Chapter 9: Family

11K 202 2
                                    

CHAPTER 9: Family

•°•°•°•

Nakatingin ako sa labas habang nagda-drive si Lawrence papunta sa bahay nila. Tahimik lang kami pareho. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Miel kanina kaya nilingon ko siya.

"Lawrence..."

"Call me 'Rence'."

Natigilan ako. "Huh?"

Sumulyap siya sa'kin saglit at inulit ang sinabi niya. "Call me 'Rence'. Masyadong mahaba ang 'Lawrence'."

Napatango-tango ako. "Ah. Okay. You can call me 'Raine', then. Iyon ang tawag sa'kin ng mga kakilala ko."

"Okay, Raine. Ano nga 'yong sasabihin mo?" tanong niya.

"Kasi kanina, nabanggit sa'kin ni Miel na ako daw ang first girlfriend mo. Ano 'yon? Hindi niya alam na casanova ka?"

"Nope. Hindi naman ako vocal sa mga ginagawa ko. Saka hindi ako nagdadala ng mga babae doon. Marunong naman silang mag-ayos kaya hindi ko sila dinadala doon," sabi niya.

Napasimangot ako. Eh, 'di ako na ang hindi marunong mag-ayos. Hay naku! Makapanood nga sa youtube ng mga tutorials kung paano makapag-ayos. Sisiguraduhin kong sa susunod, hindi na niya 'ko malalait.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na kami sa kanila. Napatingin ako sa labas. Ang laki ng bahay nila. Halatang-halatang mayaman talaga sila.

Bigla akong kinabahan. Makikilala ko ang family niya. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Well, okay lang. Hindi naman talaga niya ako tunay na girlfriend.

Pero nakakakaba pa rin. Baka panghuhusga na naman ang abutin ko.

Pagkababa namin sa kotse niya ay napansin ko rin ang isa pang sasakyan sa harap ng bahay nila. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod kay Rence sa pagpasok sa bahay.

Pagpasok namin ay mas namangha ako. Ang ganda. Ang liwanag. Ang luwang. Parang hari at reyna ang nakatira sa ganito kagandang bahay. Feeling ko tuloy isa akong prinsesa dahil nandito ako ngayon. May chandelier pa sila.

Natigil ako sa paglilibot ng tingin nang hilahin ako ni Lawrence papunta sa kung saan. Nang makarating kami doon ay napansin kong dining room pala iyon. At may mga taong kasalukuyang nag-uusap doon pero natahimik sila nang pumasok kami.

Mas lalo akong kinabahan. Lalo na at nakatingin silang lahat sa amin ngayon. Pa-rectangle ang table. Walong tao ang kasya sa table na iyon. May limang taong naroon.

"Oh, nandito na pala si Lawrence. And he's with someone," sabi ng lalaking nasa kanang dulo ng table.

Tumikhim si Lawrence at hinawakan ang kamay ko. "Everyone, I want you to meet my girlfriend, Lorraine Samonte."

Nagulat ako dahil alam niya ang surname ko. Ah, oo nga pala. Nakalagay sa letter ko 'yon. Mabuti naaalala pa niya.

"Raine, I want you to meet my family. My Dad, Marcus Fontanilla," sabi niya at itinuro ang lalaking nagsalita kanina. "My Mom, Lorna Fontanilla," aniya at itinuro ang babaeng nasa tabi ng Daddy niya. "And my sister, Louisse Fontanilla," saka itinuro ang babaeng nasa tabi ng Mommy niya.

Ngumiti ako. "Good afternoon po."

"Good afternoon din, hija," bati sa'kin ng Mommy niya habang nakangiti. Grabe. Ang ganda ng Mommy niya. Ang bata pa niyang tingnan.

"Good afternoon, Lorraine," masayang bati sa'kin ng Ate niya. Kumaway pa siya sa'kin. Kumaway din ako sa kanya at ngumiti. Ang ganda rin niya. Halos magkahawig silang dalawa ni Lawrence.

UnrealWhere stories live. Discover now