Prologue

33.9K 708 171
                                    

Prologue:

Jace's POV

Narinig ko ang tawa nya at hindi ko mapigilang mapangiti. Nasa may tabing dagat kaming dalawa, naglalakad at tahimik na pinagmamasdan ang mapayapang alon ng tubig. Tumingin sya sa akin bago tumakbo. May nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Tahimik ko syang pinagmasdan, kuntento na makita syang masaya. Takbo sya ng takbo at ikot ng ikot na parang bata. Akala mo ngayon lang sya nakapunta sa tabing dagat dahil sa saya sa mukha nya.

Tinawag nya ang pangalan ko at kumaway sa akin. Kumaway rin ako pabalik bago napailing dahil sa mga kalokohan na ginagawa nya.

Minsan napapa-isip ako. Bakit nga ba ako nahulog sa isang katulad nya? Puro kalokohan at napaka-isip bata. Minsan may pagka-engot din. Pero ganun lang siguro ang love. Wala kang sagot sa kung bakit sya ang itinitibok ng puso mo, nararamdaman mo na lang. Yung para bang walang kasunod na 'kasi' o 'dahil' ang sagot mo kung 'bakit sya?'. Yung tipong mapapangiti ka na lang dahil natamaan ka na ng pana ni kupido at masasabing 'Ewan. Basta mahal ko sya at sya lang ang tinitibok nito' sabay turo sa dibdib. Yun ang pinaka the best feeling sa lahat. Sadyang nagmamahal ka lang.

Hinabol ko sya dahil sa patuloy nyang pangungulit sa akin. Sa may tabing dagat sabay kaming nagsitakbuhan, naghahabulan na parang wala ng bukas. Puno ng saya sa buong paligid. Nangingibabaw ang tawa namin kaysa sa malakas na pag-alon ng tubig.

Sa di sinasadyang pagkakataon ay bigla akong nadapa. Dali dali syang lumapit sa akin pero pinagtawanan din nya ako dahil sa sinapit.

Tumayo ako ngunit agad na nakaramdam ng hapdi kaya muli akong napaupo sa may buhanginan.

"Tumayo ka jan! Kaya mo yan!"

Sinubukan ko ulit pero kusang bumabagsak ang mga tuhod ko ng walang pasabi. Hindi ko alam kung saan ang masakit. Basta may nararamdaman akong hapdi na hindi ko masabi.

Kaya mo yan.. mga salitang lagi nyang sinasambit na nakapagpabawas sa sakit na nararamdaman ko. Ilang beses na ba nya itong sinabi sa akin sa tuwing sa tingin ko ay wala na akong pag-asa? Sa tuwing hindi ko na alam kung kaya ko pa? Sa tuwing gusto ko ng sumuko sa laban ng buhay at hindi na muling babangon pa? Sa oras na parang wala na akong tiwala sa aking sarili nandyan sya at patuloy na nagtitiwala sa akin, naniniwala na kaya ko, sumusuporta at umaalalay.

Dahil dito muli kong sinubukan, puno ng determinasyon sa aking mukha. Para sa kanya tatayo ako, para sa kanya kakayanin ko. Minsan napapa-isip ako kung paano napunta ang isang anghel na tulad nya sa harapan ko. Tinulungan nya akong magbago at binigyan ng direksyon. Tinulungan nya ako kung paano mas maging mabuting tao kaysa kung ano ako noon. Kundi dahil sa kanya wala ako... kundi dahil sa kanya hindi ko mararamdaman ang salitang 'pagmamahal'.

Sya na lang ang meron ako. Sya na lang ang pamilya ko. Sya lang ang minahal ko. At sya lang ang mamahalin ko.

Nakatayo ako at ngumiti sa kanya. Muli kong narinig ang mahina nyang tawa sabay sabi sa akin na "Sabi ko na nga eh kaya mo yan!'. Binigyan nya pa ako ng isang napakatamis na ngiti bago muling tumakbo palayo. Ngunit sa pagkakataon na ito palayo na sya ng palayo. Tinawag ko ang pangalan nya ngunit hindi sya lumingon. Nakaramdam ako ng kaba at dali dali rin syang hinabol.

Palayo sya ng palayo... hindi ko sya maabot...

"Serene!" 

Bigla kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad ding napapikit dahil sa dagliang liwanag ng araw. Panaginip. Yun lang pala ang lahat ng yun kaya agad akong nakahinga ng maluwag.

Ilan pang sandali ang pinalipas ko bago ko muling iminulat ang aking mga mata. Dahan dahan lang pero humahapdi pa rin ito kaya napapapikit pa rin akong muli. Ang labo ng buong paligid at tila ba hindi ko maifocus ng mabuti ang tingin sa isang bagay. Malabo man ang paningin, napansin ko na halos puti ang buong paligid. Pero ang mas nakakagulat doon ay ng mapansin ang dextros na nakadikit sa kamay ko pati na rin ang maiingay na machines sa paligid ko.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon