko ka na ba?! Alam mo ba kung ano ang hinihiling mo sa akin, ha?!", gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Dr. Perez sa kababatang si Zidus.

"Pero ako lang ang tanging pag-asa niya, pare! Nung magpatingin ako sa laboratoryo ay halos 100% match ang mga puso namin. Malaki ang survival chances niya kapag ang puso ko ang ipinalit sa malfunction na niyang puso.", paliwanag ni Zidus kay Dr. Perez.

"At kapag ginawa natin iyon ay... Ikaw naman ang matitigok... Are you gone mad, pare?! Sawa ka na ba sa buhay mo?! This is bullshitness! You know?!", si Dr. Perez na hindi parin makapaniwala sa gustong mangyari ni Zidus.

"Siguro ay dahil tunay talaga akong nagmamahal. Na kaya kong ibigay ang ikaliligaya ng puso niya kahit na ang ibig sabihin pa nito ay... Kahit na ang ibig sabihin pa nito ay ang aking sariling.... KAMATAYAN...!"

"I'm sorry, pare! But I can't do this! This is against my profession! This is madness!"

Bigla naman ay tumitig ng masama si Zidus kay Dr. Perez.

"Baka nalilimutan mo na ang lahat ng mga pagkakautang mo sa pamilya ko?! Nalimutan mo na ba na kung di dahil sa mga magulang ko ay baka isa ka paring pulubi hanggang ngayon?! Kinupkop ka nila at itinuring na parang tunay na anak. Itinuring din kitang parang tunay kong kapatid. And this is just what I'm asking for. Just this!", ang tila panunumbat ni Zidus kay Dr. Perez.

Sandali ay natigilan si Dr. Perez. Hindi niya lubusang mapaniwalaan na seryoso pala talaga ang kababata sa gusto nitong mangyari. Hindi niya alam kung baliw na ba o sadyang hangal lang sa pag-ibig ang kausap. Pero nakakadama siya ng sobra-sobrang lungkot habang naiisip ang mga ganitong isipin. Naaalala niya ang mga paglalaro nila ni Zidus nung sila ay kapwa paslit pa't wala pang gaanong muang sa mundo. Sa pagkupkop sa kanya ng mga magulang ni Zidus at sa pagdating niya sa pamilya ay halos sabay na silang lumaki at ganap na nagkaisip ng kababata. Bagamat may sari-sarili na silang buhay ay nagsasama at nagkikita parin sila tuwing may family reunion at sa mga panahong ito ay dama parin nila ang tinatawag na closeness sa isa't isa. Pero ngayon  ay tila nakakadama siya ng simoy ng pamamaalam. Isang pamamaalam na kay sakit na tanggapin. Napapabuntung-hininga ay nagsalita si Dr. Perez.

"Kailan mo ito gustong isagawa?", tanong ni Dr. Perez kay Zidus.

"Sa lalong madaling panahon...", tugon ni Zidus kay Dr. Perez sabay talikod upang ikubli sa kababata ang kanyang labis-labis na pagluha. Habang lumuluha ay kinuha ni Zidus mula sa bulsa ng pantalon niya ang kahon na naglalaman ng Engagement Ring na ibibigay niya sana sa nobyang si Rita at ito ay pinagmasdan niya.

"Sa lalong madaling panahon..."

A True LoveWhere stories live. Discover now