. Chapter 5:

80 3 0
                                    

Matapos ang napakaromantikong date nina Edwin at Rita ay tila bigla na lamang naglaho si Edwin. Tila ba siya ay bigla na lang hindi nagparamdam. Ni-text o tawag ay wala nang anumang narinig pa mula sa kanya ang nobyang si Rita. Kaya naman labis na nalungkot at nangulila si Rita. Labis pa ngang nag-alala si Rita sa isiping baka may masama nang nangyari sa nobyo dahil sa bigla nitong hindi papaparamdam. Sinubukan niyang puntahan si Edwin sa tinutuluyan nitong condo sa may Eastwood, pero ayon sa mga kapitbahay nito ay ilang araw na raw itong hindi napapagawa sa tinutuluyan nitong condo. Dahil dito ay lalong nag-alala si Rita sa nobyo. Halos hindi na siya nakakakain at nakakatulog dahil sa sobrang pag-aalala para sa nobyo.

Isang gabi ay may nakapagsabi kay Rita na ang nobyo niya raw na si Edwin ay namataang pumasok sa isang townhouse sa may Fairview. Dahil sa nabalitaan ay agad nagtungo si Rita sa nasabing townhouse kung saan namataan ang kanyang nobyo. Habang papunta dito ay hindi maikakaila ang sobra-sobrang pananabik ni Rita na muling makita ang kasintahang tila kay tagal niya rin niyang hindi nakikita. Pero pagdating niya sa townhouse kung saan namamataan daw si Edwin ay nakita niya ang nobyo niya dito na nasa kandungan ng kung sinong babae.

"R-rita...!", ang nagugulat na sabi ni Edwin matapos makita ang nobya.

"Bakit, Edwin? Ang akala ko ba ay nagbago ka na? Ang akala ko ba ay ganap na tayong nagkakaunawaan? Pero bakit ngayon ay nakita na naman kita sa kandungan ng iba? Talaga bang hindi pa ako sapat para sa iyo? Hanggang kailan mo ba ako lolokohin at sasaktan? Hangggang kailan, Edwin...? Hanggang kailan...?!!!", ang naluluha at nagagalit na sigaw ni Rita sa nobyong si Edwin.

Damang-dama ni Edwin ang sakit na nadarama ng pinakamamahal na nobya ng mga sandaling iyon. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Ano nga ba ang magagawa pa ng isang katulad niyang nabibilang na ang sandali upang paligayahan ang minamahal? Sa halip na magpakita ng pagkaawang nadarama niya para sa nobya ay nagbalatkayo siya sa pamamagitan ng pagiging matigas at walang pusong nilalang.

"Oo! Rita! Kahit na kailan ay hindi na 'ko magbabago! Eto ang tunay na ako! Babaero! Walang puso! At walang kakayahang magmahal! Kahit paano ko pa pilitin ay hindi ko na mababago ang ganitong pagkatao ko! Kaya para matapos na ang mga paghihirap mo ng dahil sa akin ay tapusin na natin ang lahat sa atin, Rita! Tama na! Tanggapin na lang siguro natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na hindi talaga ako ang lalaking makakapagpasaya sa iyo at makakapagbigay ng mga bagay na ninanais mo! Sorry kung nasaktan kita, Rita! Pero eto ako! Eto lang ako!", si Edwin na tila nagpapanggap na matigas sa harap ng pinakamamahal na nobya.

"So ganon lang pala sa iyo ang limang taong pinagsamahan natin?! Wala lang pala sa iyo iyon at kayang-kaya mong tapusin na lang kung kailan mo gusto?! Anong klase kang tao?! Ikaw na marahil ang pinakawalang pusong taong nakilala ko! Damn you, Edwin! Sana ay hindi na lang kita nakilala pa! Sana ay hindi ka na dumating pa sa buhay ko! Hayop ka! Hayop!!!", ang galit na galit na sigaw ni Rita kay Edwin sabay sampal ng isang napalakas at napakalutong sa pisngi ng nobyo.

Matapos sampalin ang nobyo ay luhaang nagtatakbo si Rita palayo dito. Si Edwin naman ay naiwang napapaluha habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng nobya sa kanya.

"Sorry, Rita... Pero ito ang pinakamabuti... Mas okay nang maghiwalay tayo ng ganito... Mas okay nang kamuhian mo 'ko... At least kapag ganon magagawa mo pang magmahal ng iba... Magagawa mo pang muling mabuhay... Paalam na, Rita... This time it's for real... Sana ay lagi kang maging masaya at maging maayos... Sana ay mahanap mo ang lalaking tunay na makakapagpasaya at magmamahal sa iyo ng wagas... Paalam, mahal ko... I love you...", ang punung-puno ng lungkot at luhang wika ni Edwin habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo sa kanya ng pinakamamahal.

A True LoveWhere stories live. Discover now