Chapter 16

28 3 0
                                    

Chapter 16

Nagpunta kami sa rooftop kung saan kami nagkakilala. Iyon ang lugar na paborito naming tambayan, lalo na kapag naglalabas ako ng sama ng loob sa kanya o di kaya naman ay nagsasabi ako ng mga bagay na kahit kay Auntie Meg ay hindi ko magawang sabihin. Ok lang naman kung kay Auntie Meg ako mag-open ng secrets but sometimes pakiramdam ko mas maganda kung kay Aika ako mag-open ng mga personal na topic dahil pareho kami ng age bracket. Pakiramdam ko mas maiintindihan niya ako ng lubusan.

"Oh, Nandito na tayo, sabihin mo na yung problema mo."

"Aika, papaano kung may lalaking nagkakagusto sa akin? At gusto ko rin naman siya, kaso lang kasi natatakot ako na masaktan ulit. Alam mo naman yung pinagdaan ko noon kay Stefan di ba?"

"Naiintindihan ko na natatakot ka pa ngayon, hindi mo naman kailangang magmadali. Hayaan mo muna na magkakilala pa kayo ng husto. Kilalanin mo siyang mabuti, tapos kapag nasiguro mo na na sure na sure ka na sa nararamdaman mo para sa kanya, then I think ready ka na ulit magmahal. Wala namang masama kung pagbibigyan mo ulit yung puso mo na magmahal muli di ba?"

"Thank you sa advice! Gagawin ko yan, tama ka. Wala naman masama kung pagbibigyan ko yung sarili ko na magmahal muli."

"Ahh nga pala sino itong lalaking tinutukoy mo na may gusto sayo?"

"Eu... Eugene ang pangalan niya."

"Eugene? Yung leader ng mga basagulero at bully dito sa San Ildefonso High?"

"Uhmm... Uhmm..." sabi ko habang tumatango.

"Hay naku!" sabi ni Aika at nagkibit-balikat nalang.

Nang mga panahon kasi na iyon ay kilala si Eugene bilang most popular bully sa school namin.

*

Few weeks earlier...

Simula na ng pasukan, Third year na ako.

P.E. class

Nagbabasa ako ng libro habang nasa tabi ng court. Mamaya pang 2 PM ang klase namin pero maaga akong pumasok. Malapit na daw kasi akong buminggo. Kasisimula pa lang ng school year two days na agad akong late. So heto ako ngayon maaga akong pumasok para naman matuwa sa akin ang P.E. teacher ko.

Pare ang ganda nung babae oh." Sabi ni Vincent.

"Asan?" sabat naman ni Alfred.

"Ayun oh, nakaupo sa gilid ng court." Sabi naman ni Vincent.

"Oo nga maganda siya." Sabi naman ni Eugene.

Nagkatinginan ang tatlo.

"Alam ko ang iniisip ninyo mga bugok kayo, huwag ninyo ng ituloy, hindi siya yung tipical na babae na magpapabola sa inyo." Sabi naman ni Dennis.

"Kung hindi madaan sa bola eh di asarin nalang, karamihan ng mga babae nadadaan sa pang-aasar tapos di magtatagal mahuhulog din siya sa akin. Sabi nga nila the more you hate the more you love." Ngiting aso na turan ni Eugene.

"Aasarin mo? Ano ka grade school?" sabat ni Alfred.

"Alam mo Alfred kung hindi mo madaan sa pang-bobola ang babae, daanin mo sa pang-aasar, kasi kapag naasar siya sayo hahanap-hanapin ka na niyan, tapos hindi mo mamamalayan may gusto na rin pala siya sayo." Paliwanag ni Eugene.

"Pustahan nalang kaya tayo?" sabat ni Vincent.

"Eto nanaman si pustahan." Hirit ni Alfred.

"Kung sino man sa atin ang makapagpasagot sa babaeng yan, mananalo ng two thousand pesos." Suhestiyon ni Vincent.

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon