Chapter 40

12 1 0
                                    

Chapter 40

Gabi na ng maisipan namin in Adrian na umuwi. Pero dahil medyo gutom na kami ay huminto muna kami sa isang fast food para mag-take out. Si Adrian na ang nagpunta sa fast food para um-order.

Habang naghihintay ako sa pagbabalik ni Adrian ay may nakita akong buntis... Naglalakad ito at mukhang hirap na hirap.

"Parang pamilyar yung buntis na yun." Bulong ko sa isip ko.

Maya-maya ay nakalapit na ito at naaninag ko ng husto ang mukha niya.

"Si Tricia!"

Mula sa loob ng kotse ay kita ko na nahihirapan na siyang maglakad, mukhang wala din ibang tao sa labas kaya walang tumutulong sa kanya.

Bababa ba ako o hindi? Tutulungan ko ba siya? Pero baka galit pa rin sa akin si Tricia.

"Ahhhh!! Tu—tulong!" sigaw ni Tricia.

Nakita ko na pumutok na ang panubigan niya!

Napabalikwas ako at agad na bumaba ng kotse.

"Tricia! Bakit nag-iisa ka? Nasaan si Brice? Tara na sa kotse dadlhin kita sa ospital?"

"Mi—Miyuki? Anong ginagawa mo dito? Aahasin mo na naman ba yung asawa ko!" galit na sabi ni Tricia.

"Tricia nakaraan na yun! Ano ka ba? Yan pa ba ang iisipin mo ngayon? Tara na sa kotse dadalhin ka namin sa ospital."

"Huwag na! Di bale nalang, ayoko ng magkaroon ng utang na loob sayong ahas ka! Quits na tayo di ba? Si Brice ang naging pang-bayad sa kalayaan ng tatay ko noon di ba!"

"Ano bang pinagsasabi mo! Umayos ka nga Tricia!"

Nasa ganoon sitwasyon kami ng dumating si Adrian.

"Miyu, anong nangyari? Sino siya." Tanong ni Adrian.

"Mahabang istorya, pero kailangan natin siyang dalhin sa osptial."

"Ayoko nga sabi!" sigaw ni Tricia.

"Tricia! Dinudugo ka na! Ano ka ba!" sigaw ko naman.

"Ang baby ko! Ang baby ko!" iyak naman ng iyak si Tricia.

"Adrian, dalhin natin siya sa ospital."

"Sige..." sabi ni Adrian at binuhat na niya si Tricia para maipasok sa kotse.

*

Sa ospital...

Tinawagan ko si Maan, buti nalang hindi pa siya nagpapalit ng number.

Phone Convo:

Me: Maan, nasaan si Brice, si Tricia, manganganak na!

Maan: Ha? Hindi ko din alam, pero tatawagan ko nalang siya, saan ba yung ospital na pinagdalhan ninyo kay Tricia.

Me: Sa Holy Cross Medical Center, bilisan ninyo!

End of Convo.

Maya-maya pa ay dumating na si Brice.

"Miyuki, nasaan si Tricia?"

"Nandoon pa sa delivery room." Sagot ko naman.

"Miyu, sino siya." Biglang tanong ni Brice sa akin.

"Si Adrian... we're dating..."

"Ahh, nice to meet you Pare." Sabi ni Brice saka nakipag-handshake kay Adrian.

"Ano bang nangyari bakit hindi mo kasama yung asawa mo eh kabuwanan na pala niya."

"Masyado ng nagiging paranoid si Tricia, pakiramdam daw niya ay may iba akong babae, sabi niya kaya daw malakas ang loob ko noon, dahil may utang na loob ang pamilya niya sayo. Ako daw ang naging pambayad utang niya... I don't understand ginagawa ko naman ang lahat."

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon