Chapter 2:

135 2 0
                                    

Babaeng-babae ang porma at itsura ng kuwarto ni Rita. Kulay pink ang mga dingding nito na may painting pang mga maliit na pink roses sa buong paligid. Hugis-puso ang kanyang kama, kutson at mga unan niya. Sa mga estante dito ay makikita ang koleksiyon ng mga barbie dolls na tila inipon niya mula pa nung kanyang pagkabata. Katabi ng mga estante ay ang isang malaking bookshelf kung saan

ay puro mga romantic at teen novel ang mga librong nakalagay dito. At si Rita na may-ari ng kuwartong ito ay makikitang nakahiga sa kama at tila kagabi pa nagmumukmok at umiiyak.

"Ang sama-sama niya! Ang sama-sama niya talaga!", ang nasasabi pa ni Rita habang umiiyak.

Ilang sandali pa ng pag-iyak ni Rita ay bigla niyang naramdaman na tila may kung sinong humahagod sa kanyang likuran. Napakagaan ng mga kamay na ito na humahagod sa kanyang likuran. Tila ba punung-puno ng pagkalinga at sinseridad ang mga kamay na ito. Parang nakadama naman ng kapanatagan si Rita matapos madama ang paghagod ng kung kaninong kamay sa kanyang likuran. Para bang bigla na lamang napawi ang mga kalungkutang nadarama niya. Dahan-dahan ay lumingon siya upang alamin kung kaninong kamay ang humahagod sa kanyang likuran. Bagamat inaasahan na niyang mga kamay ito ni Edwin ay labis siyang nagulat sa paglingon niya.

"Edwin...", gulat na nasambit ni Rita matapos makita si Edwin.

Umiiyak kasi si Edwin ng mga sandaling ito at sa mga mata ng nobyo ni Rita ay makikita ang napakatinding pagsisisi at pagsusumamo ng isang nagmamahal sa kanyang minamahal. Bigla ay hinawakan ni Edwin ang mga kamay ni Rita at siya ay seryosong napatitig sa nobya.

"Edwin...", si Rita na puno ng pagtataka sa tila kakaibang ikinikilos ni Edwin. Bagamat maraming beses na niyang nakikita ang pagmamakaawa at pagsusumamo sa mukha ng nobyo tuwing ito ay hihingi ng tawad sa mga kasalanan at panlolokong nagawa nito sa kanya ay ngayon pa lamang niya nakitang umiyak si Edwin sa harapan niya. Tila sa pakiwari niya ay may kakaiba talaga kay Edwin ng mga sandaling ito.

"Alam kong sawang-sawa ka na sa mga kagaguhan ko, Rita! Alam kong gasgas na gasgas na sa pandinig mo ang mga pangako ng pagbabago kong napapako! At hindi kita masisisi kung hindi mo na 'ko paniniwalaan pa! Pero gusto ko lang sabihin sa iyo... Ng buong puso... Ng buong damdamin... Na mahal na mahal kita, Rita... I know it's not enough to say this word... Pero sana... Kung puwede pa... Hayaan mo 'kong maipakita at maipadama ko ito sa iyo... Gusto ko itong maipadama sa iyo bago pa mahuli ang lahat, Rita... I love you...", ang pagsasaad ng pagsisisi at pagmamahal ni Edwin kay Rita habang gumagaralgal pa ang tinig.

Ilang beses na ring narinig ni Rita ang paghingi sa kanya ng tawad ni Edwin. Mga linya ng kadramahan at mga sumpa ng pagbabago at pagiging tapat. Tila maging siya ay nakabisado na niya ang mga sinasabi ni Edwin tuwing ang mokong ay hihingi ng tawad sa kanya. At alam niyang ang lahat ng ito ay paraan lamang ng nobyo niya upang ito ay mapatawad niya. Pero sa pagkakataong ito ay tila iba ang dating sa kanya ng mga sinasabi ni Edwin. Tila ba punung-puno ito ng sinseridad at katapatan. Tila ba maihahalintulad ang pagsisising ito ni Edwin sa kanya sa pagsisisi ng isang taong biglang hinaplos ng Diyos. Tunay at puno ng kalinisang pagsisisi na walang bahid ng kasinungalingan. At nakita na lamang ni Rita ang sarili niya na humahagulhol sa pag-iyak habang yakap-yakap ang nobyo.

"I have waited so long for this, Edwin! And now that it finally came! No one can ever explain how happy I am! I love you too, Edwin! I love you too...", ang naluluha sa galak na wika ni Rita habang yakap-yakap ang nobyo.

Ilang sandali pa ay nagkatitigan ang magkasintahan at ang pagtititigan nila ay nauwi sa isang napakatamis na paghahalikan na saan ba nga ba mauuwi kundi sa pinakaromantikong sandali ng sinumang magkasintahan. Makalipas ang ilang oras ay makikita ang dalawa na magkatabi sa kama ni Rita. Nakangiti habang nakatitig sa isa't isa. Tila ba masasalamin sa mga mata nila ang sobra-sobrang kaligayahan na hindi kayang maipaliwanag.

"Ang tanga-tanga ko, Rita! Kasi binabalewala ko ang isang tulad mo na napakaganda, napakabait at napakamapagmahal na nobya! I'm just so glad na hindi pa huli ang lahat para sa atin. Na puwede pa akong makabawi sa mga pagkakamali at pagkukulang ko sa iyo. Na puwede pa nating gawing sweet at romantic ang love story natin.", nakangiti wika ni Edwin habang nakatitig sa magandang mukha ni Rita.

"Puwede naman tayong magsimula uli e. Let's just pretend that we have just met today. Hi! Ako nga pala si Margarita Salas. But just call me, Rita.", nakangiti namang sabi ni Rita na umarte pang nakikipagkilala sa nobyo.

"Hi! I'm Edwin Dizon. Just call me Edwin. I'm so pleased to meet you and will you be my girlfriend?", nakangiti namang pagpapakilala kunwari ni Edwin kay Rita sabay halik sa kamay ng nobya.

"Uhmm! I think about it! Ahihihihihi!!!", ang napapahagikhik na sabi ni Rita.

Muli ay nagkatitigan sila at ang kanilang pagkakatitigan ay nauwi sa paghahalikan.

"And the new chapter of our love story begins..."

A True LoveWhere stories live. Discover now