Chapter 23

39 3 0
                                    

Chapter 23

"Kuya, salamat... Salamat sa pagligtas sa akin... Salamat kasi nandiya ka kahit pinagtabuyan kita noon." Ummiyak na sabi ni Miyu.

"Huwag ka na ngang umiyak... Ok na nga si Kuya... Ok na ako bunso."

"Hindi mo man lang ba ako aawayin or pagsasabihan?"

"You know what... sapat na sa akin na kinikilala mo na ulit ako bilang kuya mo. Sana Miyu lagi tayong ganito... hindi mo lang kasi alam kung gaano ako nalungkot noong iniiwasan mo ako noon."

"Sorry talaga..." umiiyak na sabi ni Miyuki.

"Stop saying sorry ok? Hindi ka pa ba nagugutom? Hindi pa ba nagugutom ang mahal kong kapatid? You want something to eat? Magpapahanda ako ng breakfast para sayo."

"Bakit..." tila naguguluhan na tanong ni Miyuki.

"What do you mean bakit?" Stefan asked.

"Bakit hindi mo ako kinayang mahalin bilang girlfriend pero yung pagmamahal mo sa akin bilang kapatid... Sobra-sobra? Sobra pa sa inakala ko."

Hindi napigilan ni Stefan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kinuha sandali ni Stefan ang kanyang wallet at ibinigay ito kay Miyuki.

"Buksan mo..." sabi ni Stefan.

Agad naman binuksan ni Miyu ang wallet. She saw a picture of a small girl. She's very pretty and charming.

"Sino siya?" Miyu asked curiously.

"Her name was Ericka, nakababata ko siyang kapatid. She died when we were little... car accident." Stefan smiled bitterly.

"Bakit hindi mo sa akin nabanggit na may kapatid ka pala noon?"

"I met you seven months after her death, sobra akong depressed noon, dahil ako ang dahilan kung bakit siya namatay."

"What do you mean? Paanong ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo?"

"Kung hindi ako pumayag noon na makipaglaro kay Ericka ng taguan, sana hindi siya namatay. Birthday ni Mama noon, inaya akong makipaglaro ni Ericka ng hide and seek, pinagbawalan kami ni Mama pero pinagbigyan ko pa rin ang kapatid ko, tumakas kami... Hinanap ko siya pero hindi ko siya natagpuan. Bago matapos ang party ay nauna ng umuwi si Uncle Toni dahil may trabaho pa daw ito kinabuksan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng aksidente. Nagulat kaming lahat sa i-ni-report ng police, hindi lang si Uncle Toni ang sakay ng koste, kasama niya si Ericka. Dead on arrival sa ospital si Uncle Toni samantalang critical naman ang lagay ni Ericka."

Hindi napigilan ni Stefan ang maluha, napasuntok pa ito sa kutson ng kama.

"I never had the courage to tell them the truth... naduwag ako Miyuki... halos hindi ako noon makapagsalita, knowing that I was the one to blame for the death of my sister." Umiiyak na sabi ni Stefan.

Hindi na rin napigilan ni Miyu ang lumuha... She didn't expect that Stefan have this kind of burden in his heart for a long time.

"Sabi ng doctor kailangang ma-operahan si Ericka sa madaling panahon, kinailangan namin ng malaking halaga. Nabaon kami sa utang... para makabayad kami nagtrabaho si Mama bilang isang entertainer sa Japan."

"Yun pala ang dahilan kung bakit nagtrabaho ang Mama mo sa Japan. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin... handa naman akong makinig sayo." sabi ni Miyu.

Tumingin si Stefan kay Miyu.

"Naalala mo ba nung una tayong nagkakilala?" Stefan asked.

"Oo naman, nung una tayong nagkakilala noon sa school, umiiyak ako... Umiiyak ako kasi hindi ako kinakausap ng mga kaklase natin." Sagot naman ni Miyu.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now