Chapter 36

15 1 1
                                    

Chapter 36

Malapit na akong malaglag ng biglang may kamay ang humablot sa kamay ko.

Si Adrian... my hero...

"Ughhh!!" medyo tense na sabi ni Adrian habang hinahatak niya ako pataas.

Di nagtagal ay tuluyan na rin akong nakaalpas at sa sobrang lakas ng pagkakahila sa akin ni Adrian ay napahiga siya sa sahig ng rooftop, napahiga naman ako sa dibdib niya.

Napahawak siya sa baywang ko at ang mga kamay ko naman ay nakapatong sa matipunong dibdib ni Adrian.

Nagkatinginan kaming dalawa. Tapos bigla siyang pumikit at niyakap ako.

"Adrian, so—sorry..." sabi ko habang nakapaibabaw pa rin ako kay Adrian.

After a few deep breaths ay bumangon na rin si Adrian. Mula sa pagkakahiga ay umupo ito.

"What do you think you are doing?!" may galit ang boses niya.

"Kasi... hindi ko naman sinasadya, aksidente lang—" magsasalita pa sana ako but Adrian interrupted me.

"Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo? I'm worried sick about you! Hindi mo na inisip ang mararamdaman ko kapag napahamak ka!"

"It's not her fault; Kung may dapat man sisihin sa mga nangyari ako yun." Sabat naman ni Katrina.

"At sino ka naman?" paasik na tanong ni Adrian. (Mukhang sa sobrang galit ni Adrian ay nakalimutan na niya na anak ni Mr. Clarkson si Katrina.)

Maya-maya ay dumating si Mr. Clarkson at agad nitong niyakap si Katrina.

"Katrina, I'm sorry, I'm so sorry, I shouldn't force you to come with me. Are you hurt? Maybe we should go home? Adrian, would you mind if we will reschedule this meeting?"

"Sure..." agad naman na sagot ni Adrian.

"Perhaps we should continue the meeting; I want to hear your business proposal Adrian." Sabi naman ni Katrina.

"But Katrina, I thought you don't want to get involved in this business transaction? How come you became interested on a sudden?" tanong ni Mr. Clarkson sa anak.

"Well I owe my realization to her, and I can see that he is actually the one that you are talking about earlier right?"

"Yes. He is..." parang namula naman ako sa pag-amin ko kay Katrina.

"I owe you one, so I will return the favour, let's go to the conference room. I want to hear his business proposal." Sabi ni Katrina saka ito naglakad kasama ang kanyang daddy papuntang conference room.

Napansin ko kanina, nung magkapatong kami ni Adrian saka nung pinagagalitan ako ng Adrian ko, maybe she saw how much Adrian cares for me, how scared he was knowing that he could lose me. Adrian showed a deep affection and love to me earlier and maybe that kind of love is what Katrina was trying to seek.

Habang nasa loob ng conference room ay lumapit sa akin si Katrina." Thank you for helping me realize na may pag-asa pa akong lumigaya, I wish I could find someone like Adrian, Alam mo ba? Kahit kailan hindi ko nakitang ganyang katindi mag-alala sa akin si Patrick, lalo na nung tinanggihan ko siya, nanlamig siya sa akin, bukod doon siya na rin ang nakipag-break sa akin."

"Makakahanap ka rin ng totoong magmamahal sayo, yung totoong magmamahal sayo, hindi yung katawan lang ang habol sayo." Sabi ko naman.

Bumalik kami sa conference room para ipagpatuloy ang business meeting, ang Adrian ko sobrang OA talaga, hawak pa niya ang kamay ko habang nag-pe-present ng business proposal niya sa mga Clarksons.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now