Chapter 20

34 4 0
                                    

AN: Due to technical difficulties sa internet I can only upload bulk chapters, it may take few days before next chapters will be updated.

Chapter 20

"Aika!!!" sigaw ko habang hinahabol siya.

Pumasok siya sa gymnasium... Tiyempo naman na walang tao sa gym ng mga oras na iyon. Maaring ginawa niya ito para makapag-usap kami ng sarilinan.

Agad akong sumunod...

"Ano ba ang problema mo? Bakit ka sumisigaw?"

"Si Raymond... Sabihin mo sa kanya kung bakit ka aalis, karapatan niya iyon bilang kaibigan mo."

"Miyuki, pasensya na pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako aalis."

"Bakit naman hindi? Masama bang malaman nila yun? Alam mo bang pati ako naguguluhan na? Bakit yung simpleng bagay na iyon hindi mo maibigay kay Raymond? Bakit ka ganyan? Wala ka bang konsenya?"

"Walang patutunguhan ang pag-uusap na to, I have to go..."

"No! Hindi ka aalis hanggat hindi mo sinasabi kay Raymond ang dahilan, kung ayaw mo, ako nalang ang magsasabi!" sigaw ko at nagmadali akong lumabas ng gym pero bago pa man ako makalabas ay nasapul ako agad ng malakas na flying kick ni Aika.

May alam din sa martial arts si Aika, Paborito niyang sports ang karate.

"Aray ko..." napahawak ako sa balakang ko...

"Wala kang sasabihin kay Raymond! Tumigil ka Miyuki!"

"Kung ganon sige maglaban tayo, kapag natalo kita, ikaw mismo ang magsasabi kay Raymond ng katotohanan!" sigaw ko at umatake ako this time.

I used my upper cut, followed by spin kick; she dodges it and evaded all my attacks.

Di nagtagal siya naman ang umatake, nahuli niya ang kamay ko at agad iyong pinilipit!

"Ahhhhh!!!" sigaw ko sa tindi ng sakit na naramdaman ko! Using my elbow I hit her on the face, which caused her to be distracted, and she was forced to let go off me.

Parehas na kaming hinihingal, napaglitan kami ng suntok at sipa pero walang sumuko sa aming dalawa.

Nagkataon na may practice pala ng basketball sa gym kaya't inawat kami ng mga basketball players.

Nandoon din si Eugene at ang barkada dahil miymebro ng basketball team si Vincent.

Hawak ako ni Eugene at Dennis samantalang hawak naman ni Alfred at Vincent si Aika. Kahit sila ay nahirapan sa pagawat sa amin kaya tumulong na rin ang iba pang players. Dahil nga sa may alam kami sa martiat arts ay nahirapan talaga sila sa pag-awat sa amin, kinailangan nila kaming pagtulungang awatin para hindi na kami makagalaw pa.

"Bakti hindi ka magsalita!! Bakit ka ganyan Aika! Bakit! Bakit! Sabihin mo ang katotonan! Sa totoo lang hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan mo pang maglihim sa mga miyembro ng student council, pero ngayon naiintindihan ko na ang lahat! Duwag ka Aika! Duwag ka! Noon tinuruan mo akong maging matapang at harapin ang nararamdaman ko! Pero ikaw bakit ka ganyan? Napakaduwag mo! "

"Wala kang paikalam, at huwag mo akong sumabatan dahil noong panahon na kailangan kita hindi mo ako sinamahan! Bakit? Dahil ako ang sinisisi mo kung bakit ka nasaktan sa pangalawang pagkakataon hindi ba?"

"Oo, ganoon na nga, pero kahit ganon kinausap kita at nilapitan para ayunsin ang problema, at gusto ko rin malaman mo na humihihingi ako ng tawad kung binaliwala kita noon! Kung galit ka sa akin sige parusahan mo ako, pero si Raymond, mahal ka niya, bakit hindi mo pagbigyan ang sarili mo na mahalin siya?"

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon