Chapter 19

23 4 0
                                    

Chapter 19

I texted her and tried to call her pero hindi na siya sumasagot.

Nawala na nga sa akin si Eugene pati ba naman ang best friend ko mawawala din sa akin?

Good Miyu:
Kasalanan mo rin naman. Pati siya dinamay mo sa galit mo. Wala naman kasalanan yung tao.

Real Miyu:
Alam ko, kaya nga heto sobra akong nagsisisi sa pagbaliwala ko kay Aika.

*

Isang araw lumapit sa akin si Mae at Peter.

"Miyuki, tulungan mo naman kami." Sabi ni Mae.

"Bakit anong nangyari?"

"Si Raymond ang inaasahan namin na papalit sa pwesto ni Aika , kaya lang hindi naman namin mahanap kung nasaan si Raymond. Hindi pa siya nakakapag-pass ng application form for candidacy. Nag-aalala na rin ang pamilya niya. Nawawala si Raymond!" sabi naman ni Peter.

"Teka, bakit ako ang nilapitan ninyo? Hindi ko alam kung saan siya hahanapin."

"Bago mawala si Raymond nagpunta siya sa bahay nila Aika, nagmakaawa siya kay Aika para mapigilan itong umalis. Tinanong din namin siya kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit aalis nalang siya ng basta-basta. Bakit hindi niya man lang ipaalam sa amin ang problema niya... ang dahilan kung bakit kailangan pa niyang umalis." Umiiyak sa paliwanag ni Mae.

Gustuhin ko man na sabihin sa kanila ang dahilan ay hindi ko naman magawa. Nangako ako kay Aika at hindi ko maaring sirain ang tiwala sa akin ng kaibigan ko.

"Miyuki, kung may alam ka tungkol sa pag-alis ni President, sana naman sabihin mo na sa amin."

"Pasensya na, wala din sinabi sa akin si Aika." Pagsisinungaling ko sa kanila.

*

Medyo hapon na ng makauwi ako dahil sa dami ng ginawa namin sa PE class.
Hindi ninyo ba naranasan yung parang nag-o-overtime na kayo sa mga klase ninyo, dahil sobrang daming gustong ipagawa sa inyo ng mga teachers ninyo? Buti sana kung siya lang ang teacher namin, kahit magsawa kaming magturuan walang problema.

Habang naglalakad ako ay may lalaking humawak sa braso ko, agad kong hinawakan ang braso niya at mabilis na umikot habang hawak ko ang braso ng lalaki na nagtangka sa akin. Dahil dito napilipit ang kamay niya.

"Sandali!! Aray ko! Miyuki!! Masakit! Baka mabalian ako!"

"Raymond?"

"Oo ako nga ito, aray! Bitawan mo na ako!"

Agad ko siyang binitiwan.

"Ano bang problema mo? Bakit ka nanggugulat?" tanong ko sa kanya.

"Gusto lang sana kitang tanungin, alam mo ba ang dahilan kung bakit kailangang magbitiw ni Aika sa pagiging president ng student council? Ano bang nangyari? Please sabihin mo naman."

"Hin— hindi ko alam, pasensya na." Nasabi ko nalang kay Raymond.

"Maawa ka naman Miyuki, ayoko siyang umalis dito sa San Ildefonso High, ayokong mawalay sa kanya. Hindi ako papayag na umalis siya."

"Sandali lang nga? Bakit... Bakit naman hindi ka makakapayag? Ano ka ba niya?"

"Ma—hal ko si Aika..."

Nagulat ako sa mga narinig ko...

"Nakikiusap ako, sabihin mo na, dahil baka pwede pa natin siyang mapigilan kung malulutas natin ang kung ano mang gumugulo sa kanya ngayon."

Sandali akong nag-isip. Nakakaawa naman si Raymond. Paano ba ang gagawin ko? Dapat ko bang sabihin sa kanya ang problema ni Aika?
Hindi... Hindi pwede... Hindi ko pwedeng sirain ang tiwala sa akin ni Aika.

Pero paano malalaman ni Raymond ang problema ni Aika kung hindi ko sasabihin sa kanya?

Alam ko na!!! Biglang may ideyang pumasok sa isip ko.

"Raymond..."

"Ano yun Miyuki?"

"Hanga ako sa pagmamalasakit at pagmamahal mo kay Aika, hindi ko maipapangako pero susubukan kong pilitin siya na sabihin sayo ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis dito sa San Ildefonso."

"Pero bakit hindi pa ikaw ang magsabi sa akin ng dahilan kung bakit kailangan pang umalis ni Aika?"

"Nangako ako sa kanya... nangako ako na hindi ko sasabihin sa iba ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis, hindi ko maaring sirain ang tiwala sa akin ni Aika."

Tumingin ng matiim sa akin si Raymond.

"Naiintindihan ko..." seryoso niyang sabi akin.

"Raymond, mayroon din sana pala akong ipapakiusap."

"Ano yun?"

"Tumakbo ka bilang student council president. Alam mo ba na ikaw ang pambato ng mga kasamahan mo sa student council? Malaki ang tiwala nila sayo at siguradong ganoon din si Aika."

Napangiti lang si Raymond.

"Sige, tatakbo ako bilang student council president." Nakangiting turan ni Raymond.

*

May ilang nagtangka na tumakbo bilang student council president pero ng malaman nila na tatakbo na pala si Raymond ay agad na silang nag-pulled out sa kanilang candidacy. Alam nila na wala silang laban kay Raymond dahil napakapopular nito sa buong San Ildefonso High lalo na sa mga kababaihan.

Tiyempo na pumunta si Aika sa school para asikasuhin ang ilan pa sa mga trabaho na ipapasa niya sa susunod na student council president. Agad namin siyang hinanap ni Raymond.

"Aika!!!" sigaw ko habang papasok sa student council office.

"Miyuki,  anong problema? Bakit mo ako hinahanap?"

Mula sa likuran ko ay biglang sumulpot si Raymond at pumasok na rin sa loob ng opisina.

"Aika, gusto kong malaman mo na tatakbo ako bilang student council president." Nakangiting turan ni Raymond.

"Congratulations... ngayon pa lang ihanda mo na ang sarili mo dahil siguradong ikaw ang mananalo, ipagpatuloy mo ang maayos na pamamalakad ng student council sa buong San Ilndefonso High." Yun lang ang sinabi ni Aika at lumakad na ito palabas ng office.

"Aika, mahal na mahal kita! Ikaw ang naging inspirasyon ko mula noon hanggang ngayon. Sumali ako sa student council dahil gusto kong mapalapit sayo, gusto kong... gusto ko na mahalin mo rin ako!"

Lumingon si Aika at tumingin ito kay Raymond, samantala si Raymond naman ay nagsimulang maluha dahil sa tindi ng emosyon na kanyang nadarama.

"Naalala mo pa ba? Noong una tayong nagkakilala?" tanong ni aymond kay Aika.

Flashback

"Raymond Dale Ramirez?" tanong ni Aika kay Raymond.

Napanganga si Raymond sa kanyang nakita. Napakaganda ni Aika. Para siyang isang Japanese Model na nakasuot ng school uniform.

"Yes, Ako si Raymond Dale Ramiriez, what's your name miss?"

"Aika Mishimoto, student council president."

"Nice to meet you Ms. President, how may I help you?"

"Sumama ka sa akin..."  sabi ni Aika saka tumalikod na ito at naglakad palayo.

Sumunod naman agad si Raymond.

Pagpasok ni Raymond sa student council office ay agad siyang nagulat. May iba pang students ang naroon kasama niya.

"Lahat kayo ay napili ko para dumaan sa ilang examinations, may ilang bakanteng posisyon sa student council, ang ilan sa mga miyembro ng student council na mula sa gifted class ay nagkaroon ng sponsor para sa isang special na training program sa Canada. Kaya naman kailangan namin ng kapalit nila." Sabi ni Aika sabay ipina-distribute niya ang mga exam sheets kasama ang rules and regulations pati na rin mga benefits na maari nilang makuha kung papasa sila para sa mga nabakanteng posisyon.

"Sa last page makikita ninyo ang mga benefits na maari ninyong makuha, alam ko na ang ilan sa inyo ay nangangailangan ng financial assistance para sa kanilang pag-aaral, nakalahad diyan na makaka-received kayo ng ten thousand pesos monthly allowance, bukod pa diyan may mga incentives pa kayong makukuha, so good luck."

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ang exam at isa si Raymond sa mga nakapasa. Sa simula pa lang ay hindi naman talaga ang pagiging member ng student council ang habol niya... Sa totoo lang gusto niyang makasama sa student council para makasama niya ang student council president.

End of Flashback

"Aika, mahal na kita noon pa man, gusto ko sanang malaman kung kahit papaano ba... minahal mo rin ako?"

"Magpapadala ako ng funds para sa candidacy mo, bukod pa doon tatawagan ko sila Mae para makatulong sila sayo, kapag ikaw na ang student council president sikapin mo na mapanatili ang kaayusan sa buong San Ildenfonso High." Yun lang ang sinabi ni Aika at naglakad na ito palayo.

Halos maiyak ako sa galit at pagkainis. Nakita ko si Raymond na katingin sa kisame at tila pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hanggang sa huli binaliwala siya ni Aika.

Kung hindi niya mahal si Raymond sana diniretso nalang niya ito. Bakit kailangan niyang iparamdam dito na wala siyang halaga? At kung hindi man niya ito mahal, sana ipina-alam man lang nito sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan niyan umalis sa San Ildefnoso.

"Maghintay ka rito, hindi pa ito tapos..." bigla kong nasabi at tumakbo ako ng mabilis.

"Miyuki... saan ka pupunta? Anong gagawin mo?" pinigilan ako ni Raymond.

"Bitiwan mo ako! Akong bahala! Kakausapin ko siya para man lang malaman mo ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis."

"Hindi na iyon maha—" magsasalita pa sana si Raymond pero marahas kong pilit binawi ang aking kamay na hawak niya. Hindi naman niya ako binitiwan dahil ayaw niyang magpang-abot pa kaming dalawa ni Aika.

"Karapatan mo iyong malaman! Kahit yun man lang sana huwag niyang ipagkait sayo at sa iba pa niyang kaibigan sa student council." Sabi ko habang umiiyak.

Dahan-dahan niya akong binitiwan...

Yumuko siya at nagpasalamat.

"Salamat Miyuki..."

Yun lang ang kinailangan ko at tumakbo na ako para habulin si Aika.

•RavenSansRival

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon